Chapter 3

567 22 1
                                    

Chapter 3

Ella's POV

Nakaramdam ako ng mainit na bagay sa braso ko. Pinapaso nito ang balat ko kaya agad naman akong napaupo. Tss. Sinag pala ng araw. Omg ! Umaga na. Hinagis ko ang binti ni Tootsy na nakatanday sakin. Tinignan ko agad ang wallclock na nakalagay sa pader katapat ng kama ni Missie. 8:00am palang. Buti naman. Agad akong tumayo at naghilamos. Si Tootsy at Missie nakabuhol pa rin sa isa't isa. Hinila ko kay Missie si Darryl ko na kagabi niya pa minomolestya.

Makapag-paaraw nga muna. Kailangan ko ng vitamin E. Binuksan ko ang pinto papuntang terrace at sumalubong sa akin ang liwanag ng araw. Eeehh...sakit sa mata ah. Nang makarecover na ang mata ko sa liwanag nakita ko ng usok sa malayo. Huwew! May sunog?

"Aah!!!Tu---Tulong."

Napabaling ang tingin ko sa baba at nakita ko ang lalaking nakahiga sa kalsada at pinagtutulungan ng tatlong tao. Ang daming dugo. Bigla akong kinabahan at kinilabutan nang kagatin siya ng isa sa braso, yung isa sa batok, yung isa sa paa. Anong nangyayari?!! Napansin kong madaming dugo sa daan. Tumingin ako sa kanan at may mga katawan sa kalsada. Ganun din sa kaliwang street.

Tumakbo ako sa loob at ginising si Missie at Tootsy. Sinabi kong tumingin sila sa terrace. Nanginginig pa ko at kinikilabutan sa nakita ko. Tumakbo ako sa kwarto ni Leon at ginising siya agad.

"Lee! Lee! Gising!"

"Bakit?.." yung boses niya antok na antok pa. Pero hindi pwedeng matulog pa siya.

"Tingnan mo! Tumingin ka sa labas! Nasan si Jiro at Kiko?"

"Sa baba..."

Tumakbo ako sa baba at nakita si Jiro na nakahiga sa upuan. Hindi ko nakikita si Kiko. Nilibot ko ang paligid hanggang sa kusina. Pero wala! Nako po! Ginising at niyugyog ko si Jiro at nagising naman siya. Pina punta ko siya agad sa taas. Ano ba naman tong mga to! Ang kalat kalat dito. Lumabas ako ng bahay at nakitang binuksan ni Kiko ang gate. Napahinto siya ng makalabas. Nahabol ko siya at hinawakan sa braso. Gulat na gulat ang mukha niya. Ganun na rin ako ng makita ng mas malapit ang paligid. May mga nagtatakbuhan sa malayo at may humahabol, kahit saan kami tumingin ay may dugo at may mga nakahiga.

Sa tapat ng isang bahay sa kanan namin ay nakita kong tumayo yung lalakeng nakahiga kanina nung nasa terrace ako. Nanginig ako at napahawak ng matindi sa braso ni Kiko. Yung lalake, namumula yung mata. Kulay gray na dilaw yung balat niya, may hepa ba siya? Nakatingin ito sa amin. Mas kinabahan ako ng makita kami nito. Kaya pinilit kong hilain sa loob si Kiko. Hindi namin agad nasara ang gate dahil tinitignan pa namin yung lalake. Ang mas kinagulat namin ay may isa pang sumulpot sa kaliwa at harap namin. Mga ilang metro ang layo. Gumigewang gewang silang papunta sa amin. Nanigas kaming dalawa at hindi makagalaw. Nakatitig lang kami sakanila.

"Sarado niyo yung gate!! Sarado niyo na!! Ella!!"

Nagising ako sa katotohanan at nakita si Tootsy at Missie sa terrace. Agad kong sinara ang gate at nilock. Dahan dahan kaming umatras ni Kiko na nakatitig pa din sa gate nang biglang kumalabog ito, sinabayan pa ito ng mga ungol.

"Pumasok na kayo! Kiko, Ella, Pasok na!"

Nagtitigan kami ni Kiko at kitang kita ko sa mata niya ang gulat at takot. Isang malakas na kalabog at ungol mula sa gate ang nakagulat ulit sa amin at nagsisigaw na kaming pumasok sa loob. Si Kiko ay ginising si Jiro. Umakyat ako direcho sa kwarto ni Missie at nakitang sumusuka na siya sa banyo. Si Tootsy naman ay wala.

"Si Tootsy?! Nasan si Tootsy?!"

"*ubwaa* Ugghh... sa kwarto ni kuya.."

Tatakbo na sana ako sa kwarto ni Leon nang hawakan ni Missie ang mga braso ko.

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon