Pahina 7

8K 205 6
                                        

FOR A DEMON

Matapos ang gabing 'yon ay hindi na sya nagpakita. Wala rin naman akong pakialam, mas mabuti nang bumalik sya sa pinanggalingan nya.

Sa buong linggo na iyon ay maaga akong umuuwi galing sa unibersidad o klinika para bumisita sa lamay. Tulala ako sa kabaong na ngayon ay ibinababa na. Umiiyak sa gilid ko ang Mommy ni Clifford at ang dalawa nyang nakababatang kapatid.

May hawak akong bote ng mineral water na hindi ko pa nabubuksan. Hinahagod ni Mama ang braso ko habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat, sa tabi naman nya ay si Papa.

"He is really a good man, anak." Tumulo ang luha ko sa narinig ko galing kay mama.

Maraming dumalong mga kaibigan ni Clifford, mayroon ding mga professors na naroon. Even the College of Health Sciences ay nagpadala ng bulaklak noong lamay.

He is a good man. Isa lamang sa patunay ang pagkakaroon nya ng maraming kaibigan.

Sumunod na linggo ay mag-isa na naman ako sa bahay. Mag isa rin sa ekwela. Usap-usapan pa rin ang nangyari kay Clifford, kaya mas lalong hindi naging madali ang paglimot sa sakit.

Kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Ako ang naging sanhi. Bakit kailangang taong malapit sa akin ang magdusa. Wala akong ibang makitang dahilan kundi ang dating ako. Kung sana'y may naaalala ako, hindi mangyayari ito.

Maaga akong naka-uwi kaya naipasok sa subdivision ang taxi.

"Salamat po, Kuya." I said to the taxi driver after paying the right amount and then closed the door of the back seat.

Pagpasok sa bahay ay mabilis akong nagbihis. Wala sa sarili kong nilapat ng tingin ang kwarto kung may demonyito bang naroon. Nang wala naman ay di pa rin ako napalagay kaya sa banyo ako nagbihis. Kahit na pakiramdam ko ay wala rin namang pinagkaiba. Dahil kaya naman nyang pumasok din dito, may parte lang sa akin na kampanteng hindi nya gagawin iyon.

Habang naghahanda ng dinner ko ay nakatanggap ako ng mensahe. Dali-dali kong kinuha ang cellphone at binasa.

From: Mama

Did you have your dinner outside?

Mabilis akong nagtipa ng reply.

To: Mama

I'm cooking instant noodles for my dinner :p

Pagkatapos ng ilang segundo ay tumawag si Mama.

["Noodles are not good for you, anak." ] Salubong nya sa akin.

"Di naman po araw-araw. It's just for today. " Depensa ko.

Narinig ko ang buntong hininga nya. [ "Alright. Uuwi na rin kami bukas ng maaga."]

Tahimik akong kumain ng noodles habang nanonood ng mga telenobela. Hanggang na nakatulugan ko na iyon.

Natulog akong matiwasay at walang bangungot, sa sobrang himbing ay napatalon ako nang katukin ni Mama ang pintuan ko.

"May duty ka ba ngayon?" Tanong nya pagkatapos kong humalik sa kanyang pisngi.

"Opo... si Papa?" Pansin kong hindi nya kasama.

"Binaba lang ako dito. Dumiretso sya sa office.. what time did you sleep?" Sinundan ko sya sa kusina at bumungad ang mga nakahain na agahan.

"Ow, you cooked!" Galak na galak si Mama sa nakita. Gulat sya ngunit nangibabaw ang tuwa.

Hindi ako ang nagluto niyan! Hinintay kong bawiin ni Mama ang sinabi pero hindi nya ginawa.

Pinasadahan ko ng tingin ang kusina ngunit wala namang bakas ni Silvathore. Sya ba ang nagluto? Pinilig ko ang ulo ko.

The Demon's First LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon