Chapter 2

655 21 2
                                    

B/N : Oh my! I totally suck at narration. Patawad people. Huwag kayo mag-alala gagamit na ko ng point of views ng mga characters sa next chapters. :)

Chapter 2

Kinahapunan.

Matapos maglinis ng bahay, nagluto na ng dinner si Leon. Si Missie naman ay tinitext ang mga kaibigan. Ininvite niya din si Kiko para makasama niya ito at magpagoodcatch mamaya. Sabay sabay silang pupunta sa school bukas para tanggapin ang parusa nila. Masaya sila kapag napaparusahan dahil madalas eh pinagwawalis lang naman sila ng school grounds. Hindi ito big deal sa barkada dahil trip nila ito. Lahat ng dp nila sa fb ay parang nagcocommunity service dahil nagseselfie sila na may hawak na walis, daspan, sako o mop. "It's cool" ika-nga ni Jiro.

Unang dumating si Ella daladala ang darryl pillow at dvd ng zombieland. In character talaga siya kaya nakasuot ng shorts at black leather boots. Naka fitted white sando at nakacowboy hat. May nakapalupot din sa bewang niya na belt lagayan ng peke niyang baril.

"Woah! Sino ka naman ngayon?!"

Sabi ni Missie pagkatapos magbeso sakanya. Agad naman siyang sumagot gamit ang tingin ni Alice ng resident evil.

"My name...is Ella...And I remember everything."

Agad nagtatakbo siya sa loob ng bahay at kunawari'y nagpapaputok. Nagsosound effects siya gamit ang bibig.

"Phew! Phew! Phew!"

"Sh*t...Ano ba Ella nakakagulat ka ah?!"

Muntikan mabitawan ni Leon ang mainit na kawali nang biglang lumitaw si Ella sa kusina at nakatutok sakanya ang baril-barilan nito. Agad naman humagalpak si Ella sa tawa nang makita ang apron na suot ni Leon.

"Dapat lagi mo yan suot. Ang cool niyan sayo. Bwahahahaha."

"Stop it. Wag kang kakain."

"Whatever human."

Lumabas na nang kusina si Ella at umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto ni Missie. Nagbukas ng tv at sinalang sa player and dvd niya ng zombieland. Samantala sa baba dumating na si Kiko. Nakasuot ito ng pants, blue t'shirt, bonnet at may dalang bagpack. Sinilid niya dito ang damit niyang susuotin bukas para sa detention nila. Agad siyang pinapasok ni Missie at pinaupo sa sala.

"Sinong dumating?" Sigaw ni Leon sa kusina. Di pa din siya tapos magluto.

"Si Kiko kuya!" sigaw ni Missie "Hi Kiko, kamusta ka naman?" sumiksik agad siya sa tabi nito at kuntodo smile sa binata.

"SINO?!!" Nagulat sila ng lumabas si Leon sa kusina. "What da?! Bakit nandito ka?!"

"Ahm...ah...eh..."-kiko

"Ininvite ko siya. Bakit may angal ka?! Itetext ko si Tootsy."

Agad pinulot ni Missie ang cellphone at kunwaring nagtype.

"Stop it Missie. Bahala ka na."

Bumalik na sa kusina si Leon at nagngitian lang sila ni Kiko.

Sabay naman na dumating si Tootsy at Jiro. Si Tootsy ay simpleng simple at hindi baduy sa suot niyang jeans at t'shirt. Nakasalamin lang talaga. May dala din siyang bagpack laman ang ilang libro at damit pampalit. Si Jiro naman ay naka shorts at sando. Magsuswimming daw siya mamaya. May maliit na pool kasi sa likod ng bahay nila Leon.

Kinagabihan

Naisipan ng mga boys na maginuman sa sala, samantalang ang mga girls ay busy sa panonood sa kwarto ni Missie.

Sa kwarto ni Missie. Busy si Tootsy sa pagbabasa ng libro. Ang kwarto ni Missie ay tinatawag niyang under the sea. Bukod sa lahat ng gamit ay kulay blue, ang mga art sa pader ay mga sea creatures na naglalanguyan. Si Missie naman ay busy sa pagbobrowse sa internet. Si Ella ay nakaupo sa paanan ng kama at nanunuod.

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon