LEAVING
Nahuhulog na ang mga mata ko sa marahan ngunit matagal naming halikan at sa kamay nyang hinahagod ang batok ko.
Parang isang kidlat ang bilis ng pagdaan ng isang alaala sa aking isipan. Napadilat ako at mabilis na hininga dahil sa nakita. Nang pumikit ako'y hindi ko na muling makita pero ramdam ko ang pagiging pamilyar ko doon.
Kinagat ko ang labi ko nang bumaba ang halik nya sa panga ko. Kinilabutan ako sa sariling boses, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglabas ng mga tunog sa bibig ko.
"Fuck, Annora!" Aniya naputol ang pagtitiis. "Do you want me to stop?" Tanong nya, taliwas sa ginagawa ng kanyang palad na pinadantay nya sa gilid ng aking dibdib.
Bakit nya ako tinatanong? Nakakahiyang sabihin na nagugustuhan ko ito. O baka hindi naman nya gustong gawin namin ito? Halik lang naman ata ang gusto nya. Handa ba akong gawin iyon?
"L-let's just watch some... uhh- movies." Pulang-pula ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin.
Bumuntong hininga sya at inayos ang pang-itaas ng puti kong scrubsuit na halos tumaas na hanggang dibdib ko.
"I'll get...change."
"Then I'll prepare the television." Aniya pero hindi inaalis ang panunuri sa akin.
Patakbo akong pumasok sa banyo. Pagkasara ay sumandal ako sa pintuan. Pumikit ako ng mariin at halos i-untog ang ulo. Kagat-kagat ang labi ay hinubad ko ang uniporme para maligo.
Paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang ginawa ko kaya bahagya akong natagalan. Ang resulta ay pulang-pula pa rin ang mukha ko nang natapos ako. Paglabas ko sa banyo ay wala sa sya sa kwarto ko kaya doon ako nagbihis.
Ilang beses kong pinilig ang ulo ko para mawala ang na iyon sa isip ko. I even recalled what he did and that I was supposed to be mad at him, para lang kalimutan halikan namin.
Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumabas sa silid.
"You're done." Deklara nya nang mamataan ako.
Tumango ako. "Bakit hindi mo pa sinimulan? May napili ka na bang papanoorin?"
He's comfortably sitting in the sofa. Malaking space ang nakuha nya sa paraan ng kanyang pag-upo, pwede namang sa ibang couch ako kaya lang ay sentro ito sa malaking flatscreen namin at sana'y syang sa harap ako ng tv umuupo.
Tiningnan ko ang sahig na madalas kong upuan, kung doon ako uupo ay nasa magkabilang gilid ko ang mga binti nya.
"I want to watch something you like this time." Pinapanood nya akong gulong-gulo kung saan uupo.
He spread his legs, making me leave with no choice but to sit in between. Hindi naman nakaramdam ng awkwardness noong mga nakaraan... shit! Of course this time it's different! Bukod sa wala na akong pinagkakaabalahan ay may ginawa kami kanina!
Nang tumingin ako sa tv ay saka ko lang napagtanto na hindi pa nga pala ako naakapili ng papanoorin! Pulang-pula akong tumayo at namili sa mga nakahilerang dvd.
"Did you already watch this?" Tanong ko sabay baling sa kanyang ganoon parin ang posisyon.
"I finished all the horror movies, but I can re-watch if you like that." Aniya sa malalim na boses.
"Okay." Binalik ko sa rack ang dvd at naghanap pa ng ibang papanoorin. We rarely have comedy cds. Karamihan ay romance at horror. But just to be safe myself from awkwardness later because of some mature scenes, pinili ko ang isang mystery thriller na mga bata ang main characters.
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love
Mystery / ThrillerSTATUS: Under revision Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017
