Hindi ko maiwasang maamaze sa laki ng bahay nila Daniel. Talaga nga namang kitang kita ang success niya sa showbiz industry.
Yong pool nila ay bagong gawa lang daw ito para sa pinsan niyang si Jordan na mukhang kasing edad lang nina Sab at Sky. At medyo kahawig sila ni Sky mataba nga lang si Jordan.
Pagpasok namin sa loob, dinig na dinig na namin ang tawa ni Julia at ng Mama niya.
Ilang beses akong bumuntong hinga.
Nakakatawa no?
Kahit anong gawin mong iwas sa mga taong ayaw mong makita sila pa pala ang palagi mong makakasama.
Tsk!
"okey kalang kath?" tanong saakin ni diego.
Nauunang maglakad saamin si Daniel ngunit nilingon niya kami. Napahinto kasi ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan na hindi ko alam.
"what's wrong?" tanong ni daniel.
Bahagya akong umiling. Ayaw kong gumawa ng eksena dito.
Geez, kinakapos ako ng hininga. Tuwing malakas ang kabog ng dibdib ko ay kinakapos ako ng hangin.
"Ma, nandito na kami" pahayag ni Daniel kaya nilingon nila kami.
Present narin ang mga kaibigan niya.
"Dj anak. Bakit ngayon lang kayo?"
"traffic." tipid na sagot niya.
Napatingin naman saakin ang Mama niya. Tingin ko ay inoobserbahan din ako ng Mama niya.
Tumawa ng mahina si Diego. "tita naman, wag mong takutin si kathryn."
"che! Tinitignan ko lang. Ang ganda mong bata iha."
Medyo nahiya ako dun.
Humagikgik si Julia. "sabi ko sayo tita eh, ang cute din ng twins niya."
"talaga may anak kana?"
Marahan akong tumango. Feeling ko isa akong makasalanan at ini- Interrogate ako ng mga pulis.
"meron na po."
"single mom?"
Napasinghap ako. Lahat ng atensyon nila nasaakin na.
"o-opo..."
"oh anong nangyari dun sa tatay ng mga anak mo? Nalunod sa lugaw?" biro ni tita.
Maging sila Julia ay natawa sa sinabi ni Tita.
"ahh, hindi po niya alam na may anak kami."
"bakit naman?" sunod na tanong ni tita.
"mahabang storya po-----"
"ide paikliin natin." pagputol saakin ni Tita.
Napasinghap uli ako. "hehehe para po sa pangarap niya?" patanong na sagot ko.
"ahhh sacrifice. ." hirit ni tita.
"minsan ba naiisip mong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak niyo?"
Nilingon namin si Daniel.
Natahimik ako. Diko alam ang sasabihin ko.
"wala lang, baka rin kasi iniisip mong hindi siya matatanggap ng tatay nong mga bata kaya mas pinili mong itago sa kanya. What if yun pala ang kasagutan para mabuo ang pagkatao nila?" nagkibit balikat siya. "wala lang, opinyon ko lang naman."
"ang dami mong alam anak. O siya, ipaghahanda ko muna kayo ng makakain. Pasensya kana dito sa kanila kathryn."
Tumango lang ako.