12th Memory

96 24 1
                                    

Sunny's POV

Nandito ako ngayon sa ika-40 days ng isa sa mga taong pinapahalagahan ko. Nagulat nga ako ng narinig ko ang balitang pumanaw na ito.

Nandito lang ako mag-isa sa table hindi ko namang masasabing mag-isa talaga ako dahil may mga kasama ako pero hindi ko kilala ang mga taong nandito. Hindi ko alam kung nahiya or naiilang sila sa akin dahil naka police attire pa ako.

Mabuti na lang at nakita kong lumapit sa akin si Tita Jen "Sunny mabuti naman at nakadalo ka"

"Syempre naman po, pasensya nga po pala hindi ako naka punta noong inilibing si Ceddy may importante kasing gawain sa office" sabi ko

"Ano ka bang bata ka, sigurado akong naiintindihan iyon ni Ceddy" sabi nito sa akin

"Nakakalungkot lang isiping maaga itong binawian ng buhay" sabi ko

"Lahat ay plano ng Panginoon anak kung nasaan man si Ceddy ngayon ay sigurado akong masaya ito. Halika nga dito at ipakilala kita sa asawa at anak niya" sabi nito at pumunta kami sa kanilang table

Matagal na rin pala simula noong huling pinagtagpo ang landas naming dalawa, ngayon pareho na kaming may pamilya.

"Pa! Tignan mo kung sino ang kasama ko" sabi ni Tita Jen kay Tito Rick

"Sunnny? Ikaw na ba iyan?" tanong nito sa akin

"Opo Tito, kamusta na po kayo?" sagot ko at yumakap sa kanya

"Medyo malungkot pa rin sa mga pangyayari, huli kong balita sa iyo ay  natupad mo ang pangarap mong maging pulis" sabi nito sa akin

"Pinatuloy ko ang pagiging pulis dahil pangarap ko po talaga iyon simula ng bata pa kami ni Ceddy" sabi ko

"Siya nga pala, nasaan na ba ang mag-amang iyon" sabi nito sa akin

Doon ko nakita si Tita kasama ang isang matangkad na lalaki at dalawang lalaki sa likod na magkahawak ang kamay, ito ang mag-ama ni Ceddy.

Sino ba naman ang hindi makakilala sa asawa ni Ceddy, isa ito sa pinakakilalang negosyante sa kanilang bansa at syempre unang tingin pa lang ay alam kong anak ni Ceddy iyon dahil kuhang-kuha nito ang mukha ng kanyang ama.

Habang papalapit sila ay narinig ko ang sabi ng lalaking matangkad "Mag-usap tayo pagdating sa bahay young man, I dont want you commiting the same mistake as I did"

"Really Dad? Sa harap mo pa namin ni Nikolo sasabihin iyan? Nikolo is not a mistake. Konting respeto naman sa kanya kahit wala na sa akin" sabat naman ng lalaki

"Okey lang naman sa akin ang relasyon ninyo anak pero hindi mo ba inisip ang damdamin ni Erwin?" tanong nito sa anak

"Talaga Dad ang tanong na iyan nagaling pa talaga sa iyo? Matangong nga kita, naisip mo ba ang damdamin ni Papa?" sabat nito

Nagulat lang kami sa sagutan ng mag-ama kahit si Tita Jen ay tahimik lamang pero ang mas nakakagulat ang mga sumunod na pangyayari na kakagawan ng lalaking na kasama nila

"Sino ba ang mabuti sa ating tatlo? Diba wala? Mabuti pa at tumahimik na lang tayo at irespeto ang ika-40 days ni Tito Ced" sabat ng lalaki at doon mukhang natahimik silang dalawa

"Eh kasi naman Kolo eh" paglalambing ng kapareha nito

"Tumahimik ka diyan Edrick, hindi na ako natutuwa sa mga sagot mo sa Daddy mo ha" masungit na sagot ng lalaki

Yumakap bigla ang matangkad na lalaki sa kanyang anak "Wag kang mag-alala, naniniwala ako sa iyo gaya ng pagtiwala mo sa akin" sabi nito

"Sorry Dad its just that....." naputol na sagot ng anak gunit pinutol ito ng kanyang ama

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon