GONE
Nalaglag ang panga ko. Biglaan? "M-may problema po ba?"
Tuliro ang mga mata ni Mama nang lumapit sa akin. "I'll tell you when we leave this house, now go pack your things!"
Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung susundin ko nga ba ang sinabi ni Mama o tatayo hanggang sa sabihin nya muna sa akin ang dahilan. Isama pa ang hindi mabura sa aking isipan na napanaginipan ko.
Napatalon ako nang hawakan ni Mama ang magkabilaan kong braso at marahang niyugyog na para bang sinusubukan akong gisingin. "Go pack your things..." Her mouth was left open, may sasabihin sana ngunit tinikom nyang muli ang kanyang bibig at giniya ako sa closet ko.
Pinanood ko ang mabilisang pag-iimpake ni Mama ng damit ko. Sa pagmamadali ay hindi na nya tinignan ang mga iniimpake. Basta nya lang tinanggal itong ipinapasok sa maleta. Wala akong maintindihan sa kung bakit kami lilipat at nagmamadali pa.
Hinihingal na lumitaw si Papa sa pintuan ng closet. Hawak ang cellphone sa tainga at mukhang may katawagan. He looked very worried kaya lang nang makita ako ay sinubukang mawala ang pag-aalala. Bumaling sya kay Mama at parang nagsilbing kalabit iyon para tumayo si Mama at lumabas para mapag-isa sila.
Sinubukan kong makinig habang dahan-dahang tinutupi ang mga damit na iniimpake. Sa sobrang hina ng kanilang boses ay wala akong naintindihan. Bumalik si Mama kaya nag-kunwari akong abala sa pag-iimpake.
"Continue packing... may kailangan lang kaming daluhan sa office. We'll leave immediately when we arrive, alright?"
Siguro ay talagang kailangan naming umalis. Pero paano ang pag-aaral ko? Lilipat na rin ba ako? Marami akong gustong itanong pero..
Wala sa sarili akong tumango.
Natapos ako sa pag-iimpake ngunit hindi pa rin bumalik sina Mama. Natulog ako't nagising mula sa isa't-kalahating oras ngunit wala pa rin sila. Dinampot ko ang cellphone ko at nagmessage kay Mama at Papa. Mabilis naman ang reply ni Papa, aniya'y nagkaroon daw ng konting problema, uuwi daw kapag naresolba iyon.
Bumuntong hininga ako. Tumayo ako at bumalik sa kama upang magpahinga, hinihilot ko ang sentido ko dahil hindi mawala-wala sa isip ang panaginip.
Pagdilat ko ay mabilis akong napangon sa gulat na nakatulog ako ulit ako. Si Mama sa aking gilid ang una kong nakita.
"Ma?" Nanlaki ang mga mata ko nang naalalang nag-iimpake nga pala ako! at kung natapos ko ba iyon. "Pasensya na po, Ma, inantok siguro ako kaya ako nakatulog. I'll finish packing."
"I unpacked your things. Hindi pumayag ang doktor, anak. He said you're in a fragile state, your conditions might worsen if we push travelling, it might stressed you more. He suggested getting you tested first." Hinawakan nya ang kamay ko.
Dahan-dahang kumalma ako. Lumipas ang isang gabing hindi nagpakita sa akin si Silvathore. Hinayaan ko at nagpatuloy sa aking mga gawain. Naging abala ako sa aking check ups sa araw na iyon. Hanggang sa umabot na ng anim na araw. Hindi parin sya nagpakita. May check ups pa rin ako pero more on verbal at communication na lamang, nagsunod-sunod din ang school works ko.
Sa tuwing mag-isa ako ay naaalala ko si Clifford at sa huli ay si Silvathore. I am disgusted at my own thoughts. Alam kong si Silvathore ang pumatay kay Clifford, pero bakit laging sasagi sa isip kong hindi namin sya katulad kaya nya nakakayang kumitil.
It's like I am justifying him by being different. Totoo nga naman na iba sya, pero tao ako, how could I side with someone out of my league at kaibigan ko ang nawala dito pati na rin ang ibang inosenteng nadamay. He's gone for good. He should be. He's dangerous.
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love
Mystery / ThrillerSTATUS: Under revision Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017
