Chapter 9: Goodbye

89 28 2
                                    

"Hello Bettina?" Sabi ko ng marinig ko ang pagring ng telepono. Senyales na nasagot niya na ang tawag.

"Hello. Who's this?" Buti nalang yun parin ang numero niya.

"Vladimir. Vladimir Enriquez." Nanahimik siya ng ilang segundo.

"Vlad? As in, Teodora's brother?"

"Yes."

"Napatawag ka? Alam mo bang pinaghahanap ka ng mga pulis ngayon?!"

"Naalala mo ba yung sinabi mo sakin nung maghiwalay kayo ni Brooke? Na tutulungan mo kami para makabawi ka sa nagawa niyo kay Ate?" Alam kong desperadong galaw na to pero may choice pa ba ako?

"Oo. At tutuparin ko parin yun. Ano bang kailangan mo sakin?" Sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hindi ba may sariling airlines ang bago mong asawa?"

"Yes, he has."

"Can you take us to New York? Just me and my daughter. I know you have connections."

"Okay. Come here tomorrow at exactly 3:00 am. That's the only time na pwedeng gamitin yung isang plane because our daughter is going to use our private plane. You can bring anyone with you. Basta may documents naman kahit papaano para hindi maquestion sa NY Airport. 3:00 am is good. Para na din walang makakilala sayo dahil wala pa masyadong tao noon."

"Salamat Bettina."

"Kulang pa yan para sa lahat ng sakit na dinanas ng Ate mo dahil samin ni Brooke. Sana mapatawad din ako ni Teodora."

"Matagal ka na niyang pinatawad Bettina." At dun natapos ang paguusap namin.

Ang mahalaga wag madamay si Venus dito.

Venus' POV

"What?! Dad bakit? Bakit ganoon kaaga??" Gulat na gulat ako sa sinabi ni Dad. Aalis na daw kami mamayang 3am? It's already 1pm. I have 14 hours left here in the Philippines. I don't think Kiko and Janus know about this.

"Anak that's the only time my friend can lend us their plane. Please, ayaw kong madamay ka. It's for your own safety Venus. You'll start college there. You have a better future in New York. This place isn't safe for us anymore."

Napaisip ako sa sinabi ni Dad. Oo nga pala, di nako nakakapagaral. I'm sure dad can make a way para makapasok ako sa universities sa New York. Haaay. Ano nalang kayang iisipin ng mga tao sakin?

Bigla akong natigilan. "Dad! How about mom?! I can't leave her here!" Di siya sumagot at natulala lang siya. Sure I can't leave mom but I can't leave my dad too.

"Can we take her with us? Dad please?" Nakatingin lang siya sakin. Naiiyak nako.

"Dad I won't ask anything from you. Ever again. Just please.. Let's take mom with us." At tumulo na ang luha ko.

Nagbuntong hininga siya. "Anak, gustong gusto ko ring makasama ang mommy mo. Alam mong mahal ko siya anak. Kaya mas makabubuti sakanya na magstay muna dito sa Pilipinas. Who will take good care of her in New York? Nasa school ka. Yung mga mental institutions doon baka di asikasuhin ang mom mo. And we can't go to Manila. There are polices everywhere. I'll get caught." Aniya. Umiiyak padin ako. Napaisip ako. May point si Dad pero di ko mapigilan maiyak. Mommy ko parin yun.

"Haaay. Okay okay. But not now. I'll pick her up soon kapag di na ako mainit sa mga mata ng mga pulis. Okay? Hush now my daughter." Ani dad at niyakap ko siya.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon