trouble...

4.9K 124 5
                                    

Hindi ko alam kong paano niya napapayag si Quen na sumama siya pero nagawa niya.

Alam kong nahirapan siyang kombisihin si Quen para lang makasama siya saamin.

Naiintindihan ko naman ang point ni Quen, gusto niyang iiwas ako sa mga pupwedeng mangyari.

Dito natulog si Daniel sa condo, syempre sa lapag lang siya.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising, madaling araw palang ay umuwi na siya sa kanila ngunit bumalik din naman agad. Kumuha lang siya ng mga gamit niya.

Halos diko na siya makilala sa suot niya.

Nakahoodie siya na kita ay mga mata lang plus nagsuot pa siya ng shades at cap.

Wala na talagang makakakilala sa kanya sa suot niya.

Pagdating naman daw namin sa resort e pwede na siyang magpakita doon dahil private yun basta walang mag aupload ng picture na kasama siya.

"Ready kana?" tanong niya saakin.

Hanggang ngayon naiilang parin ako sa kanya. Tsk!

Umamin kasi siya na gusto niya ako tapos tumayo siya agad at iniwan akong natulala.

Tapos ngayon parang ang sweet sweet niya, malayong malayo sa nakilala ko nong mga nakaraang araw.

"kagabi pa, malapit na sila Mama bumaba na tayo" sabi ko sa kanya. "Miles! Bilisan mo na..."

Nagmadali namang lumabas si Miles sa kwarto mukhang dipa nakapagsuklay.

Natawa ako sa hitsura niya at inabutan ko siya nang suklay.

"ayan, dahil sa late kana nagising dimo na naayos ang sarili mo..." natatawa kong sabi.

"hmp! Alam ko naman na dika nakatulog dahil------ahehehe joke lang mare."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinandilatan ko na siya nang mata.

Si Daniel ang nagdala sa maliit na maleta ko. Inilagay ko na kasi doon pati gamit ng kambal at isa pa dalawang araw kami doon. Okey na yong maraming ekstra.

Siya, tanging bagpack lang ang dala niya.

Nauuna kami ni Daniel maglakad at si Miles ang nasa likod namin.

Saktong pagbaba namin ay tumapat saamin ang Van nila Mama.

Agad akong lumapit at binuksan ang bandang gitna. Bumungad saakin ang kambal na tuwang tuwa.

"Nanay nandito na po kami..." sabay hagikgik ni Sab.

Naunang humalik sa pisnge ko si Sky, sumunod naman si Sab.

"hay naku anak, hindi mo naman sinabi na mahirap gisingin itong si Sky." natatawang sabi ni Mama.

Natawa ako dahil sa reaksyon ni Sky. Nakanguso siya.

"paano po Nanay, late na po natulog si Kuya. Hindi daw po siya makatulog dahil po namimiss kana niya."

"aww ang bigboy ko. Namiss din kayo ni Nanay!"

Tumikhim sa likod ko si Daniel.

"saan ko ito ilalagay?" tanong niya saakin.

"kuya patulong naman sa mga gamit namin."

Bumaba si kuya kevs."sige diyan na kayo umupo. Tabihan niyo ang kambal."

Kinuha niya ang mga gamit namin at inilagay sa likod.

"Miles, tabi kana lang kina kuya sa likod"

"o sige sige Mare no problem.".

Pinauna akong pasakayin ni Daniel saka siya sumunod.

SINGLE MOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon