Chapter 7 The Flashbacks

6 1 0
                                    

Hindi magawang kumurap ni Allison. Natatakot siyang biglang umalis ulit si Jichael.

"Di ka dapat nag-aalala sakin. Sarili mo ang intindihin mo. At saka kailangan ko pa ring ituloy ang paglalakbay ko. Hindi ako dapat nagtagal dito." Sagot nito sa tanong niya.

So, alis pa rin ito kahit pigilan niya ito. Kahit iniyakan na niya ito. Sana pala hindi na nalang sila nagkakilala.

Umiwas siya nang bumaling ito ng tingin sa kanya. Nagsisimula na naman siyang maiyak. Kumurap-kurap siya para pabalikin ang mga iyon sa mata niya.

Kung aalis ito dapat din siyang bumalik sa dati.

Napabuntung-hininga siya. Hindi na niya maalala ang mga araw na mag-isa siya. Lahat ng bagay sa paligid niya ay karugtong ang pangalan ng binata.

Bigla may nag-flashback sa kanyang usapan.

"Isipin mo muna ang magiging paraan mo para makaalis rito." Utos ng isang tinig.

"Si Jichael. Siya lang magkakatulong sakin." Sagot niya pero sa isip niya lang sinabi.

Pilit niyang inalala ang buong pangyayari pero sumakit lang ang ulo niya.

"Allison?" Nag-aalalang tawag ni Jichael.

"Ayos lang ako." Hawi niya sa kamay nito.

Kung papabayaan niya alagaan siya nito sa nalalabi araw nito sa tabi niya ay lalo lang siya may maaalalang malungkot.

"Patingi?" Hila nito sa kanya sabay salat sa ulo niya.

"Di ba wala?" Iwas niya sa ulo niya.

"Isa pang iwas!" Banta nito.

"Ano!?" Tinaasan niya ito ng boses.

Kunwari pang nag-aalala ito. Kahit halata namang wala itong paki.

Tinulak niya ito nang mahina dahilan para mapalayo ito.

"Ayos lang ako sabi eh." Naiirita niya sabi.

Bahagya itong nagulat pero sumeryoso agad.

"Ano bang problema mo?" Malungkot nito sabi.

"Wala." Sagot bago tumalikod.

Naglakad siya palayo sa bahay-tuluyan. Mamamasyal muna siya. Lulubusin niya ang pansamantalang pagpalit ni Jichael sa kanya.

Gusto niya sanang magpahinga kaso baka hindi siya patahimikin ng lungkot niya sa nalalapit na pag-alis ni Jichael. At dumagdag pa ang tinig na pinapasakit ang ulo niya.

Naaliw siya sa mga nakikita niyang mga bagay na paninda ng mga tao sa gilid ng daan.

Halos kapareho lang namumuhay ng tao rito ang sa mga tao sa mundo niya.

Nangiti siya. She missed her world. Ngayon ang tamang panahon para makauwi na siya. Ayaw niya nang magpatuloy pa ng pamumuhay sa lugar na iyon.

"Hay!" Malungkot niya hinga.

"Hindi yang maganda para sa tulad mong binibini." Wika ng lalaki sa tabi niya.

"Hah?"

"Ang ibig kong sabihin ay ang ganda ng gabi. Wag mong sirain." Biro sabay lakad palayo sa kanya.

"Dami talaga mga baliw dito." Bulong niya.

"Hindi baliw ang kapatid ko." Pagtatanggol ng lalaki sa likod niya.

"Eh di hndi!" Sagot niya sabay lingun dito.

Napahinto siya akmang may sasabihin siya nang maaalala niya ang una niyang panaginip nang makasama niya si Jichael.

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon