Chapter 8: NotusMalus

70 28 2
                                    

Naiwas ko ang baril ko bago ito tuluyan na pumutok. Nagaalanganin akong barilin siya. Hindi ko alam kung bakit. Tumama ito sa isang flower vase na nasa gitna ng mahabang dining table.

Nakaalis na sila Sir Vlad at Venus. Hinatid sila ng dalawang tauhan. Kinasa ko ulit ang baril ko.

This time, sisiguraduhin kong kaya ko na. Handang handa na akong barilin tong hayop na spy na to.

"Alam niyo yung masakit? Tanggap ko nang ang NotusMalus nalang ang meron ako. But you gave me false hopes. You deserve to die." I almost pulled the trigger halfway but..

"Janus!" May awtoridad sakanyang boses.

"Magnanakaw ka lang. Hindi ka mamamatay tao. Ipaubaya mo na sa isang veteranong matanda yan. Huwag mong dungisan ang kamay mo ng maduming dugo." Ani Lo Lito, ang kuya-kuyahan ni Sir Vlad, ang pinaka matanda sa buong Notus Malus. Sa pagkakaalam ko nasa 60s na siya.

Dahil napaisip ako sa sinabi ni Lo Lito ay binalibag ko nalang si Danny sa sahig.

"Sino ang nagpadala sayo rito?" Pagtatanong ni Lo Lito kay Danny.

Hindi ito sumagot. "Janus labas." Naglakad ako palabas ng kusina at narinig ko ang putok ng baril. Panigurado kong tinuluyan na siya ni Lo Lito.

Napapikit ako. Akala ko deserve kong maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang. Pero mukhang ito na talaga ang para sa akin. Siguro nga di ko deserve ang pagmamahal ng kahit sino.

Tumakbo ako sa kwarto namin. Naabutan ko sila Kiko na nagiimpake ng ilang mga mahahalagang gamit. Yung iba naman ay nakaalis na.

"Tol sa rest house daw tayo didiretso lahat ngayon. Nakuha ko na rin mga gamit mo." Pagkasabi nito ni Kiko ay hinablot ko ang backpack kong nakapatong sa kama at tumakbo na kami ni Kiko diretso sa garahe. Sumakay na kami sa motor at pinaharurot nato ni Kiko.

Halos isang oras din ang biyahe. Buti nalang hindi kami nasundan ng mga pulis. Phew!

Pagkarating namin sa rest house ay halos nasa 1/4 samin ay wala. Nagsiuwian muna pala sa kani-kanilang mga bahay.

Lahat sila ay nakatambay lang sa malaking sala roon maliban kay Venus at Sir Vlad. Nakatulala ang ilan, at yung iba naman ay nakakunot ang noo. Meron ring naglalakad ng pabalik balik na parang di mapakali. Parang naghihintay ng himala ang lahat.

"Oh Kiko, Janus, kayo pala yan.." Wika ng isang kasama namin na naglalakad pabalik balik kanina.

Napatingin ang lahat samin.

"Asan si Venus?" -Kiko

"Asan si Sir Vlad?" Ani ko naman. Iba ang aura ng mga mukha nila ng ako na ang magsalita. Parang may simpatya ba.

"Kung ako iniisip niyo, okay lang ako. Sila Sir Vlad ang nasa panganib ngayon. Hindi ako." Ani ko.

"Si Venus nasa kwarto sa taas." Ani Pierre.

"Sige akyatin ko muna." Ani Kiko at tumuloy na siya.

"Si Sir Vlad?" Tinuro niya lang ang direksyon gamit ang ulo niya. Sa banyo?

Pinuntahan ko at nandoon pala siya sa corridor malapit sa banyo. Teka hindi siya nagiisa!

Agad kong tinaas ang baril ko at tinutok sakanya. Isa pa tong hayop. Nanginginig siya habang nakatali sa isang upuan na kahoy. Deserve mo yan, tanga.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon