Chapter 4 The Midnight

11 2 0
                                    

Nalunok siya. Biglang nanuyo ang lalamunan niya. She can't find a word to say. Ramdam ramdam niya ang tibok ng puso nito sa ibabaw ng puso niya. Kapwa sabay ang ritmo ng mga iyon na parang umaawit.

Muli itong huminga ng malalim bago hinarap ang mata niya. Lumipas ng ilang sandali pero nanatili ito sa posisyon nito.

Naguguluhan na siya sa inaasal nito. Bakit parang may gusto itong ipahiwatig? "Relax ka lang Allison, baka magpakamalan kang cheap." Saway niya sa sarili.

Tumalon ang puso niya nang magsalita ito uli. "Anong bang masasabi mo sa mga pinakita ko saiyo?"

"Pwede ba munang tumayo tayo bago ko sagutin yan?" Naiilang na siya sa sobrang lapit nito. Kaunti nalang at lalabas na ang puso niya para yakapin ito.

Natatawa itong tumayo at inalalayan siya. Ngunit saktong pagkatayo niya ay umihip ang hangin ng malakas. Dahilan upang matumba sila parehas.

Muli silang nabalik sa awkward posisyon tulad kanina pero ngayon siya na ang nasa ibabaw. Sinubukan niyang tumayo ngunit muling dumating ang hangin at tinumba siya.

Wala sa isip niya ang pagsuko kahit pinipigilan siya ni Jichael tumayo. Dahilan niya, "Hangin lang ito wala pa ito sa dinanas ko bago ako makarating dito."

Paulit ulit siyang tumayo kahit na nasasaktan niya na ang binata dahil sa ilang uli niyang pagbagsak dito.

Sa ikalima pagkahulog niya rito, ito na ang sumuko at gumawa ng paraan ngunit lalong lumala ang sitwasyon nila. Dahil sa pagbagsak nito sa kanya tumapat ang mukha nito sa mukha niya at nagdikit ang mga labi nila.

Maging ito ay nagulat sa nangyari. Kapwa sila naestatwa. Siyang ang unang katauhan. Tinulak niya ito sa gilid at tumayo. Ngunit dahil umiihip parin ang hangin nang sobrang lakas tinagay siya nito at nauntong sa isang sanga.

Muli ay mga bisig nito ang huli niyang naramdaman bago mawalan ng ulirat.

Kinabuksan, naabutan niya itong nagluluto muli ng almusal. Hindi na nito nilutong muli ang sabaw na katulad ng sa ermitanyo.

"Sasabay ka ba sakin sa bayan o dito ka muna?" Tanong niya habang kumakain.

"Ang hilig mo talagang magsalita habang kumakain." Naiirita nito sabi.

Bigla siyang nalito. Ngayon lang naman siyang nagsalita habang kumakain silang dalawa. Mas madalas nga siyang tahimik. She remembered being talkative when she was with the old man not with him. Hindi na lang niya iniisip ang napansing kakaiba sa binata.

"Sasabay na ako saiyo. May kaunti sinat ka pa. Babantayan muna kita kapag na sigurado kong ayos ka na. Saka na ako aalis u--"

"Bakit, I mean-- ang ibig kong sabihin, bakit pa? Saka ayokong makaaba--"

"Hindi ka nakakaabala. At kapag sinabi kong hindi, hindi talaga. Ayaw mo ba?"

Hindi siya nakasagot. Pero noong sasagot na sana siya kaso nagulat siya nang makita niyang nakatitig ito. Pamilyar sa kanya ang mga mata nito pero hindi niya matukoy kung saan.

"Wag mo kong tignan ng ganiyan. Ituloy mo na yang pagkain mo." Saway nito.

Hindi niya namalayang napatigtig na siya sa binata. He really reminds her the old man. Mula sa mga mata nito at asal.

Tulad nang isinagot ni Jichael sinamahan nga siya nito. Ang hindi niya inakala ay babantayan nga siya nito. Literal ang ginawa nito pagbabantay. Nakasunod ang mga mata nito sa bawat kilos niya.

Hindi man siya sanay ay nakakilos naman siya ng maayos. Ngunit marahil narin sa ilang araw na silang ganoon ay naubusan na siya ng pasensya kaya medyo naiinis.

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon