Unang Pahina

14.9K 387 13
                                        

ANINO

Naglalakad ako sa madilim na parte sa subdivision nang nararamdaman kong may nakasunod sa akin. May mga village guard naman, kaya wala naman sigurong magbabalak gumawa ng masama. Nilalakad ko na lang ang papasok sa subdivision, hindi ko na pinapasok sa Subdivision and tricycle na sinakyan dahil tahimik na at baka may maabala sa ingay ng makina.

Nanlalamig ako hindi dahil sa takot ako sa dilim kundi ramdam kong may nakamasid sa akin. Nilingon ko ang post kung saan ang guard house at guminhawa dahil naroon sila kung sakali mang may mangyari. Binilisan ko na lang ang paglalakad at laking ginhawa ko nang makauwi naman ako nang ligtas.

Pagpasok sa bahay ay sinigurado kong naka-lock ang pinto bago pumanhik sa silid ko. Kumain na ako kanina sa labas kaya mag-aaral na lang muna ako bago magpahinga. Ilang minuto akong nahiga muna bago naligo at nag-aral.

Matapos ang Isa't-kalahating oras na pag-aaral ay nakarinig ako ng ingay sa kung saan sa loob ng bahay kaya naglalakad ako papuntang kitchen pero wala namang tao. Nakaramdam ako ng lamig sa batok ko kaya napahawak ako doon. Sinigurado kong nakasara at lock ang mga bintana at pinto bago nagkibit-balikat at binalewala ang ingay.

"Pagod na ako.." Pagbalik ko sa kwarto ay naengganyo akong mahiga. Pinatay ko ang ilaw at mabilis na hinila ng antok.

Wala sa sarili akong napadilat dahil sa hindi komportabling posisyon, naiinitan din ako at pinagpapawisan. Gumalaw ako pero laking gulat ko nang maramdaman ang malaking braso na nakayakap sa akin mula sa likod. Nanginig ako sa takot at bumilis ang paghinga ko. Tinignan ko ang baywang ko at nakumpirma kong may kamay nga doon na nakayakap!

Nanigas ako. Inabot ako ng halos kalahating oras para ipunin ang lakas ng loob ko. Inabot ko ang gunting sa nasa drawer at mabilis bumangon at itinutok ng gunting.

"S-sino ka!?" Nanginginig kong sigaw.

Gustuhin ko mang sumugod at mag-sisigaw ng tulong ay hindi ko magawa. Nanginginig ako. Sa takot at panginginig ay hindi ko mahawakan ng husto ang gunting.

Nagulat ang lalaki at napabangon. Umiling sya at nagtangkang gumalaw, akala ko ay susugod kaya halos mangiyak ako sa pag-tangkang itataga ang gunting. "Aaaaahhhh!!"

Sa kama tumama ang gunting. Mabilis akong lumayo sa kama dahil biglang naglaho ang lalake! Mas lumala ang pamumutla at panginginig ko. Paulit-ulit akong kumurap ngunit wala nang ibang tao sa kwarto kundi ako!

Buong magdamag akong nakadilat. Sa banyo nagtago at hindi na lumabas sa takot. Nanghihina ang mga tuhod kaya kahit ang cellphone ay di ko na nagawang balikan sa kama. Saka lang ako kumalma nang masilip ang pagtirik ng araw.

Naglakas loob akong tumayo. Paglabas sa banyo ay naka-alerta agad at mahigpit na ang hawak sa gunting. Mabilis kong dinampot ang cellphone at lumabas ng bahay para mag-report agad sa mga security.

"Nagro-ronda ho lalo na po doon sa street nyo, Ma'am, dahil walang ilaw doon." Katwiran ng isang guard paglabas ng bahay.

Kakatapos lang nilang libutin ang buong bahay. Ang ibang security ay iniikot pa an buong street.

Imposibleng namamalik-mata ako kagabi! Halos kalahating oras akong bimwelo para ipunin ang lakas ng loob ko! Naninigas sa takot na baka magising ko kung sino man iyon at maunahan akong patayin!

"Imposible, sigurado ho ako sa nakita ko!" Bumalik sa isip ko ang paglalakad ko kahapon. Naramdaman kong parang may nakasunod. "Kuya, may mga CCTV camera kayo sa mga street post po diba?"

Hinarap ako ng isang guard. "Opo, Ma'am."

"Kahit 'yong sa parteng walang ilaw gumagana?"

"Opo-"

The Demon's First LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon