Chapter 5: Mission

96 35 1
                                    

Kiko's POV

"Sir sigurado napo ba kayo sa mission na to?" Pagtatanong ko kay Sir Vlad

"Oo. Janus is a great boy. He deserves to know the truth. Don't you want your bestfriend to be happy, Kiko?"

"Sir gusto ko po na malaman niya ang totoo at makilala niya sila. Pero di ko po alam kung sasaya siya doon."

"Sooner or later, he'll be." At umalis na si Sir Vlad.

Medyo nakokonsensya nga ako e. Hindi ako sanay na nagtatago kay Janus. Palagay ko nga iniisip nun mas paborito ako ni Sir Vlad kesa sakanya.

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng may magpadala ng sulat kay Sir Vlad about sa mga dapat makilala ni Janus. Pero ngayon lang natapos ang mga confirmations.

"Psst!" Napatingin ako agad sa may pader malapit sa hagdan.

"Vee?" Sa text ko lang siya tinatawag na Bella.

"Jacob, anong pinaguusapan niyo ni Dad?" Nagbutil ang mga pawis ko sa noo dahil sa kaba. Baka madulas si Vee kay Janus.

"Ah.. Eh.." Napakamot nalang ako sa batok. Mukhang no choice na rin ako e.
Lumaki lang ang mata niya na parang naghihintay ng sagot ko. I give up.

"Haaay. Vee, Janus' parents sent a letter to your dad. They want to be with Janus."

"What?!" Nakita ko ang frustration sa mukha ni Vee. Kahit naman di niya sabihin sakin alam kong gusto niya si Janus e. Ganoon ko siya kakilala.

"But you can't tell him now. Humahanap pa ng tiyempo si Sir Vlad."

"Are you sure na sila talaga ang parents ni Janus??" Her eyes are intense.

"Yes, Vee." Pumunta ako sa may drawer sa may sala kung saan nakapatong ang mga picture frames at kinuha ko ang results ng DNA tests.

"Pinatest ng dad mo sila Janus. Pero di alam ni Janus kung para saan talaga yung test na ginawa sakanya. Akala niya simpleng test lang. Check up kumabaga."

Umiling iling si Venus na parang hindi makapaniwala. Alam kong iniisip niya na maaaring kunin si Janus ng tunay niyang mg magulang, pamilya.

Pero si Janus pa ba? Papayag na kunin siya ng mga magulang niya? Sa pagkakakilala ko sakanya, hindi. Buong buhay niya kinamumuhian niya ang mga magulang niyang basta nalang siya inabandona.

"If you're worrying about Janus being separated to us, don't. I know him too well. He won't leave us just like that. He owes Sir Vlad a lot. And he hates his parents so damn much."

Pagkasabi ko noon ay iniwan ko na si Vee. Di ko alam but seeing her so affected changes my mood so fast.

Nakita ko pa sa peripheral view ko na nilingon ako ni Venus pero hindi ko na ito pinansin.

Pumunta ako agad sa kwarto namin nila Janus, Brix at Pierre. 4 kami bawat isang kwarto. May dalawang double deck na kama at sa right side yung amin ni Janus.

"Oh pare. Sinama samin si Janus ni Sir Vlad ngayon. May importanteng lakad daw kayo?" Pagtatanong ni Pierre habang gumagawa ng plates. Architecture ang kurso niya.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon