Pahina 6

8.7K 221 16
                                        

KUNDISYON

Biglang Bumibigat ang pakiramdam ko bandang alas-dos ng madaling araw. Nagising ako dahil sa hindi pagiging komportable.

"Hm!" Irita ko. Wala sa sarili kong nakapa ang brasong nakapatong sa akin.

Napadilat ako nang wala sa oras at mabilis na bumangon. "W-what are you doing?!" Bulyaw ko sa natutulog na demonyo.

Dilat sya nang lumayo ako pero hindi agad gumalaw. "I just wanted to cuddle. Nag-away tayo kanina."

"Wala akong pake! Hindi ka pi-puwedeng basta na lang tumabi!" Humawak ako sa puso kong hindi matigil sa matinding pagtibok. Shit. Hindi ko alam kung dahil sa galit ko o gulat... o ano!

Dahan-dahan syang bumangon. Sinuklay nya ang kanyang mahabang buhok na halos umabot sa kanyang malapad na balikat gamit ang kanyang mga daliri. "Kung ganoon, paumanhin. Ganoon ako lagi sayo tuwing nag-aaway tayo... dati." Sya pa itong mukhang galit!

Nanliit ang mga mata ko. Dati. Dati pero wala akong maalala ni katiting. Noon una ay hindi ako komportable dahil wala akong maalala, nagdesisyon kaming lumipat sa Maynila para magsimulang ulit, malaking tulong iyon sa akin dahil may parte sa aking ayaw malaman ang nakaraan ko na ikinu-kuwento sa akin. Pakiramdam ko ay may parte na hindi totoo kasi base lang naman 'yon sa nakikita nilang ginagawa ko. Gusto ko na natural na bumalik ang alaala ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

"Kung ganoon, ngayon, hindi mo na kailangang gawin na yakapin ako sa pagtulog." Singhal ko.

Nakita ko ang marahas na pag-igting ng kanyang panga. Kahit na tumulis ang kanyang titig sa akin ay hindi sya gumalaw. Sa ilang araw kong nakakasalamuha sya ay may napagtanto ako.. Umiling ako sa sariling inisip.

Dahan-dahan syang tumayo. Hinila nya ang kumot na para bang gusto nyang bumalik ako sa paghiga sa kama. "I'll leave when you fall back to sleep." Aniya.

"You can leave now. Magbibihis ako." Nilagpasan ko sya. And voila! Even when I get so rude, he wouldn't hurt me!

Naririnig ko lang syang marahas na bumubuntong hininga pero hindi nya ako sinasaktan! Nilingon kong muli sya at tiningala dahil malapit lang pala sya sa akin. "Y-you have a name?" Tanong ko. Kahit na sa tingin ko'y nararapat lang syang tawaging bastos o demonyito.

Bahagya akong nahiya dahil sa biglaang pagtanong. Pero kita ko ang pag-iba ng kanyang ekspresyon. Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi, pero pinigilan nya ang sariling mapangisi.

"You call me Silver." He said proudly.

"Kung ganoon, anong tawag nila sayo?" Is it demonyo? Demonyito? Weird but... Is it a Perverted Demon?

"I'm Silvathore." Klaro nyang saad. Parang natigil ang puso ko nang sandali sa narinig. Ilang segundo akong natulala sa labi nya dahil sa binanggit na pangalan.

"O-okay." Bawi ko at mabili syang tinalikuran para dumiretso sa banyo. I said his name countless times, I thought i'd trigger some memories but I didn't.

Pagkatapos kong maghugas ng katawan ay wala na nga sya roon. Bumalik ako sa tulog nang matiwasay.

Bandang alas-otso akong nagising. Tahimik akong lumabas at naabutan kong pabulong na nag-uusap sina Papa at Mama.

"Gigisingin ko ba?" Dinig kong tanong ni Papa.

"But she looked so tired last night." Mama.

"But she has to know!" Giit ni Papa.

Suminghap ako at nagpakita sa kanila. Napatalon silang dalawa nang makita ang pagpasok ko sa bukana ng kusina. "Anak, may klase ka ba ngayon?" Si Papa.

The Demon's First LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon