MEMORIES
Hinintay ko sya hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako ng 3 o'clock. Nasanay akong nakatayo lang si Silver sa sulok ng kwarto ko. Bumangon ako para hanapin sya pero wala akong nakitang bakas nya. Tumayo ako at pumasok sa banyo.
Nagsalamin ako at napansin ko may pula sa maputi kong damit. Hinawakan ko yon at inamoy.
"D-dugo?" sabi ko. Saan ko ito nakuha? Kumunot pa ang noo ko pero bigla iyon nawala nang na-realize ko kung sino ang maaaring magmay-ari non. Dali-dali akong lumabas. Dumiretso ako sa balkonahe.
Nilibot ko ng tinging ang balkonahe "Silver?.. nandito kaba-" natigilan ako nang makita ko si Silver na nakaupo. Walang malay.
Mabilis akong dumalo sa kanya. "S-Silver?.. A-anong nangyari sayo?" bigla akong naiyak.
Niyugyog ko sya. Hindi ko sya tinigilan hanggang sa hindi sya sumagot. "I-I'm fine." Aniya. Halata namang hindi sya okay. Sa tono palang ng pagkasabi nya.
"Sinong gumawa nyan sayo?" tanong ko. Bahagya pa ininda ang sugat nya sa tyan. Malalim iyon. Parang sinaksak lang.
Pinilit nyang bumangon at harapin ako. Ngumisi sya. "Yung p*tanginang nagkakagusto sayo." Pagalit nyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko. Sino naman ang tinutukoy nya? Umiling-iling lang ako.
Lumayo ako ng bahagya dahil tumayo sya, hawak-hawak ang sugatan nyang tyan. Maraming dugo ang kumalat. Nasanay na ako. Gaya nung ginawa nya nung dalawang buwan na simula nung nagsimula ang eskwela.
*Flashback*
Pinag-aral ako nina Mama at Papa sa isang ekslusibong na paaralan dito sa IloIlo. Medyo malayo-layo pa ito mula sa amin kaya bihira lang ako makakita ng taga-roon sa amin.
"Annora, pwede ba kitang ligawan?" nilingon ko si Daniel. Kaklase ko sya at minsan narin kaming nagkasama sa reporting. Hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi. Kumunot ang noo ko.
Nagkamot sya ng ulo. "M-may gusto kasi ako s-sayo." Pumula ang kanyang pisngi pagkatapos nyang sabihin iyon.
Nabigla ako. Ito ang unang pagkakataon na may nag-confess sakin tungkol sa pag-ibig. Nilingon ko muna ang paligid namin kung may ibang nakatingin ba samin pero sa awa ng Diyos ay wala naman.
Lumunok muna ako. Ang hirap naman nito.
"Just say 'No' Annora. Mahirap bang sabihin yan?" - Dinig ko ang boses ni Silver sa isip ko. Naku! Ang lalaking yan talaga! Binabasa nanaman ang kung anong nasa isip ko! Kutusan ko yan mamaya eh!
"A-ano kasi, Daniel.." nag-angat sya ng tingin sa akin. Aaminin ko, gwapo naman itong si Daniel. Actually crush ko 'Ata' sya ng konti pero ayoko munang pumasok sa relasyon. At hindi ganoon kalaki ang paghanga ko sa kanya para suwayin ang magulang ko.
"Pasensya kana.. pero hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.." Natigilan sya kaya kinuha ko ang pagkakataon na makaalis.
Tapos na ang klase at balak kong pumunta sa lagi naming tagpuan ni Silver sa likod ng abandonadong building dito sa school.
Pinapasyal nya kasi ako doon sa lugar nila. Hindi ko alam kung anong eksaktong pangalan non, pero nasa ibang dimension iyon ng mundo.
Pagkarating ko ay hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Daniel. Mabilis nya akong hinarap.
Kunot noo nya akong kinausap. "Oh.. hindi ko alam na gusto mo palang makipag-usap sakin, privately. " aniya. May gumuhit pang ngisi sa labi nya.
"Huh?" wala akong ibang masabi. Aba! Ang kapal ng mukha! Eh sya nga itong sumunod sa akin.
"sige nga, Annora. Mag-usap tayo.. Anong klaseng paraan ba ng pag-uusap? Yung galawan ba? O yung Salita?" aniya sabay lapit. Umatras ako. Anong ibig-sabihin non? Mas ngumisi pa sya dahilan para kilabutan ako. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Daniel. Iba sya makitungo sa akin kung nasa harap ng maraming tao.
"Uhm, excuse me?.. ikaw ang sumunod sakin." Umamba akong talikuran sya pero mabilis nyang nahawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Parang mas prefer mo ata yung galawan, eh." Aniya sabay halakhak. Hinigit nya ako sa baywang at marahas na hinalikan.
"Ahhhhh!!" sumigaw ako ng sumigaw. Hanggang sa maiyak ako. Pinag-sasapak ko sya pero hindi sya nagpatinag.
"Tulong! Silver!" - sigaw ko sa isip ko. Alam ko, maririnig nya.
Natigil ako sa paghinga ng mabilis na sumalampak sa damuhan si Daniel. Nanlaki ang mga mata ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Silver na nanlilisik ang mga mata at umiilaw ang makukulay nyang mga mata. Itinago nya ako sa likod nya nang umambang sumugod si Daniel..
Tumigil ka, Daniel kung ayaw mong masaktan. Mas matangkad sayo si Silver, bukod doon ay walang-wala ang nagbibinata mong katawan sa katawan ni Silver na akala mo'y walang ginawa kundi ang mag-work out. Wala namang tinatawag na work out doon sa kanila. Sadyang maganda ang pagkaka-build up ng katawan nya.
Lumabas ako sa pagkakatago sa kanya at nakita ko kung pano umigting ang panga nya habang nakatingin kay Daniel. His biceps tightened, at kumuyom ang kamao nya.
Mabilis kong dinaluhan si Silver upang pakalmahin sya. Alam kong mali ang ginawa ni Daniel pero ayoko namang pumatay si Silver nang dahil lang sa akin. Kahit na nakapatay na sya noon ay ayoko parin.
"Umalis kana!" sigaw ko kay Daniel na natulala nalang sa takot. Mabilis syang tumayo at aalis na sana kaso biglang nawala si Silver sa tabi ko at nandoon na sa harap ni Danile. Sinakal nya ito.
"S-Silver! Tama na!" sigaw ko.
Paulit-ulit nyang hinahampas sa pader ang ulo ni Daniel. Nanlamig ako nang nakita ko mismo ang pagkabasag ng maliit na ulo ni Daniel. Omygod! "Silver!" natapunan ng dugo ang mukha ni Silver.
Pinilit kong lumapit kahit na natatakot ako. Yes, minsan weird ako. Oo, Mahilig ako sa dark colors at Darkness. I believe in spirits, demons and such. Pero wag namang ganito, hindi naman ako mahilig sa dugo.
"Please, tama na." napahikbi ako. Hinawakan ko ang braso ni Silver na nakahawak sa ulo ni Daniel.
Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak nya doon at nilingon ako. Nakita kong kumalma narin ang ekspresyon nya at nabawasan narin ang ilaw ng kanyang mga mata.
Nilingon ko si Daniel. Sa kasamaang palad, patay na sya. Kasalanan ko'to. Ibinalik ko uli ang tingin ko kay Silver. Nginitian ko sya ng pagod na ngiti. "Napatay natin sya." Sabi ko.
Umirap sya at umigting ang panga. "Natin?.." tumawa pa sya nang nilingon ulit ako. "Ako lang, Annora. It's not your fault, kay?" aniya. Minsan napapaisip ako, kung magkaibigan kang ba talaga kami ni Silver? Kasi iba yung nararamdaman ko kapag sya yong kasama at kausap ko. Sobrang ganda sa pakiramdan kahit na 'Iba' sya, ay okay lang.
Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Nilapit nya yung mukha nya sakin. Napahinto ako sa paghinga at kusa akong napapikit nang naramdaman ko kung ano ang binabalak nyang gawin. At doon 'Una' nya akong hinalikan. Passionate at habang ginagawa nya iyon ay naramdaman kong nakangisi sya all the time.
Humiwalay sya sa labi ko at bumulong. "Ako ang 'First Kiss' mo, Annora.. Itatak mo sa isip mo iyan.. And sorry narin pala, late ako." Bulong na parang hangin lang. Sobrang nakakakiliti sa pakiramdam. Kusa akong napangiti. Parang may mainit na bumaloy sa puso ko.
He kissed me, again. Na para bang may binubura sya doon. Pumikit lang ako at napangisi. Nang lumayo sya sakin at mataman nya akong tinignan. "Clean yourself up.. Dadating na ang Papa mo, anytime.." mabilis kong pinasadahan ang sarili ko. May mga konting mantsya ng dugo sa Uniform ko.
*End of flashback*
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love
Tajemnica / ThrillerSTATUS: Under revision Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017
