Chapter 6: Acceptance

81 32 1
                                    

Janus' POV

"Janus, sumama ka sakin. May mga gustong kumausap sayo." Nabigla ako sa biglang pagtawag sakin ni Sir Vlad pero sumunod parin ako.

Nang makalabas na kami ng meeting room ay tsaka ko siya tinanong.

"Sir? Sino po?"

"Sumunod ka nalang." Kaya wala akong ginawa kung di sumunod nalang.

Pagkarating namin ng sala ay napatingin ako agad kung sino yung mga nakaupo.

Isang babae at isang lalaki na palagay ko ay medyo may edad na. Anong meron?

Lumapit si Sir Vlad sakanila at tumango kaya bigla silang tumayo pareho at bumaling sa direksyon ko.

"Sylvester, anak.." Sabi ng babae at lumapit ito sakin. Sumunod sakanya ang lalaki. Ano daw? Anak?

Dahil nagulat ako, naestatwa ako habang niyayakap nila ako. Pero nang mag-sink in sakin ang lahat ay humakbang ako paatras at tinignan ko sila ng masama.

"Sino kayo?" Sabi ko ng matigas. Agad may nilabas na papel ang babae sa bag niya at inabot iyon sakin.

"DNA test natin yan. We're your biological parents, Sylvester." Sabi ng lalaki.

"Anak.. We're sorry.. Let us explain ng daddy mo anak.. We're going to get you. We're gonna spend time together. Babawi kami anak pangako.." Naluluha siya ng sinasabi niya ang mga salitang yon. Pero bat wala akong maramdaman maliban sa poot at galit?

"Anak, hindi kami naging ready ng ina mo. Masyado pa kaming bata nung mga araw na yun. Di ka pa namin kayang alagaan. Pero pinagsisisihan na namin yon. Please give us a chance to be your parents." Sabi naman ng mukhang foreigner na lalaki sakin.

"I don't need you." Matigas kong sabi. Tumingin ako saglit kay Sir Vlad at nagexcuse me Sir. Narinig ko pong umiyak yung babaeng yon sa dibdib ng asawa niya.

Anak? Yan ba yung turing nila sakin?

Umakyat nako sa taas at nakita ko sila Kiko, Pierre, at Brix na nakatingin sakin. Pero di ko na muna sila pinansin. Dumapa lang ako sa kama ko.

"Napano yun?" Pabulong na tanong ni Pierre kay Brix at palagay ko nagkibit balikat lamang si Brix sakanya.

Relax Janus. Relax. Kakakumbinsi ko sa utak ko na magrelax ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay nagayos agad ako ng maaga para di malate sa university. Maselan na pamo ngayon sa mga late.

Bigla nalang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Oh Kiks. Ikaw lang pala."

"Okay ka lang tol?" Pagtatanong niya. Nakakunot ang noo ko. Di kaya may kinalaman siya rito?

"Tol alam mo ba yung tungkol doon?" Nakayuko lamang siya. "Huy." Dugtong ko. Nagbuntong hininga siya.

"Oo tol. Kaya lagi akong nakakasama kay Sir. Sakin niya pinaasikaso mga tests. Tsaka nakipagkita kami sakanila bago ipakilala sayo. Pasensya na tol." Ani Kiko

Ngumiti nalang ako ng tipid at sinabing "Naiintindihan ko tol."

Ilang araw din ang lumipas ay araw araw nila akong binibisita. Nagdadala din sila ng mga pasalubong para samin.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon