Mga halik at hagikgik ang gumising saakin ngayong umaga.
Nang maidilat ko ang mga mata ko, mukha nang dalawang anghel ang nakita ko.
Humagikgik muli si Sab. "magandang buhay nanay..."
Kinabig ko silang dalawa para yakapin...
Kong ganito ba naman lagi ang gigising saakin tuwing umaga edi mas gaganda ang trabaho ko neto kahit pa magtrabaho ako buong araw basta ba unang makikita ko sa paggising ko e mukha ng mga anak ko.
"ang aga aga naman ng mga baby ko"
"nanay hindi na po umaga,tanghali na po kaya.."
Napatingin ako sa wall.
Sht! Its 11 oclock!
"bakit di niyo ako ginising? Kumain naba kayo?"
"okey lang po nanay, alam naman po namin na busy po kayo at pagod sa trabaho." aww ang sweet ng binata ko.
Kintilan ko sila ng maliliit na halik sa mukha.
"namiss ko kayo..." hindi ko na sila naabutang gising kagabi.
Anong oras na kasi ako nakauwi kagabi. Medyo napasaya lang ng konti.
"namiss ka rin namin nanay. Si kuya sky tanong ng tanong kay ate letty kong paano po pumunta sa work mo nanay"
Binalingan ko ng tingin si Sky. Napangiti pa ako ng makita kong umirap siya kay Sab.
"talaga? Naku si kuya namimiss si nanay yiii..." pang aasar ko sa kanya.
"nanay naman e..." malambing niyang sabi.
Kahit na minsan mature mag isip itong si Sky, minsan may pagkababy din to. Minsan maglalambing din.yun nga minsan lang.
Tumayo na ako upang maligo.
Sapat na saakin ang ganoong kaikling oras na kulitan namin ng mga anak ko basta araw araw e ganoon ang eksena.
Maraming ekstrang damit ang dinala ko dahil sa sunod sunod na lakad ko ngayong araw.
Ala una ang dance class ko.
Alas kwatro hanggang alas sais ay workshop ko.
Alas otso hanggang alas nuebe ay may pictorial ako para sa showtime catalogue. Actually, tapos na yong iba. Yong group ko naman ang may pictorial ngayon.
Tapos ang first guesting ko ay mamayang 11, yong show ni tito boy. Naisip ko lang, naalala pa kaya ako ni tito boy? Siya kasi ang naging mentor ko noon sa workshop, i dont think maaalala pa niya ako. Matagal na yun. Sa dami na nang nagdaan na artista sa kanya malamang hindi na ako nun maalala.
"bye mga anak, aalis na si Nanay..."
Sabay silang lumapit saakin upang bigyan ako ng hug and kisses.
"wag niyong bigyan ng sakit sa ulo si ate ha. Wag din kayong lalabas dito, sa loob lang kayo maglaro. At wag magpapasok sa hindi kilala."
"opo nanay, ingat po"
Pagkasara ng pinto, napabuntong hininga ako alas onse ang guesting ko mamaya panigurado anong oras na ako makakauwi, hindi ko na sila maaabutan ng gising tapos kinabukasan aalis din ako ng maaga dahil sa showtime at hapon o gabi narin ako makakauwi dahil sa dalawang meeting.
Sacrifice... Kathryn..
Pagbaba ko, nasa labas na ang driver na hnire ni mayora para saakin.
Sa abs na kami magkikita ni mayora dahil may taping dahil sa magandang buhay si Eñigo kaya kailangan nandoon siya.