Chapter 3: Ain't scared

112 39 10
                                    

Venus' POV

"Hoy Jacob mamaya 2pm labas ko." Pagpapaalala ko sakanya. Baka kasi mamaya 4pm niya ako ulit sunduin.

"Vee, si Alvin to. Nagpapahinga sila Kiko diba? Nakita mo naman siguro itsura niya kagabi." Oops. I forgot that Kiko was exhausted because of what happened last midnight.

Flashback:

Naglalakad ako pababa ng hagdan dahil gusto kong uminom ng gatas. Sakto nasa sala sila Janus at Kiko.

Hmm. Mukhang kauuwi lang nila ah?

"..bulsa ni Aileen yun habang naghahalikan kami. Akala niya nilalamas ko pwet niya." Natatawang sabi ni Kiko kay Janus.

"Uy two birds in one stone." Ani ko pero mukhang nagulat sila sa biglaang pagsingit ko.

Di ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang ako sa kusina para uminom ng gatas.

End of flashback

Bat ba kasi doon sila inassign ni Dad? Haay. "Oh Alvin, ikaw pala yan. Basta tell whoever would pick me na 2pm labas ko, okay?" Sagot ko kay Alvin na isa rin sa mga members ng NotusMalus. Kasing edad yata siya ni Kiko. 19? I dunno.

"Vee, nga pala. Bat Jacob ang tawag mo kay Kiko? Yun ba totoong pangalan niya? Hindi ba Francis?" Pagtatanong sakin ni Alvin habang nagmamaneho siya patungong school ko. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"He calls me Bella, Alvin. It's from a movie called Twilight. And he's name is just Kiko Solidad, not Francis." Pagsagot ko habang umiiling iling.

Nakita ko siya sa rear mirror ng sasakyan. He's smiling widely. Kinunot ko ang noo ko at nagtanong ng "Bakit?"

Ngumiti lang siya at sinabing "Ikaw Venus ha. Jacob and Bella siguro yung love team sa sinasabi mo. Ano nga yon? Ah.. Highlight! Tapos alam na alam mo pa buong pangalan niya!" Ani Alvin na naging rason para humagalpak ako ng tawa.

"Pucha! HAHAHAHAHA! Twilight tanga! Tsaka si Edward at Bella nagkatuluyan don. Bestfriend ni Bella si Jacob. And alam kong Kiko pangalan niya kasi nakikita ko driver's license niya! Tuwing hinahatid niya kasi ako iniipit niya diyan sa may nakasabit sa rear mirror!" Natatawa parin ako.

"Eh sinong Edward mo?" Natahimik ako ng itanong niya yun.

"Wala! Kaya ko lang naman tinawag na Jacob si Kiko kasi kamukha niya eh. Nakigaya lang yun sa pagtawag ng Bella. Okaya baka dahil meaning ng Bella sa Italian ay maganda." Nag-act siya ng parang nasusuka kaya nagtawanan nalang kami.

Makalipas ang ilang minuto ay napapaisip  parin ako.

Sino nga ba ang Edward para sakin?

Kelan kaya ako mapapansin ng tinuturing kong Edward?

"Vee andito na tayo." Nabalik ako sa huwisyo at natigil sa pagmumuni ng sinabi iyon ni Alvin. Napatingin ako sa labas at nandito na nga kami.

Avogadro's Colleges. Eto nanaman tayo Venus. Gusto mo maging Doctor diba? Tiisin mo yan. 1st year college ka palang.

"Thank you." Ani ko nalang at umalis na siya.

Pumasok ako sa loob. Ayan nanaman tingin nila sakin. Ano pa nga ba?

"Ayan na yung may nanay na baliw."

"Hindi ba yan muntik makick dahil sa pakikipagaway?"

"Ano kaya trabaho ng tatay nun? Bakit ang yaman nila?"

At marami pa kong ibang narinig. Kalma lang Vee. Pabayaan mo sila. Naglakad parin ako ng taas noo at nagpanggap na walang naririnig kahit na sa loob loob ko ay gusto ko na silang bugbugin.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon