Beat d' Undead (City Exploration) -Book two Teaser

483 16 2
                                    

Beat d' Undead (City exploration)

Book two teaser

B/N : So here's the deal human. Ipamalita niyo yung story ko and I promise to give you total shock and action sa mga next chapters. :) Okay po ba yun? O sige.

PakisSLAP! :*

-Yhan

-XX-

Somebody's POV

"Mom! Stop telling me what should I do!"

"Okay! Your on your own LADY! Bye!"

Sinarado ni mama ang kwarto ko at umalis na siya. Nagtalukbong ako ng kumot ulit. After a few minutes bumaba ako at umalis. Im ready and well dressed para sa gaganaping conference ng Gothic Club ng school. Im wearing Black long dress and boots. Nakalugay ang long black hair ko at may gwantes ako na hanggang braso. Naglagay ako ng makapal na black eyeshadows and black lipstick. Sinuot ko din yung kwintas ko na may black heart pendant.

Nagdadrive ako papunta sa venue ng may mabangga ang kotse ko. I felt something weird sa binti ko. Sumasakit na ito at----

"Shems!!" I wake up in reality! I was dreaming again for the second night. Nakita kong may nagtatangkang lumantak sa binti ko. Hindi ito makakagat dahil makapal ang tela sa boots ko. Humarap siya sa akin at may tumulong dugo sa bibig niya. May nalaglag pang laman sa pisngi niya. Yuck! Kakagatin niya ulit ang binti ko kaya tinadyakan ko siya gamit ang kabilang paa ko. Natumba siya at nadapa sakanya ang isa pang papunta sa akin. Napaatras ako at tumingin sa paligid. Sa bandang kanan sa dulo ng hallway nakita kong naglulusutan ang mga zombies sa maliit na butas na hinarangan namin kagabi. Napatingin ako sa kanan ko at nakita kong may nagfifiesta na sa katawan ni Luna ilang metro ang layo sa akin. From 6 we're down to 4 and then 3 and now kami nalang ni kuya. Nilalabas na nila ang bituka niya. Nakakasuka. Yung isa kumagat sa leeg. Yung isa sa ulo. Madaming dugo sa bawat kagat nila.

Kinuha ko ang kutsilyo sa hita ko. Ang long black dress ko ay naging mini dress dahil pinunit ko ito last last night ng madali kaming makatakbo. Lecheng mga zombies yan! Two days na kami takbo ng takbo at tago ng tago sa building na ito. Wala man lang tumutulong.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita kong natutulog pa si kuya. Agad akong tumakbo at ginising siya. Napatayo siya agad at pinulot ang pala sa tabi niya. Tumayo kaming dalawa at hinarap yung paparating. Dumadami na sila. Kilala ko pa yung iba.

In a matter of time this whole place turn into eat all you can resto for zombies where they can enjoy unlimited foods. Naalala kong kakastart lang nun ng conference nang may nagsisigawan sa labas ng hallway. Basta ang bilis ng pangyayari. 3hours kaming nagtago sa isang kwarto ng backstage at puro sigawan sa labas ang narinig namin. Paglabas namin there's blood everywhere. Leche yan! Nagsimula na kaming habulin ng mga nilalang na yun. Okay pa sana yung pagtago namin sa cafeteria. Kaso nakalusot nanaman sila. Kagabi kami nakabalik dito sa function hall. Hinarangan namin lahat ng pinto. Sa kasawiang palad nakalusot nanaman ang mga lechugas na to.Kailangan namin maka-alis sa lugar na ito.

Sinaksak ko sa ulo yung lumapit sakin at tinadyakan ang isa dahilan para tumalsik ito sa mga papalapit pa. Natumba yung nasaksak ko pero di ko natanggal yung kutsilyo ko kaya yumuko ako para tanggalin yun. Ang hirap tanggalin kaya kinarate ko muna yung mga lumalapit. Dalawa pa yung nakalapit sa akin kaya agad kong ginamitan ng high kick. Masyado na atang malambot ang mga katawan nila kaya madaling nagtanggalan ang mga laman nun sa mukha. Sinapak ko yung isa at nandiri lang ako sa mga dumikit na laman kamao ko kaya puro paa nalang ang ginamit ko.

"Leshe!" Lumingon ako kay kuya na kasalukuyang pinipigil yung mga papunta sa amin. May lima pang papalapit plus yung tatlo na nagsawa na kay Luna ay nakita na kami kaya papunta na sa amin. Hinampas niya sa ulo yung isa. Tanggal yung pangga. Sa ulo niya pinaghahampas lahat. May mga pumapasok pa dun sa butas. Lang kwenta talaga tong kuya ko eh. Di kasi nag'aral ng kahit anong martial arts at puro pagsusulat lang ng poems and novels. Same kami na GothEmo style pero ako may mga activities na hilig.

"Finally!" Natanggal ko din sa wakas yung bumaon kong kutsilyo. Sa gigil ko eh tinapakan ko yung ulo niya.

*Crrkk* Inikot kong mabuti ang paa ko at feel na feel ko yung pagdurog sa ulo nito. Tumalsik ang mata nito at nadurog ang utak.

"Dalian mo?! Madami sila! Takbo na tayo!"

"Tara na!"

Isang malakas na tulak ang ginawa ni kuya sa tatlong di niya na kaya at tumakbo kami papunta dun sa exit. Buti nalang malaki ang hall na ito at mabagal ang mga yun. Kinakabahan kaming dalawa at nagtinginan muna kami bago namin buksan ang Exit.

Tinanggal namin ang nakaharang na ilang patong patong na upuan. Hindi namin alam kung ano man meron sa likod nito ang mahalaga lang talaga makalabas kami.

Sabay kaming nagbilang bago namin buksan.

"1...

2...

3..!"

-XX-

B/N : Wooohhh!! Ano ? Book two na agad? Nyahaha. Wait lang. Nandito pa sa one yung ibang bida eh. :D

Pasensya na pala kasi di ako makapagonline sa computer shop kaya di ko mapalitan yung cover and di ko madedicate.

Tulad ng karamihan. Estudyante pa din po ako kaya madaming ginagawa. Third year education po ako kaya nakakaloka na. Haha Isasabay ko nalang kapag may computer works ako na dapat gawin. And kung bibisitahin niyo po ang profile ko. 4 po yung on going stories ko at yung isa eh nakadraft pa. Haha. Baliw lang.

Tapos nagkaro'n ng contest sa isang group na sinalihan ko kaya nagsusulat din ako for my entry there . :)

Salamat sa pag-intindi. Yung ibang stories ko muna basahin niyo para mabitin ulit kayo. Waha :)

Zombieloves €:

-Yhan

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon