reunited

5.2K 137 4
                                    

"oh? Bat dimo na sinama ang dalawang bata, teka nga! May kasalanan kapa saakin ha. Iniwan niyo ako nong isang araw tsk"

Bungad saakin ni kuya Mark ng dumating ako.

Nong mga ora na yun, wala akong naisip na iba kundi ang makaalis at matakasan ang katotohanan!

Napakamot ako sa batok. "sorry, hehehe nabored kasi yong mga bata. Eh busy ka kaya hindi na kita nasturbo"

Pagsisinungaling ko.

"sayang hindi niyo naabutan si Daniel, panigurado akong matutuwa nun si Sab, idol niya si Daniel hindi ba?."

Sa kasamaang palad. Opo idol niya si Daniel Padilla. Jusko, baby palang ang batang yun e mga kanta na ni Daniel ang nakakapagpatahan sa kanya, hanggang sa magkaisip siya, gustong gusto niya na napapanuod si daniel at kasalanan ni Miles yun. Isa pang fan na fan ni Daniel.

Anong hindi? Todo iwas na nga ako, nakita ko parin siya! Bwisit!

"may nagbabatantay na kasi sa kanila. Tsaka baka makasira na naman sila, mamahalin pa naman mga gamit mo" i joked.

"baliw, behave nga nong dalawang bata. Tara na nga, baka matraffic tayo. Sa Abs pa naman tayo."

Natigilan ako sa sinabi ni Kuya.

"A-Abs?"

"aha! Big time na to no! Kinuha na akong official photgrapher ng star magic kaya ililibre kita ng lunch at dinner may bunos kapa saakin"

Imbes na e-congratulate ko si Kuya ay nanghina ako sa narinig ko.

Abs! Ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na magkikita kami!

Lord? Anu nang nangyayari? Tapos na po ba ang palugit niyo saakin? Kaya ngayon pilit niyo nang pinagtatagpo ang landas namin?

Mas lalong dumagundong ang kabang nararamdaman ko. Malakas ang pagbuntong hininga ko, bakit ba ako nag aalala? Eh hindi naman dapat!

Siguro natatakot lang ako na baka mangyari ang mga kinakatakutan ko.

Nagsuot ako ng cap at thick eyeglasses bago sumunod kay kuya mark! Pagkasakay ko sa passenger seats ay napatingin saakin si kuya.

"bagay sayo kath" komento niya tipid lang ako ngumiti.

Hindi ko talaga alam kong bakit ganito nalang kabilis ang tibok ng puso ko.

Habang papalapit kami sa abs ay puro kaba lang ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan ang kamay ko!

Buti nalang at hindi napansin ni kuya mark.

"kong hindi ka siguro nabuntis, sikat kana rin ngayon. Hindi bat kasabay mong magworkshop dati sila Daniel sa star magic?"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko!

Mapait ako napangiti.

Isang sikat na hearthrob ngayon si DANIEL PADILLA at malayo layo na ang nararating niya sa loob ng anim na taon. Hindi lang dito maging sa ibang bansa.

LIZNIEL ! Yan ang pangalan ng number 1 loveteam dito sa pilipinas. Sumunod ang JulQuen na naging kabatch ko rin sa workshop noon.

Si Julia ang pinakaclose ko noon sa batch namin, tho madalas din akong kausapin ni Quen noon!

Dahil nga sa puring puri ako sa workshop ko ay iba iba ang pinapartner saakin para makaakting. Sa romcom ay si Daniel, sa romance si Quen at sa drama si Julia.

I wonder kong kilala pa nila ako? O naaalala pa kaya ako ni julia?

Hindi na siguro. Hindi nga ako nakilala ni Daniel!

SINGLE MOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon