Kath
Nakakapanibago, gigising ako na wala ang mga anak ko. Walang naghaharot, wala ang mga hagikgik ni Sab. Mga reklamo ni Sky. Mga asaran nilang dalawa. Agawan nang remote sa mga pinapanuod nila. Walang may nagrerequest nang corned beef tuwing umaga. Walang magpupumilit sumama tuwing aalis ako.
Wala...
Ang mga anak ko na nagbibigay nang buhay saakin.
Walang magsasabi nang "Nanay, magpahinga kana dahil pagod ka!"
Nakakapanibago...
Hindi ako sanay nang wala sila.
Kong alam ko lang na mangyayari to, edi sana sinulit ko ang mga araw na magkakasama kami. Hindi ko sana sila ipinahiram kay Mama.
Atleast doon pwede ko silang dalawin, pero nandoon sila sa bahay ni Daniel. Kapag pumunta ako doon, marami ang magtatanong saakin kong anu ang gagawin ko doon.
"cut! Perfect! Youre not supposed to cry but you did a good job!" puri saakin direk.
Ngumiti ako. "maraming salamat po."
Malalim lang talaga ang pinanghuhugutan ko kaya lumabas ang mga luha ko.
Julia hugged me. "ang galing galing mo parin talaga kath" tuwang tuwa na sabi niya saakin.
"naworkshop lang"
"asus pahumble na naman tayo." natatawang sabi ni julia.
Nang makapasok kami sa tent, tumayo si Joao at lumapit saakin.
"pack up na! Tara kain tayo. Treat kita" nakangiting sabi ni Joao. Pamatay talaga ang ngiti niya. Nakakahawa, kaya kahit na nalulungkot ako ay nagagawa ko paring ngumiti.
"ang daya, bakit si kath lang inaaya mo?" nakangusong tanong ni Julia.
Napakamot sa batok si Joao.
Natawa ako. Naalala ko kasi yong sinabi niyang nahihiya daw siya kay Julia at Quen. Ang taas nadaw kasi nila para mapasali siya sa soap nila. Talagang ginalingan lang talaga niya para saakin! Baliw!
"hahaha joke lang, may photoshoot pa ako. Nauna na nga si Quen eh." natatawang sabi ni Julia.
Since nagugutom narin naman ako ay sumama ako sa kanya. May mga nagpapicture pa saamin sa labas nang location namin.
Karamihan ay mga KB buddies, may mga dala silang mga regalo saakin. Kahit nong umattend din ako ng GT nila ay may mga regalo sila saakin. Pati sa kambal ko.
"naks iba na talaga ang sikat" tukso saakin ni Joao.
Inirapan ko siya."mas marami ka paring fans."
"sus, pahumble pa."
Sa QC kami kumain ni Joao. May alam daw kasi siyang masarap na pagkain sa QC.
"seriously kath, tumatawa ka pero malungkot ang mga mata. What's wrong?" tanong niya saakin.
"wala no. Pagod lang ako."
"really? Parang di naman dahil sa pagod."
I sighed.
Kailangan ko nang pagsasabihan nang saloobin ko kasi pakiramdam ko parang sasabog na ako.
"namimiss ko lang ang twins ko. Ilang araw ko na silang nakikita."
"eh nasan ba sila?"
"nasa tatay nila?" sagot na tanong ko.
Napabuntong hininga ako. "can you keep a secret?"