MOVIE MATE
Lagi ulit syang nagpapakita sa mga sumunod na linggo. Bumubuntot sya sa akin nang tahimik. Kahit sa loob ng classroom ay naroon sya sa likod at tahimik namang nakamasid.
Abala na rin ako sa research kaya nakakalimutan ko na minsan na may demonyito sa likod ko. Mukha namang naiintindihan nyang abala ako kaya tahimik lamang sya at hindi ako iniistorbo.
"Sorry, hindi ko nagawa, may lakad kasi ako kagabi saka nung isang araw. Pero don't worry, is-send ko mamayang gabi." Si Aria. Kanina pa namin sya hinihintay dahil yung part na lang nya ang kulang.
Isang buong linggo ang binigay sa amin para sa report na ito at ako ang inatasan nilang maging group leader. Si Billy at Flora, kahapon lang binigay sa akin ang kanilang report, kaya hindi ko pa nare-review, habang si Aria wala pang kahit draft na ipinapakita sa akin.
Ir-review ko pa iyon at gagawan ng powerpoint presentation. Sabado na ngayon at lunes na namin ito ir-report! "Wala ka bang nagawa kahit draft lang para ma-check ko?" Maayos kong sinabi, nagtitimpi.
Iritado nya akong binalingan. "May lakad nga ako. Paano ko naman magagawa kung nasa lakad ako?" Tumawa sya nang puno ng sarkasmo.
Kumunot ang noo ko. Sana lang ay mas importante ang mga naging lakad nya. Kahit sana ideya lang ang ibigay nya sa akin, kaya ko namang gawin yung part nya basta ba'y masabi lang na may nai-ambag lang sya, malalagot rin kami kung sa araw ng presentasyon ay may isa sa aming hindi alam ang tungkol dito.
"Gaga ka kasi, Aria. Alam mong importante ito dahil ito ang final na output na'tin this sem!" Si Flora.
"Alam ko naman 'yon noh! Ano pa bang pag-uusapan na'tin?" Dinampot ni Aria ang maliit nyang purse at inipit sa kanyang braso.
"Magr-review sana tayo ng mga possible questions." Sagot ko at tiningala silang isa-isang tumayo.
"Meron pa namang bukas. Kita ulit tayo bukas, ah?" Aria.
"Pasensya na, Annora, ah? Pinagmamadali ako ni Mama, ako kasi ang sasama sa kanyang check up ngayon." Si Flora na may malumanay na tono ng pananalita. Samantalang si Billy ay tinapik ako sa balikat at umalis.
Tinanguan ko si Flora at nginitian. "Sige, okay lang."
Bumuntong hininga ako at sinara ang laptop ko. Ilang araw na akong nangangapa dahil sa report na'to. Wala nang time kung ipagpapabukas pa ang brainstorming. Binuksan ko ulit ang laptop pero may sumara ulit no'n.
"You should eat first." Naupo sa harap ko ang demonyo. Napatampal ako sa noo ko bago tumango at tinabi ang laptop.
Tumayo ako para lumapit sa counter at umorder. Nilingon ko si Silvathore sa tabi ko. Tumitingala din sya sa mga pwede orderin.
"Kakain ka?" Tanong ko.
"I'll join you." Sagot nya, hindi pa rin inaalis ang masamang tingin sa menu. Nahimigan ko ang galit sa tono nya ngunit hindi ko ito pinansin.
"Okay."
Pagkatapos umorder ay bumalik kami sa mesa. Magi-eleven na kaya pumapasok na ang mga tao para mananghalian. Nang makaupo kami ay tinignan ko sya.
"Saan ka naman nakakuha ng pera?" Takang-taka ako kung papaanong sya ang nagbayad kanina sa counter.
Nagkibit-balikat sya. Pinanliitan ko sya ng mga mata, samantalang walang nagbago sa mukha nya. Kumunot ang noo sya sa titig ko at ngumisi.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto.Nilapit ko ang ulo ko ang pagalit na bumulong. "Nagnakaw ka ba?!"
Tinagilid nya ang kanyang ulo kaya halos magbanggaan na ang ilong namin! Mabilis akong lumayo nang nakaawang ang bibig. "I did not."
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love
Misteri / ThrillerSTATUS: Under revision Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017
