Chapter 10: Brooke William

59 8 2
                                    

Janus' POV

Maaga akong nagising ngayon dahil kailangan ko ng pumasok. Ako nalang pala magisa rito sa kwarto dahil mas maaga ang mga pasok nila kaysa sakin. Dumiretso nalang ako sa dining room para magalmusal.

Haaay. Nakakapanibago naman. Walang Sir Vlad na nagkakape kasama si Lo Lito. Wala ring Venus na maingay. Napakamot nalang ako sa batok ko at umupo sa tabi ni Lo Lito para magtimpla ng kape.

"Magandang umaga po." Bati ko sakanya. Napatingin siya sakin at ngumiti. "Oh. Kumain kana Janus." Aniya at inabutan niya ko ng platong may laman na mga pandesal.

Nagpasalamat ako sakanya at nagsimula na akong kumain.

Nakita ko rin ang mga iba pa naming kasamahan. Yung iba ay nanonood lang ng tv sa sala, yung iba naninigarilyo sa labas, yung ibang walang mga pasok at di nagaaral ay nasa kani-kanilang kwarto.

"Janus, iniwan ni Kiko yung motor. Ikaw muna raw yung gumamit." Bungad sakin ni Kuya Bert, tauhan ni Sir Vlad na namamahala sa mga sasakyan, motor, at iba pang vehicles ng NotusMalus. Inabot niya sa akin yung susi at tumango nalang ako sakanya.

Pagkarating ko sa university ay ganoon parin pero buong araw akong lutang. Wala namang pagbabago sa university pero pakiramdam ko lahat nagbago simula noong gabing nalaman namin ang mga kagaguhan nila Brooke.

"Hi Fafa Ja! You're so gwapo talaga!" bungad sakin ni Nathan. Dahil katabi ko siya sa klase, umupo ako sa tabi niya pero di tulad ng dati, ngayon di ko siya nginitian o kahit pinansin man lang.

"Ay beastmode?" Pabulong niyang sabi.

Natapos ang buong araw ng pagaaral. Tahimik lang ako. Sulat ng konting notes tapos tapos na.

Dumiretso ako ulit sa waiting area para magsigarilyo. Nang makadalawang stick na ko ay binulsa ko na ang kaha ng sigarilyo ko at dumiretso nako sa paradahan kung saan nakapark ang motor.

"Sht." I cursed under my breath. Wakwak ang dalawang gulong ng motor at may note na nakadikit sa upuan.

"It's payback time. Warning palang to Velodiza. -PANTHERS"

Warning niyo mukha niyo.

Tss. How weak can they be? Sa pamamagitan ng mga material na bagay sila gumaganti. Bakit di sila lumaban ng kamao sa kamao? Retards.

Parang si Brooke lang. Bakit di niya harapin si Sir Vlad? Haist.

Nabalik ang atensyon ko sa motor na nasa harapan ko. Madali lang naman mapalitan ang gulong dahil marami kaming stocks ng gulong sa bahay.

Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano ko iuuwi tong motor. Di ko to pwedeng iwanan dito.

I checked my wallet at may 4,300 pakong cash. Sobra sobra pa to para sa pamasahe.

Napasmirk na lamang ako ng may pumasok na idea sa utak ko.

Pumunta agad ako sa hardware at bumili ng limang lata ng pintura na may iba't ibang kulay. Pagkatapos ay bumalik naman ako sa parkingan sa school.

Tinawagan ko rin si Kiko at kinwento ang pangyayari kaya nagpresenta siya na sabay na kaming umuwi.

"Tol sabay nalang tayo magcommute pauwi. Iwanan mo na muna yung motor diyan. Wala na makakakuha niyan nasa exclusive parking naman ng univ niyo e." Ani Kiko habang kausap ko siya sa telepono.

"Kahit na. Alam mo naman gaano kagago sila Elias diba?" Sagot ko naman.

"Kuya Janus.." Nagulat ako ng marinig ang boses niya. Siya nanaman?

"Kuya! M-may kilala akong pwedeng magbantay. Okaya p-pwede ring ako nalang!" Mabait kasi masyado tong freshman na 'to kaya siguro nabubully.

"Boi okay lang yan diyan. Ikaw? Umuwi kana. Tsaka wag kang masyadong mabait. Pagsasamantalahan lang nila kabaitan mo." Ani ko. Pinat ko lang ang balikat niya at tumango siya sakin. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas.

A Snatcher's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon