Pahina 14

6.4K 152 9
                                        

AMIAS

Kumakain ako sa school habang tinatanaw ko si Silvathore na nakaupo sa hindi kalayuang mesa. Ayaw paring umalis kahit na sinabi ko nang pwede na siyang mawala ulit tutal aalis naman na kami.

Parang wala na akong mukhang ihaharap pa sa kahihiyan. Napalunok ako nang napagtanto kong kanina pa ako nakatingin sa kanya habang ganoon din sya sa akin. Nawalan na ako ng gana kaya itinabi ko ang kanin at gulay na natira. Uminom ako ng tubig at mabilis na tumayo.

Naka-puting uniporme ako ngayon, may isang discussion kaming sasalihan mamayang ala-una. May mga guest speaker kaya kailangang dumalo. Nag-iisip ako ng pwedeng gawin sa isang oras na free time ko. Ayokong lumabas sa University baka mahuli pa ako mamaya.

Pinili kong pumasok sa library, tahimik doon kaya mukhang mapapanatag ako. Sa dulo ako naupo at di pinansin si Silvathore na lumitaw sa harap ko. Pag-upo nya ay siyang pagtayo ko.

Lumapit ako sa shelves para kumuha ng librong pag-aaralan, AnaPhy ang una kong kinuha, ang isa naman ay Biology ngunit hindi ko maabot, mabilis namang kinuha ni Silvathore iyon at inabot sa akin. May hagdan namang hinanda but whatever.

Tinikom ko lang ang bibig ko at tumingala pa para maghanap pa ng ibang librong gustong basahin. He waited patiently at first, but I sensed his growing impatience because our awkward silence.

"Hindi mo pa ba ako kakausapin? Isang linggo na-"

Agad ko syang pinutol. "Pwede ka namang umalis."

"Hindi ako aalis. Are you still shy about what happened to us?" Aniya kaya hindi ko napigilang tignan sya para singhalan ng pabulong.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. "Stop! I don't want to talk about it! If you can't stand me, then leave!"

Hindi siya umalis sa araw na iyon hanggang sa nakauwi na ako. I would deliberately hang out with my Mom in our living room, nanonood ng kung ano-anong drama para lang hindi kami mapag-isa ni Silvathore sa kwarto.

Isang umaga napabalikwas ako sa kama nang bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong tumungo sa banyo at sumuka sa inodoro, na-upo ako sa sahig. Pakiramdam ko ay masusuka ko na ata ang sikmura ko.

Nagmumog ako at tiningnan ang mukha sa salamin. Mukhang stress at problemado. Para bang kulang ako sa tulog at pagod na pagod.

Lumabas ako ng kwarto at naghanda ng agahan. Nasusuka ako sa tuwing nakikita ko yung vegetables at prutas na nasa refrigerator at sa mesa. Gusto ko naman ang mga iyan pero sadyang nagki-crave lang talaga ako ng beef o kahit anong meats.

Halos tumulo ang laway ko habang pini-prito ko ang bacon.

"Sarap!" Nilantakan ko ang niluto ko ng walang kanin.

Lumingon-lingon pa ako. Baka sakaling andyan lang sa sulok-sulok si Silvathore. Medyo sumama ang loob na wala sya. Pagkatapos kong kumain ay nanood akong telenobela. Niyayakap ko yung throw pillow.

Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Parang hinahanap ng sistema ko si Silvathore. Sinubukan kong maging abala kaya lumabas ako at sa bakuran ako tumambay para lumanghap ng sariwang hangin. May mga school works pa akong hindi ginagawa pero wala pa ako sa mood gawin ang mga iyon.

Nagpalitan ako ng bati sa dumadaang village guards at kapitbahay. Tinatanaw ko ang kapitbahay na bagong lipat lang, pasakay sa kanilang sasakyan at mukhang nagtatalo sa harap ng kanilang anak na siguro'y limang-taong gulang.

Pinagka-abalahan ko naman ngayon ang mga halaman. May hardinero sa village, pwedeng i-hire at sila rin ang madalas nagtatabas ng damo dito, siguro nakalimutang magpa-appointment nila Mama kaya hindi ata malinis at maayos ngayon.

The Demon's First LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon