DAHIL BALIW ANG OTOR NITO TRAGEDY PO ANG ENDING HAHAHAH
KAYA MAY BOOK 2 SIYA ! SURE NA AKO DIYAN! HINDI NAMAN AKO PAASA KATULAD NANG MGA LALAKI, MAGALING LANG SA UNA! TSEEE!
PASENSYA NA BITTER SA VALENTINES! TSK
KADATE NGA PLEASE HAHAHA ✌✌✌
***
NAKASIMANGOT lang ako buong maghapon. Nakakainis kasi, dapat masaya ako ngayong araw dahil concert na ni Daniel. Bukod sa iniwan niya akong mag isa dito sa bahay e hindi manlang tumatawag saakin ang lalaking yun.
Tsk nakakainis! Baka mamaya kong saan saan na nalilinga ang mata nun... Nakuuu dudukutin ko talaga mga eyeballs niya.
At isa pang nakakainis, bakit nagkakaganito ako?! Bigla bigla ata akong naging selosa, praning at baliw. Hayy!
Hapon na nang may pumunta sa bahay. Tuwang tuwa pa ako dahil akala ko si Daniel na, kasi alam mo yun kahit na naiinis ako sa kanya natutuwa parin akong makita siya. Netong mga nakaraang araw kasi ay palaging kaming magkasama, walang oras na nahiwalay ako sa kanya. Ngayon lang!
Pero dismayado ako nang si mayora ang nakita ko.
"oh bat nakabusangot ang reyna?"
"nasaan si Daniel?"
"ewan, tinawagan lang ako para sunduin ka e"
"anu?! Wala ba siya sa araneta? Diba nandoon ka?"
"wala eh, sabi lumabas daw para kumain ng lunch."
Mas lalo lang ata nag init ang ulo ko.
"halika na nga, alam mo kath napapansin ko, bakod na bakod ka kay daniel netong mga nakaraang araw."
Napanguso ako. Totoo kasi. Ewan ko ba simula lang ito nang makasalubong namin ang crush niyang si Christine Reyes. At inamin niya pa talaga saakin yun habang sinasabi ANG GANDA NIYA NO? ang sarap paghahampasin sa mukha.
Doon ko lang naisip na may kakayahan din palang tumingin si Daniel sa ibang babae. Na pwede din pala siyang magkagusto sa iba bukod saakin.
"mamaya na ako aalis, maaga pa e audience lang naman ako. Tsaka tatawagan ko muna ang mga bata. Tsk gusto ko sanang nandito sila, dahil first time nilang mapapanuod ang Tatay nila kong sakali."
"kaso malayo sila kaya hindi natin sila makakasama. Kaya tara na at aayusan kapa."
"mag aayos e audience lang ako. Hayy naku mayora buti sana kong may performance ako sa concert niya kaso wala."
"hanggang ngayon ba hindi mo matanggap na bangko ka lang? Hahaha si Daniel din ang may gusto nun."
Yun pa ang nakakainis! Nalaman ko kasing dapat e may performance kami ni daniel kaso si lalaki ay umayaw. Mas gustp daw niyang aundience lang ako. Diba?! Kinakahiya niya ang talent na meron ako.