Prologue

204 42 4
                                    

"Holdap to. Wag kang kikilos ng masama kung hindi tutuluyan na kita." sabi ko sa ale na nakasabay kong dumaan dito sa madilim na eskenita.

"N-naku po. H-hindi po ako lalaban.." Nanginginig na sabi nito sa akin.

"Ibigay mo na sakin yang buong bag mo." Binigay naman niya ito sa akin at pinabayaan ko na siya.

Tumakbo na ako kung nasaan si Kiko, ang partner ko, at agad niyang pinaandar ang motor. Dumiretso na kami agad sa hide out namin.

Yup, hawak kami ng sindikatong mas kilala sa tawag na "NotusMalus"

Ito ang araw araw na pamumuhay ko. Oo nga pala. Di pa ako nakakapagpakilala.

Ako nga pala si Janus Sylvester Velodiza. 18 years old. Kailangan ko pa bang describe ang sarili ko? Uhm. Sige.

Matangkad ako, matangos ang ilong, mukha akong foreigner. Sabi ng mga kasamahan ko may half daw ako. Ano to? Aso lang? Half breed ganon? Aish. Ewan ko ba. Maputi din ako at mukhang anak mayaman kaya hindi ako napagkakamalang magnanakaw.

Holdaper, snatcher, badboy, walang direction sa buhay, masamang tao, g*go, sindikato, name it. Yan yung tingin nila sa akin.

Bakit nga ba ako napasok dito? Simple lang. Nung sanggol pako, iniwan ako sa tapat ng hideout ng NotusMalus. Maliit pa lamang ang samahan nila noon.

Ewan ko ba sa mga magulang ko. Iiwanan na nga lang ako, sa tapat pa ng hideout ng mga sindikato.

Ang sabi sa akin sa kwento ay iniwan ako ng nasa loob ng isang kahon at may nakasulat na "Janus Sylvester Velodiza". Di ko alam anong drugs tinira ng mga magulang ko at nilagyan pa ng Sylvester ang pangalan ko. Mukha tuloy cartoon character.

Oo, sindikato kami. Oo, magnanakaw kami. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, nakakapagaral kami. Nakatira rin kami sa isang matinong bahay. At nagtuturingang pamilya.

Ang iba sa amin ay may sariling pamilya kaya halos binata lang kami sa bahay maliban sa may-ari/boss/leader ng NotusMalus na si Sir Vladimir Enriquez at ang kanyang babaeng anak na si Venus.

Si Sir Vladimir ang kumupkop sa akin pero ang kanyang kapatid na si Nay Doray ang nagalaga sa akin, sa amin. Pero sa kasamaang palad, kinuha na siya ni Kamatayan.

"Ano pre? Marami bang laman? Tiba tiba ba tayo?" pagtatanong ni Kiko na nagbalik sakin sa huwisyo.

Siya si Kiko Solidad. May pamilya yan pero simula pagbibinata kasama na namin siya. Mahirap lang kasi sila kaya bilang panganay, pinagaaral niya ang mga kapatid niya sa paraan ng pagnanakaw.

Kamukha ni Kiko si Taylor Lautner. Kaya ang tawag sakanya ni Vee ay Jacob.

"May wallet, purse na di ko alam ang laman, at cellphone dito. Yung iba wala ng kwenta." Sabi ko habang pinapakialaman ko ang bag kahit nakaangkas ako sa motor.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating nadin kami sa mansion nila Sir Vladimir/ hideout namin.

"Oh my favorite boys. Kamusta hunting?" Ani Sir Vlad.

"Sir Vlad, isang bag lang nakuha namin ngayon." Ani ko at inabot naman ni Kiko sakanya ang bag. Binuksan niya ito at tinignan ang mga laman.

"Wallet with 3,700 pesos and a cellphone worth 5,000. Anong ninakawan niyo?" Pagtatanong ni Sir Vlad.

"Mukhang may-ari po ng isang pwesto sa may palengke, Sir. Nagsasarado po siya ng tindahan kanina nung nakasabay ko at kinuhanan e." Pagsagot ko.

"Okay boys, tomorrow is another day. Do what you have to." Ani Sir Vlad.

"Goodnight Sir." Sabay naming sabi ni Kiko.

Matapos iyon ay nagayos nako at gumawa ng mga school works. Pero ng matapos ko ang mga bagay na araw araw ko ng ginagawa napaisip ako..

Sino nga ba ako?

Ano nga bang kapalaran ko?

May nagmahal ba saakin?

May nagmamahal pa ba sa akin?

May magmamahal at tatanggap pa ba sa isang katulad ko?

Sa katulad kong snatcher at may misteryosong pagkatao?

Kyleng's note:
Hello ASS readers! Sagwa no ass? HAHAHA. Dejk. Eto na talaga. Maligayang pagbabasa ng story ko! Di ko  alam anong category ko to ilalagay pero I decided to put it on Teen fiction. Enjoy reading and sana makasama ko kayo 'til the end! (On going padin po TFHOR.)

Marami po kayong maeencounter na typographical errors sa bawat chapter. Magaayos pako ng per chapter kapag siguro natapos ko na or kung may time. Pero kung may di kayo maintindihan, may questions kayo, or gusto niyo ko i-correct, Comment lang kayo. I'll answer promise.

Btw nga po pala, yung ibang pangalan, lugar, sakit etc. nanggagaling lang po sa imagination ko pero ginagawa ko pong realistic hanggang sa abot ng makakakaya ko. Kung meron man pong kaparehas sa totoong buhay, coincidence lang po yun kasi halos imagination ko lang po laman nito. Yun lang po. God bless y'all! Keep reading!

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon