4th Memory

114 25 1
                                    

Eduardo's POV

Pagtanggap, yan ang aking nakita habang nakatingin sa lamesa nila Jenny at Ricky.

My only son has been longing for my acceptance since he came out as bisexual but I was firm with my decisions, he was a man and for a man to love a other man is just inhuman.

Siguro marami na ang nagbago, unlike before ang lalaki ay para sa babae lamang pero ngayon mas nagiging acceptable na ang same sex relationship.

Tandang-tanda ko pa ang araw na lumapit ito sa akin at sinabing "Dad nababakla na ata ako"

Doon talaga ako nagalit at napasigaw "Punyeta Ed! Kung nagbibiro ka man, itigil mo na iyan. Hindi maganda biro ng mga ganyang bagay."

"Ang sinasabi ko po ay totoo, hindi ako nagbibiro. Gusto ko itong ipagtapat sa inyo dahil kayo ang aking ama. Ginagalang at nirerespeto ko po kayo" sabi nito na ikinagulat ko talaga

"Umalis ka sa harapan ko Ed. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo" yan lang ang sinabi ko, tumalukod ito at tumakbo palayo sa akin

"Mr. and Mrs. Eduardo Natividad, pwede niyo po ba kaming samahan dito?" Pagtawag sa amin ni Atty.

Doon ko lang napagtanto na may panibagong painting na naman pala.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Cedrick at kinuha niya pa yan bilang Atty." sabi ni Janice na aking asawa

"Mahal, please stop this. Let's respect Ced's decision" sabi ko at umakyat kami sa entablado

"Fine, pero ikaw ang magsasalita sa entablado mamaya" sabi nito at unang pumunta sa stage

Habang papunta ako sa stage ay nag-iisip na kung ano ang aking sasabihin

Pag akyat ko sa entablado ay lumapit ako sa aking asawa na nakikipag-usap kay Atty. at nagtatawanan

"Good evening sir, Nice to finally meet you. Hindi po sinabi sa akin ni Cedrick na pala biro itong si Mrs. Natividad" sabi nito sa akin at inilahad ang kanyang kamay

"My wife has quite a sence of humor kaya nga na inlove ako sa kanya" sabi ko habang nakipagkamay sa kanya

"Simulan na natin" sabi ng aking asawa

"So sabihin niyo lang po ang title" sabi ni Atty. sabay bigay ng papel sa akin

Title: Acceptance

Everything happens for a reason, all we have to do is accept it. Gaya ng pagtanggap ninyo sa relasyon namin ni Eddy. Please forgive my husband for the sins that he have committed, I have accpeted the truth and found my happiness in Edri. Nakikiusap ako na gabayan niyo sila sa panibagong kabanata sa kanikang buhay kung saan ako ay wala na. I love you Mom and Dad.

Hindi mapigilan ang mga luhang pumapatak sa akin mga dahil sa aking nabasa kahit wala na siya sa munding ito ay iniisip niya parin ang makabubuti para sa kanyang mag-ama.

Binigay ko sa aking asawa ang papel upang mabasa nito ang sinulat ni Ceddy para sa amin at pati siya ay napaluha rin

"Acceptance" pagbigkas ni Misis ng titulo sabay lantad sa painting na gawa ni Ced

Amazed. Yan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. I never thought isa pala ito sa mga memories niya. Tandang-tanda ko pa ito dahil I personally invited him for dinner and we were praying while holding our hands, kaya acceptance ang painting na ito dahil this was also the time that I accepted their relationship.

"I can still remeber that day when my wife came home galing sa isang paaralan looking for scholars, lumapit ito sa akin sa akin sabay sabi "mukhang na Inlove na ang ating anak". Noong sinabi iyon ng aking asawa I was so happy dahil nagbibinata na ang aking anak, ngunit taliwas pala ito sa aking inaasahan." Sabi ko while holding my wife's hand

"Bilang ama, hindi ko talaga natanggap noong sinabi na sa akin ni Eddy na Bisexual siya at mas lalo akong nagalit noong dinala niya si Ceddy sa bahay at pinakilalang kasintahan.

Everything changed noong lumapit si Ceddy sa akin at kina-usap niya ako tandang-tanda ko pa upcoming graduations nila iyon, "alam mo Tito, it's almost 4 years simula noong dinala ako dito ni Eddy at hanggang ngayon ay hinihintay namin ang iyon pagtanggap"

"Give me one good reason kung bakit ko tatanggapin ang nakakadiri ninyong sekswalidad at relasyon" sabi ko

"Nirerespeto ko ang inyong pananaw sa aming sekswalidad Tito, ngunit ang tawagin nakakadiri ang relasyon namin ay hinding hindi ko palalampasin. Makinig kang mabuti upang matauhan ka sa kahibangan mo. Alam mo bang sawang sawa na si Eddy sa pag-uugali mo kulang na lang doon na siya matulog sa amin dahil sa iyo ngunit umuuwi parin siya dahil pinipilit ko. Ngayong malapit na kaming matapos sa kolehiyo ay hindi ko na siya mapipigilan sa kanyang mga desisyon. Tanggapin niyo na po kami, wala na po kayong ibang choice panghabambuhay na po itong relasyon namin" galit na sabi nito sa akin, maski ako nagulat sa kanyang mga sinasabi

Para akong sinampal ng katotohanan na ako ang kontrabida sa kanilang relasyon na kahit anak ko ay hindi na masikmura ang aking pag-uugali

"Dad" yan lang ang mahina kong sabi sa kanya

"Ano po iyon Tito?" tanong nito sa akin

"Sabi ko Dad wag mo na ako tawaging Tito, Diba panghabambuhay naman iyang relasyon ninyo" nakangiti kong sabi sa kanya

Nagulat nalang ako na niyakap na niya ako "Thank you Dad" sabi nito

"Wag mo munang sabihin ito kay Eddy, basta bukas sa bahay na kayo kumain ng dinner" sabi ko

Katulad ng sinabi ni Ceddy sa akin panghabambuhay nga ang kanilang relasyon. Napamahal na sa akin si Ceddy, itinuring ko na rin ito bilang isang anak kaya napakalungkot isipin na hindi na natin siya kasama ngayon." pagsalaysay ko at bumaba na kami ni Janice mula sa entablado

"Ed kailangan nating kausapin si Eddy" sabi ng aking asawa sa akin habang pabalik na kami sa aming table

"Mahal kakausapin ko lang si Eddy" sabi ko sa kanya

"Anong ikaw lang, sasama ako" sabi nito

"Okey" yan lang ang sinabi ko at pinuntahan namin si Eddy

Paglapit namin dito ay yumakap ito sa amin "I miss him so much" sabi nito habang umiiyak

"Anak kailangan ka namin makausap ng Mommy mo in private" sabi ko at lumabas kami

"Ano po bang paguusapan natin?" tanong ng aking anak

PAK! isang malakas na sampal ang binigay ng aking asawa sa aming anak "paguusapan Eddy? Hindi kita pinalaki na maging isang manloloko. Paano mo nagawa iyan kay Ceddy lalong lalo na sa inyong anak" sabi ng aking asawa habang umiiyak

"I'm so sorry Mom, Dad. Please sana mapatawad ninyo ako, I know I made a mistake pero pinagsisisihan ko na iyon" sabi nito habang umiiyak na rin

"Ngayon ka pa nagsisi kung saan patay na ang iyong asawa" sigaw ng aking misis

"ENOUGH!" sigaw ko na nagpahinto sa dalawa

"Irespeto naman natin si Ceddy" sabi ko

"I'm sorry" sabi ng aking anak habang umiiyak

"I'm sorry rin anak, Napamahal na sa akin si Ceddy" sabi ng aking asawa at niyakap ang aming anak

"If only I could turn back time to change everything" sabi nito

"Nangyari na ang nangyari anak, we can't turn back time. Ang kailangan mo lang gawin ay alagaan mo ng mabuti si Edri dahil siya ang tanging kayamanan na iniwan sa iyo ni Ceddy" sabi ko

"I think Edri knows the truth, at hindi ko makakaya kung pati ang anak ko ay kinasusuklaman ako" sabi nito

"Acceptance. Let us all accept the things that has happen to us, may it be good or bad. Admit your mistakes and ask for forgiveness" sabi ko at niyakap siya

This is what Ceddy intend to do. We will be Eddy's pillar of support, eventhough my son made a mistake it wasn't hard for him to forgive and love my son.

Yes Ceddy may no longer be with us but he still thinks of his family's welfare. The things that happened and will happen tonight will forever be instilled in my mind and in my heart.

This memory will be the proof that I wasn't wrong for accepting not just their relationship but also their sexuality.

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon