Chapter 13: Ellen

28 3 0
                                    


Janus' POV

"Saan kaba galing kasi Janus?" Yan ang salubong sakin ni Alvin pagkasakay ko sa passenger seat ng sasakyang dala niya.

"Galing ako sa puntod ni Nay Doray." Sabi ko sabay suot ng seatbelt.

"Eh diba may bus naman na dumidiretso na sa terminal malapit satin? Teka. Wag mong sabihing.."

"Oo na, aamin na. Pumuslit ako. Nanakawin ko sana yung phone ng babaeng katabi ko habang tulog siya kaso nagising." Sabi ko.

"Oh tapos? Di mo nakuha tapos sinumbong ka kaya ka bumaba? Tumalon ka ng bintana?" Sunod sunod na tanong niya sakin.

"Nakuha ko yung phone. Di rin siya nagsumbong kasi tinutukan ko siya ng kutsilyo. Pero nakakapagtaka. Ang weird nung babaeng yon. Umiyak ba naman tapos inabot sakin yung cellphone. Hahaha!" Pagkukwento ko habang nagmamaneho siya.

"Hahaha! Baka nastarstruck sayo." Aniya at nakitawa nalang ako.

"Oo nga pala Janus, tumawag samin si Sir Vlad kanina." Sabi niya out of the blue kaya napatingin ako sakanya.

"Anong sabi?" Pagtatanong ko.

"Uuwi daw siya sa katapusan. Susunduin si Ma'am Ellen." Sagot niya. Halos 2 linggo pa yun ah?

"Eh si Vee?" Syempre namiss ko rin yung Amazonang yun.

"Di kasama. Delikado daw e. Hinahanap ka din kanina. Sabi namin umalis ka."

"Ahh." Sagot ko naman at bumaling nalang sa bintanang nakabukas. Pinakiramdaman ko sa mukha ko ang sariwang hangin na nanggagaling sa labas.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay. Himala, walang tao sa labas. Anong meron?

Mukhang nakapansin rin si Alvin kaya nagtinginan kami at nagmadaling pumasok sa loob.

Naabutan namin silang nakakumpol sa sala. Mukhang nanonood sila ng balita.

"Lo Lito, andito na sila Janus." Sabi ni Pierre kay Lo Lito at napatingin sila samin ni Alvin na kadarating lang.

"Oh Janus, Alvin, sakto lang ang dating niyo! Hali kayo't manood ng napakagandang palabas. Hahaha!" Ani Lo Lito na nagpakunot ng mga noo namin dahil hindi namin alam anong mayroon sa balita ngayon.

"Isang businessman na naghahandle ng maraming hardwares ang napagbibintangang drug lord at sindikato. Siya ay nagngangalang Brooke William o mas kilala sa pangalang Mr. Handyguy. Nakuhanan siya ng mga litrato at videos ng isang di kilalang panauhin. Nakatutok, Alyanna Malonzo." Sabi ng newscaster at lumitaw sa tv ang mga pictures at videos na kuha ko.

Akalain mo nga naman, marami pala siyang hardwares. Eh ano pa kayang kailangan niya samin nila Sir Vlad? Bakit pa siya nangugulo? Bui nalang maaasahan yung mga nakuhang tauhan nila Lo Lito.

Bakas sa mukha ng mga NotusMalus ang saya dahil nakaganti narin kami sa wakas kay Brooke. Sa hayop na Brooke na yon.

Nang matapos ang balita ay nagsibalik na kami sa kanya kanyang kwarto at yung iba naman ay tinuloy na ang kanilang araw araw na gawain.

Nang magmadaling araw na..

"Punyet*!" Nabulabog kami sa ingay na animo'y may nabasag at sa sigaw ng isa naming kasama.

Agad naming pinuntahan ang kwarto kung saan namin narinig ang basag.

"Guys! First aid!!" Sigaw ng isang higher level samin dahil yung kasamahan niyang isa sa kwarto, si Kuya Fred, nabubog sa bandang braso dahil sa impact ng pagkakabasag ng bintana sa kwarto nila.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon