bonding...

5.1K 153 2
                                    

"M-Malayo naman Juls..." agad na apela ko.

Buti nalang at hindi na nagsalita si Julia.

Tinulungan ko siya sa pag iihaw, samantalang ang dalawang bata ay naglambing kay Quen at daniel, gusto daw nilang magswimming. Kaya naman, habang inaayos namin ang mga pagkain ay sila naman naisipan nilang magswimming.

Ilang beses pa akong napalunok nang makita kong nakatopless si Daniel.

Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Hindi na siya patpatin at talaga nga naman may ipagmamalaki na siya.

Tanging tawa lang ni Sab ang naririnig namin, linalaro kasi siya ni Quen habang si Sky ay tinuturuan lumangoy ni Daniel.

Kinuha ko ang cellphone ko para kunan sila ng picture.

Minsan ko lang masilayan ang mga ngiti at tawa ni Sky kaya hindi ko pwedeng makaligtaan ang pagkakataong yun.

"paano mo kinakaya ang mag alaga ng dalawang bata? To think na ganyan parin kaganda ang katawan mo"

Nilingon ko si Julia.

"mababait naman kasi silang dalawa. Mature sa kanila si Sky kaya lagi niya itong sinasaway tuwing nagkukulit o may ginagawang hindi maganda. Madalas akong wala sa bahay, at iniiwan ko lang sila sa kapitbahay kaya natutuwa at hindi na nag aalala sa kanila."

"oo nga, pansin ko nga. Pero kath okey lang ba kong tanungin ko, bakit pinagtataguan mo sila tita min?"

I sighed. Everytime maririnig ko ang pangalan ni Mama nakokonsensya ako. Wala e, sa sobrang taas ng pride ko, hindi ko pa sila kayang harapin.

"nahihiya ako sa kanila. Especially kay Mama, abot kamay na namin ang pangarap na yun pero isang iglap nawala lang saamin. Hindi ko sila kayang harapin, at hanggang ngayon wala parin akong lakas ng loob na harapin sila. Hindi pa ngayon, wala pa akong napapatunayan"

"hindi bat magandang idea yong inooffer ko sayo ? Pangarap lang naman ni tita ang maging artista ka at makita sa tv, at hindi pa huli ang lahat. Tutulungan kita tanggapin mo lang ang offer ko sayo"

Napakagat ako sa labi, parang gusto kong subukan ang inooffer ni Julia.

Bukod sa makakatulong ito para mahanap ako nina Mama. Malaki din ang maitutulong neto sa kambal.

Pero...

"yong kambal ang iniisip ko. Paniguradong uungkatin nila ang pribadong buhay ng kambal"

"nasa sayo lang yun kath kong hahayaan mong papasukin sila sa private life mo. Panahon na siguro para tuparin mo naman ang pangarap ni tita. Hindi pa huli ang lahat, tutulong kami sayo kahit mga supporting roles lang muna. Ang mahalaga ay makapasok ka sa showbiz. Ipapakilala kita kay mayora."

Tumango ako.

Panahon na nga siguro para pasukin ko ang mundong minsan ko nang tinalikuran dahil sa anak ko. Ngayon sila parin ang dahilan kong bakit ko papasukin ang mundo ng showbiz, gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay.

At isa pa...

Alam kong malaking tulong ito para makilala nila ang Tatay nila...






*

"the food is ready..." nakangiting sabi ni Julia, bitbit niya ang tuwalyang gagamitin ni Quen.

Samantalang ako ay may tatlong tuwalya sa balikat at mga kamay ko.

"here..." inabot ko sa kanya ang isang towel.

SINGLE MOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon