Chapter 7: Betrayal and Broken Trust

77 32 3
                                    

Dumaan ang ilang linggo, ganun parin. Aaminin ko, mas nagkabuhay ang NotusMalus dahil may babae na sa bahay na marunong magluto ng masasarap, maglinis, at iba pa. Di gaya ni Venus. Hotdog lang yata alam lutuin nun e.

Di narin kami masyadong naiilang. Natatawag ko na sila ng Dad at Mom ng diretso. Pero as usual, lagi padin umaalis si Dad. Kapag tatanungin ko naman si Mom kung saan nagpupunta si Dad, sasabihin niya lang sa trabaho. Pero kahit kelan di niya naman sinabi samin kung ano ang work ni Dad. Sabagay di ko naman natatanong. Tanungin ko nga mamaya.

Dahil sa mga magulang ko, mas lalo akong nagpursigi. Di lang sa pag-aaral kundi syempre padin narin sa racket namin.

Bilang anak, gusto ko rin naman bumawi sa mga pagkukulang ko sakanila.

"Mr. Velodiza, napapansin ko na nababawasan ang mga absents mo. You're doing well in this subject nadin. Great job and keep up the good work." Nabalik ako sa huwisyo ng iabot sakin ng Professor ko ang exam paper ko last week. Atleast di nako pasang awa. Medyo tumaas na rin ang grades ko.

"Uy fafa ja! Galing galing naman ng bebe ko!" Maligayang sabi sakin ng seatmate kong bading. Sa pagkakaalam ko Nathan ang pangalan nito. Dahil sa ayaw kong maging bastos, ngumiti nalang ako at nagpasalamat.

After class, pumunta ako sa waiting area ng university. Yup, ako lang magisa. Iba kasi ang schedule ni Kiko. Sila nila Pierre, Brix, at ibang mga kasama ko naman sa bahay ay sa iba't ibang school nagaaral dahil narin sa mga courses.

Umupo ako sa isang bangko at nilabas ko ang isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng jacket ko. Kumuha ako at sinindihan ito.

Siguro nga naapektuhan ako ng mga magulang ko at nabibigyan ng motivation para pagbutihan ang pagaaral ko pero kahit kelan di nila pwedeng tanggalin sakin ang mga bisyo ko.

Ito na nga lang pampalipas ng oras ko, tatanggalin pa ba? No freaking way.

Nagbeep bigla ang phone ko kaya chineck ko ito.

[ From: Kiks — Tol, malelate ako ng pagsundo sayo ngayon. Daanan ko muna si Venus sa mall tapos diretso na kami diyan. In 20 minutes we'll be there.]

Sinusundo kasi ako ni Kiko tuwing Wednesday kaya naghihintay ako ngayon.

[To: Kiks — Tol wag mo nako sunduin. Di tayo kasyang tatlo nila Vee diyan sa motor. Mahuli kapa ng pulis kasi tatlo tayo. Sagwa naman magaling kang snatcher tapos mahuhuli ka sa kalsada sa minor na dahilan diba! Haha. Hatid mo na agad siya sa bahay. Tapos mamaya text kita pasundo rin ako.]

[ From: Kiks — K ]

Patayo na sana ako pero may narinig akong pamilyar na tunog. Baseball bat ni Elias, ang leader ng kinatatakutan na gang sa university namin mga jejemon naman. Ano nga ulit pangalan ng grupo nila? Panties?

"Well, well look who's here.." Ani Elias kaya napatingin ako. Nakita ko nanaman yung varsity jacket nila na kulay light green at pink. Ang sakit sa mata ang laki pa ng nakasulat tapos may logo nila. Panthers nga pala. Akala ko kasi Panties pasensya na.

Ngumisi lang ako at tumalikod na. Wala akong panahon sa mga lowlife na to.

"Hoy Velodiza! Di pa tapos si Boss sayo!" Sigaw sakin ng miyembro nilang kamukha ni Dumbo. Walo sila at lahat sila ay mala tigre ang tingin sakin ngayon. Ang alam ko bawat letra ng PANTHERS kumakatawan sa first letter ng pangalan nila pero si Elias lang kilala ko.

"Dumbo, sabihin mo diyan kay Elias aka Boss mo, wala akong panahon sainyo. Time wasters." At tumalikod nako.

"Aba loko ka ah."

"Nellie, ako na bahala dyan." Sabi ni Elias sa kamukha ni Dumbo. Nellie pala pangalan niya. Di ko napigilan ang tawa ko kaya lalong sumama ang awra nila.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon