"bawal kang magbikini"
Yan ang kabilin bilinan saakin ni Daniel bago ako pumasok sa kwarto.
Napailing nalang ako sa sinabi niya.
Tho, hindi naman talaga ako nagsusuot ng bikini kaya hindi na niya kailangan sabihin yun.
"Nanay, hindi mo po dala yong two piece ko?" tanong saakin ni Sab. Gaya ko ay rushguard din ang suot niya. Actually pati si Sky. Pare pareho kaming tatlo ng mga anak ko.
"hindi princess eh. Tsaka mainit mangingitim ka." dala ko naman talaga ang two piece niya, hirap na concervative ang tatay nila.
Lumabas din kami agad sa kwarto matapos naming magbihis.
Nakasalubong ko pa si Julia na ang sexy sa suot niya.
"aww ang cute, matchy matchy!" tuwang tuwa na sabi ni Julia.
Sabay sabay na kaming bumaba.
Pagbaba namin sila Mama at papa lang ang nakita ko.
"Ma nasan sila?"
"nasa sea side, nag ayang magsurfing si Quen dahil maganda daw ang alon ngayon."
"ahh, hindi ba kayo magsu-swimming Pa?"
"bukas na, magluluto nalang kami para mamayang dinner..."
"ahh okey, sa labas na muna kami.."
Sa likod na kami lumabas dahil doon ang daan papunta sa seaside. Sa kabilang daan kasi ay sa infinity pool. At yong harap ang main entrance.
Gusto ko sanang sa infinity pool maligp dahil mukhang maganda ang tanawin doon since nandito silang lahat, dito na kami dumerecho sa seaside.
Si Quen at si Daniel lang ang nagsusurfing mukhang nagrrace pa silang dalawa.
Si kuya kevs naman ay pinapanuod lang sila.
"kuya sila ate?"
"nandoon sa pambata. Akina muna yong kambal, ako na magbabantay sa kanila."
Since gusto kong matutong magsurf ay hinayaan kong si kuya kevs ang magbantay sa kanila.
"marunong kaba neto juls?"
"syempre hindi. Hahaha nakakatakot kaya yan" sabi niya saakin.
Ngumuso ako. "gusto kong matutunan to... Parang ang saya..." hawak hawak ko yong board na hawak kanina ni kuya. Siguro hindi rin siya marunong kaya nakontento nalang siyang manuod.
Ilang minuto din at natapos na sila Daniel.
OMG! Mga bes tulong... May sunog!!!
Ang hot niya kahit naka rushguard lang din siya di tulad ni Quen na nakatopless na!
Ilang beses akong lumunok lunok!
Parang nagslow motion ang lakad niya...
Damn it! Paano niya nagagawang maging hot kahit na sinusuklay lang naman niya ang buhok niya gamit ang kamay niya!
"teh pakisara ng bibig.." julia giggled.
Nakanganga na pala ako sa sobrang pagka amuse.
Humarap ako kay Julia. "try natin to Juls..." kunwari hindi ako nagpantasya sa pagkahot niya. Hahaha
"paturo ka nalang sa kanila." sabi niya saakin.
Mukhang hindi siya interesado sa ganitong activity.
"Quen, turuan mo daw si Kath magsurfing." seriously Juls? Talagang si Quen ang sinabihan mo.
"talaga gusto mo kath? Sige sige..."