CHAPTER 1

16 1 0
                                    


Chapter 1: Her Life

Mayumi Angela Villanueva

Noong bata pa ako akala ko ang buhay ay simple lang na puno ng saya. May mga mapagmahal na magulang na nag-aalaga sa aming magkakapatid. May bagong laruan, damit o kaya naman ay sapatos kapag bagong sweldo si papa. Simple lang ang kaligayahan ko. Akala ko sapat na ang lahat ng yun upang maging masaya ako.

Pero nagkamali pala ako. Sabi nga nila maraming napapahamak sa maling akala.

Simula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente noong labinlimang taong gulang pa lang ako nagbago ang pananaw ko sa buhay. Napag-alaman ko na ang buhay ay hindi lang puno ng saya kundi pati na rin ng pighati at lungkot.

At hanggang ako ay tumuntong ng ikadalawampu't dalawang taong gulang ay hindi pa rin nagbabago ang pananaw kong iyon.

"ARVIE!!!! Bumaba ka na at mag almusal!" tawag ko sa aking pitong taong gulang na kapatid.

"Opo ate gela. Pababa na."

Nakita ko ang kapatid ko na pababa ang hagdan dala dala ang kanyang bagpack.

"Kumain ka na jan." sabi ko sa kanya pagkaupo niya.

"Ate may pasok ka ba ngayon?" tanong ni Arvie sa akin habang naglalagay ng hotdog sa kanyang pinggan.

"Oo, pero idedeliver ko muna yung order na palabok ni Uncle Rod at Aunty Cely. Mamaya pa namang 9 ang pasok ko eh. Sayang din yun. Pandagdag din yun sa pambayad sa kuryente ngayong buwan."

" Ate magpahinga ka naman kahit minsan. Palagi ka na lang nagtatrabaho eh. Sa umaga nagdedeliver ka at pumapasok sa school. Sa gabi naman nagtatrabaho ka. Kapag weekend may trabaho ka rin. Hindi ka na yata nagpapahinga eh. Baka magkasakit ka na niyan ate."

Natutuwa talaga ako dito sa kapatid kong si Arvie. Sa mura niyang edad marunong na siyang magmalasakit at makiramdam. Kaya mahal na mahal ko yang kapatid kong yan. Siya na lang kasi ang natitira kong mahal sa buhay.

Pero totoo naman yung sinabi niya eh. Simula kasi ng mamatay ang magulang namin ako na lang ang nagtatrabaho sa amin. Isang taong gulang pa lang kasi ang kapatid ko ng maulila kami kaya kailangan kong kumayod. Marami kasing kailangan si Arvie noon tulad ng gatas at lampin. Although tinutulungan naman kami ni Uncle at Aunty. Pero kasi ayoko ko kasing umasa na lang sa kanila.

"Ano ka ba okay lang si ate. Basta mag aral ka lang ng mabuti at tanggal na lahat ng pagod ko."

"Nag aaral talaga ako ng mabuti ate. Top 1 pa rin daw ako ngayong 3rd grading sabi ni teacher. Huwag kang mag alala ate. Kapag nakapagtapos na ako at nakahanap ng trabaho, hindi ka na magpapagod at mabubuhay ka na lang na parang reyna."

"Grabe naman. Ang sweet talaga ng kapatid ko at ang talino pa. Kaya love  na love ka ni ate."

"Ate ano ba? Ginulo mo naman ang buhok ko eh. Ang hirap kayang ayusin ito." nakasimangot na sabi niya. Ginulo ko kasi ang buhok niya.

Napatawa na lang ako.

"Ikaw ha? May pinagpapagwapuhan ka sa school noh?  Ke bata bata mo pa gumaganyan ka na. Hindi ka pa nga tuli eh." nang aasar na sabi ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crown Prince' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon