Chapter 15: Misery

31 2 0
                                    

Janus' POV

Parang isang malaking bangungot ang lahat ng nangyayari ngayon.

Parang kahapon lang lagpas ang bilang namin sa kalendaryo. Ngayon? Sa isang kamay mo lang mabibilang mo na kami.

Lima nalang kami ngayon..

Ako, si Alvin, si Kuya Danilo, si Pierre, at si Kuya Fred.

Si Brixter, bumalik na sa pamilya niya at nagdecide na magbagong buhay.

Si Kiko, ayun nasa Maynila parin. Hindi namin siya macontact dahil wala kaming mga cellphone. Nasa resthouse lahat ng mga importanteng gamit namin.

Kasalukuyan kaming naninirahan sa bahay nila Kuya Fred. Kasama ang asawa at dalawa niyang anak na babaeng si Freya at Louisa.

Kasya naman kami kahit sa banig at sofa nalang kami natutulog. Nakakakain parin kami dahil sa perang ibinahagi samin ni Sir Vlad bago siya mahuli.

Nanonood kami ng balita ngayon. Nasa sala kami nina Pierre, Alvin, at Kuya Danilo. Kahit malayo ang sala sa kwarto nila Kuya Fred at ng asawa niya, naririnig namin silang nagbabangayan.

"Fred ano ba? Ngayon ka na nga lang umuwi samin nagdala kapa ng mga palamuning kriminal! Hindi mo rin ba naiisip na babae ang mga anak mo?!" Naririnig kong panenermon ng asawa ni Kuya Fred sakanya. Pero hindi ko naririnig na sumasagot si Kuya Fred.

"Tapos tignan mo. May tahi kapa sa likod! Ano ba yan! Ilang aksidente at kapahamakan pa gusto mong maranasan bago ka matauhan?!"

"Sumagot ka!" Pero di parin sumasagot si Kuya Fred.

"Mayroon na tayong pera. Ibibigay na nila ang parte mo. Makukuha mo na yun. Kasya na yun para sa pagaaral ni Freya at Louisa. Tsaka pwede na tayong magnegosyo. May trabaho naman ako at may enough na sahod Fred. Please.. Magbagong buhay kana. Magbagong buhay na tayo.." Naririnig kong humihikbi hikbi narin ang asawa ni Kuya Fred. Nakaramdam ako ng guilt.

"Pare, pumunta na kaya tayo sa bangko para makuha na natin yung kanya kanya nating parte?" Suggestion ni Pierre.

Sa paguusap naming apat ay napagdesisyunan naming ipamigay ang mga parte ng bawat isa at kaming mga natira ay mangungupahan ng panibagong bahay at ipagpapatuloy ang kinagawian ng NotusMalus.

Nagpaalam kami kay Freya para di na maistorbo ang magasawang naguusap. Matapos ay dumiretso na kami agad sa bangko.

"Naka-freeze?!" Sigaw ni Kuya Danilo. Oo. Nakafreeze lahat ng accounts ni Sir Vlad. Kaya di kami makaparaan ngayon.

Umalis na kami ng bangko at nagstay muna sa pajero. Nai-stress na kaming apat dahil baka hindi matuloy ang plano namin.

"So anong plano natin?" Pagtatanong ni Alvin.

"Kuya Danilo may naiisip ka ba?" Ani Pierre kay Kuya Danilo. At umiling lamang ito.

"Mga pre, Kuya Danilo, may naisip ako" ani ko at nagtinginan silang tatlo sakin.

"Ano?" Pagtatanong ni Kuya Danilo.

Kinuha ko ang pouch at inilabas ko ang kodigo ng nga vault ni Sir Vlad.

"Hindi pa tayo pwedeng pumunta doon, Janus. Delikado. Baka mahuli tayo." Ani Kuya Danilo.

"Hindi naman tayo wanted para hulihin nila. Tiyaka ano pa ba't mga snatcher tayo? NotusMalus may kinatatakutan?" Nanahimik sila ng panandalian pero sa huli ay sumang-ayon rin sila.

"Sige ganito ang gagawin natin.." Paninimula ni Kuya Danilo.

Pinagplanuhan namin na pupunta muna si Alvin at si Pierre sa rest house ng pasimple para makita kung may nagbabantay. At kapag wala, pupunta kami kinagabihan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon