Chapter 7

526 17 0
                                    

Chapter 7

Pinsan pala nila Leon at Missie si Kuya Ben. Naiwan na sila sa bahay. Nilinis niya lang daw yung kalye at pinagpapatay yung mga pakalat kalat. May mga kasamahan daw siya na nakabantay sa gate 6 and 5 ng subdivision namin. Yun yung dalawang gate na pasukan dito. Kailangan pa din daw namin mag-ingat dahil may mga paisa-isa pang lumalabas. Buti nalang at naligtas niya si Vanessa kanina. Kukuha daw siya ng pagkain para sa mga kasama niya kaya siya pumunta ng grocery. Hindi sapat yung nakuha niya kaya sinabi namin na kukuha nalang kami ng sa amin.

Nagdadrive na si Kiko at papunta na kami sa bahay namin. Puro katawan nalang ng mga zombies ang mga nakakalat sa daan. Si Kiko na nga pala ang pumatay sa zombie kong tita. Pumatay? Patay na yun eh. Ano ba yan?!

Dumating kami sa tapat ng bahay at iniwan namin nakabukas yung van para madali kami makakapasok mamaya. Nakita ko yung gate sa garahe na nakabukas at yung pinto ng kotse bukas din at basag ang bintana sa likod. Lumapit ako at wala si Mica. Kinabahan ako lalo ng makakita ng mga dugo.

"Jiro, wala si Mica?! Nasan si Mica?!"

Inikot ko ang buong garahe hanggang sa likod ng bahay. Nakalock ang pinto sa loob. Takte! Yung susi nakay tita pala. Triny ko din tawagan yung cellphone ni Mica pero hindi na macontact.

"Mica! Mica, nasan ka?!" Wala talagang sumasagot. Baka lumabas siya. Ugh!

"Ella! Dito dali!" Tinawag ako ni Kiko at nakita ko na bukas yung glass window sa gilid ng sala, may mga dugo ito papasok sa loob. Pumasok ako dun at sumunod si Kiko at Jiro. Ang kalat ng bahay. Bakit ganito kung nakalock naman? Pati sa loob ay may mga dugong nakakalat. Nakarinig kami ng ungol at kalabog sa taas, nagtitigan kaming tatlo. Lahat kami kinakabahan. Naluluha na ko. Ayokong makita si Mica na isa sa mga yun.

"Jiro, know your way out!"

-Kiko

Binuksan ni Jiro ang pinto at naglagay ng maliit na paso. Yeah, diniscuss ko sakanila ang rules ng zombieland.

Dahan dahan kaming umakyat sa hagdan, may mga dugo at sinundan namin yun. Nakarating kami sa third floor. Nauuna sakin si Kiko at sa likod ko si Jiro. Lumakas ang kalabog at ungol.

"Sa kwarto ni Mica." Inunahan ko sa paglakad si Kiko at nakita ko sa hallway na nasa pinto si Manang habang kinakalabog yung pinto ni Mica. No way! Pati ba naman si Manang. Napansin ko yung braso niya na nangingitim at maraming dugo. Dun siguro siya nakagat, ang baho, amoy patay. Bigla siyang huminto sa pagkalabog ng makita kami. Naiyak na talaga ko at napaatras.

"Hindi ko kaya." Sumandal ako sa pader hanggang sa mapaupo. Nanghihina ako.

Sabi naman sa rules "Dont be a hero"

Hindi na nagsalita si Kiko at Jiro. Nang malapit na si Manang ay tinusok ni Jiro ang ulo nito gamit ang kutsilyo. Napahiga itong nakabukas ang mga mata. Ugh! Nakatingin pa sakin. Nilapitan ako ni Kiko at inalalayan.

"Kaya mo yan Ella. Tara na, pupuntahan pa natin si Miko."

"Ella! Si Mica!" Sumigaw si Jiro mula sa kwarto ni Mica kaya agad akong napatakbo. Nakita kong nakahiga si Mica sa sahig na puro dugo. Binabalutan siya ni Jiro ng damit sa braso. Lumapit ako at lumuhod sa tabi ni Mica para iupo siya.

"Anong....nang...yari? Bakit..madaming dugo?"

Nanginginig pa ang boses ko. Umiiyak pa pala ko. Hala....

"Mukhang hinimatay siya. Madaming dugo ang nawala. Hindi ito kagat. Parang hiwa. Baka nahiwa paglabas niya ng kotse kaya may mga dugo dun. Akina buhatin ko siya."

Nilagay ni Jiro sa likod niya si Mica at bumaba na kami.

Pero pagdating namin sa labas bigla kaming pinigilan ni Kiko dahil siya ang nasa unahan namin.

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon