ILUSYON
Kinabukasan ay agad kong tinrabaho ang reports ko, konti na lang ang kailangan kong tapusin dahil inuunti-unti ko naman ito nitong mga nakaraang gabi.
Naiwan muli akong mag-isa sa bahay, parehas na nasa trabaho sina Mama. Wala naman akong problema sa pagiging mag-isa, minsan kapag nababagot ako lumalabas ako para mag-ikot, kaya ganoon nga ang ginawa ko.
Pagkatapos kong mag-bihis ay pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili. Nakaputing dress ako, may hikaw na pahaba at kwintas na may maliit na pulang pendant. Minsan lang akong magsuot ng metal na bagay dahil binagbawal ito sa amin.
Kahit 'yong kwintas na ibinigay ni Mang Berto ay hindi ko rin masusuot sa eskwela o sa duty.
Umiikot ako sa mall at napansing may naglalakad sa tabi ko. Nilingon ko sya at laking gulat na nakita si Silvathore na kaswal na naglalakad.
"What are you doing here?!" Pabulong ngunit may diin kong sinabi.
Sa tindig nya ay nakakaagaw sya ng pansin. May mga nanunuring mga tao, iniisip siguro kung artista ba sya o isang dayuhan. Siguro dahil iilan lang ang nakakapagdalang lalake sa ayos na may mahabang buhok.
Naka-itim na polo at jeans. Usual nyang porma. Nilingon nya ako at mukhang natutuwa pa na hindi ako nagiging komportable. He looks good, I'll give him that...kaya nga ayaw na ayawkong tinitignan ako! Buti sana kung malayo sya sa akin!
"If you won't mind them, they'll stop looking at us." Aniya ng nakangisi.
"No, so leave! Nadadamay ako sa'yo!" Bulong kong pagalit na. Nilapit pa nyang lalo ang kanyang mukha at nagkunwaring hindi ako narinig. "L-lumayo ka nga," Nauna akong maglakad. Hawak-hawak ko ang strap ng sling bag ko.
Bahagya pa akong yumuko at tinakip sa mukha ang maliit na bag. Humalo ako sa mga taong nanonood ng mga sumasayaw sa sinet-up na maliit na stage sa mall.
Sakto lang naman ang sikip at dami ng tao kaya nga lang ay hindi lang maiwasan na mapasiksik ako. Lumabas ako sa kabilang dulo ng nagkumpulang tao, hinigit naman ako ng isang demonyo.
Kunot-noo ko syang tiningala pero nang nakita mas mukha pa syang galit ay nag-iwas ako ng tingin. Napansin kong may mga nakamasid nanaman sa kanya.
"Go away. Kung gusto mong mag-ikot tulad ko, lumayo ka ng konti." Iwas ko. Binawi ko ang palapulsuan kong hawak nya.
"Mag-iikot ka rin naman at ako, bakit hindi tayo pwedeng magtabi?" Bahagya pang nagtulakan kaya hinila nya ako at tinabi malapit sa isang stall.
Kabadong-kabado ako, siguro dahil pakiramdam kong mabibisto syang hindi tao. Mukha pa namang hindi sya nag-iingat. Umiwas ulit ako at naglakad sa kung saan, hindi naman ako mahilig bumili ng kung ano-ano, sapat nang makapaglakad-lakad lang, naisip ko lang na minsan lang ako magkaroon ng oras kaya bibili na lang ako ng mga gusto kong pagkain.
"Where are we going?" Aniya sa likod ko.
Pumasok ako sa groceries para bumili ng necessities. Kumuha ako ng cart at tinulak 'yon habang nag-iikot para maghanap ng pwedeng bilhin.
Sa section ako ng mga canned goods, hindi ako masyadong ng mga ito kaya umikot ako.
"Ay- hala!" May dalawang naka-unipormeng high schoolers akong nakabangga ng cart. "Sorry, Ate.."
Hindi ko rin naman tinignan kung may makakasalubong ako. "It's fine." I said. Nakatitig sila sa kasama kong lalaki na abala sa pag tingin ng mga bagay na nakadisplay sa rack.
Kung hindi pa ako gumalaw ay di gagalaw ang mga bata. Nginitian ko sila at umiwas na para tuluyang makadaan. "Masyado kang nakaka-distract. You should leave."
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love
Mistero / ThrillerSTATUS: Under revision Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017
