Give feedback naman po kong maganda itong pinagsusulat ko!
Salamat sa pagbabasa...
***
"anu mga anak? Okey lang ba itong suot ko?"
Tanong ko sa dalawang bata na kasalukuyang nakaupo sa kama upang maging judge ko sa isusuot ko.
Nasanay naman kasi ako na laging naka pants at tee shirt lang kayat naaasiwa ako magsuot ng dress.
"masyadong maikli nanay" komento ni Sky.
Napangiwi ako. Hindi naman ganun kaikli, sakto nga lang e.
"maiksi ba kuya? Sakto nga lang e. Ang ganda ganda niyo po nanay"
Napangiti ako sa sinabi ni Sab. Kahit kailan talaga ay hindi sila nagkakasundo. Tsk!
Tumapat na ako sa salamin para maglagay ng make up, may meeting ako ngayon kasama ang Manager ni Julia.
Yes, tinanggap ko na ang offer ni Julia. Papasukin kong muli ang magulong mundo ng showbiz.
Para sa mga anak ko. At para narin sa pangarap namin ni Mama na minsang nang naudlot dahil sa katangahan ko.
"mga anak, iiwan ko ulit kayo kay ate letty ha. Hindi kasi pwede ang bata doon."
"okey lang po nanay, magbebehave po kami ni Kuya Sky. Wag po kayong mag alala saamin."
"alam ko naman yun. Alam kong hindi niyo bibigyan ng sakit sa ulo si Ate letty. Bibigyan ko ng pangkain niyo si ate, humingi kayo sa kanya tuwing magugutom kayo ha! Wag na wag kayong magpapagutom. Kong gusto niyo naman may mga pagkain pa sa ref, wag lang masyadong maraming chocolate okey? Pagkakain niyo ng matamis inom kayo ng maraming water at wag kalimutan mag brush ng teeth. Pupuntahan na kayo dito ni Ate Letty, hindi niyo na kailangan pumunta sa kanila. At wag kayong mag aaway okey?"
Mahabang bilin ko sa kanila. Patuloy parin ako sa pag aayos.
"opo nanay" sabay nilang sabi.
Hanggang sa matapos ako ay nanuod lang silang dalawa.
Alas dose ang meeting namin, sa isang restaurant malapit sa ABS kaya kailangan ko ng umalis at baka matraffic ako.
"wag niyo kalimutan ang bilin ni Nanay okey? Oh dali kiss na kay nanay.. Goodluck kiss mga anak" sabay silang nagkiss sa magkabilaang pisnge ko.
Ang sarap naman talagang magkaroon ng cute na kambal.
"ingat po nanay"
Nagbabye pa sila saakin kaya kumaway din ako hanggang sa hindi ko na sila matanaw.
"uyy Madam Kathryn, ganda ng bihis natin ngayon ah" si kiko ang bumungad saakin paglabas ko ng skinita.
Gwapo sana to eh, dakilang tambay lang.
"mag aapply ako ng trabaho. Uyy yong mga anak ko baka lumabas ha, bantayan mo"
"no problem madam kathryn" he grin.
Napangiwi ako. Mukha siyang manyak na gwapo. Hahaha
Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa ABS kong saan ang pinag usapan naming location.
11:45 palang ng makarating ako sa ABS pero tnext ko parin si Julia na nandito na ako.
Sabi niya tamang tama eh kakatapos lang ng rehearsal niya sa ASAP at papunta na sila.