6th Memory

113 25 2
                                    

Ricky's POV

Masaya ako ngayong nakatingin kina Cookie at Henry, parang anak na rin ang turing namin ni Jenny sa kanilang dalawa kaya natutuwa ako at nagka-ayos na rin si Cookie at kanyang parents, at mas ikinagagalak ko na humingi si Henry ng pahintulot sa magulang ng kanyang asawa na papakasalan niya ito ulit.

Lumapit ako sa kanilang dalawa "Congratulations mga Anak at sa wakas ay natupad na rin ang matagal ninyong pangarap"

"Pops!" sabay nilang sabi at niyakap ako

"Sigurado ako kung nasaan man si Ced mgayon ay masaya ito para sa inyo" sabi ko habang nakayakap sa kanila

Hindi ko namalayan na may panibagong painting na pala.

"Lolo Rick, nakita niyo po ba si Edri?" tanong ng lalaking anak ni Cookie

"Hindi ko nga rin mahanap eh, siguro nandiyan lang yan sa tabi-tabi" sabi ko

"Sige po" sabi nito at umalis na para hanapin si Edri

"Sana mapangiti ni Erwin si Edri, simula ng mawala si Ced ay parati na alng itong malungkot" sabi ko kina Cookie

"Sana nga Pops, Ako ang nahihirapan para kay Edri" sabi ni Henry

"Requesting Mr. and Mrs. Porlas pwede niyo po ba akong samahan dito?" Sabi ng Atty. sa entablado

Sinalubong niya kami ng may ngiti sa labi "Magandang gabi po, ikinagagalak ko po na makilala ang magulang ng nag-iisang Cedrick Porlas" sabi nito sa amin

"Ikinagagalak ka rin naming makilala Atty." sabi ng aking misis

"Ipinabibigay po ni Ced" sabi niya sabay abot ng papel sa akin

Title: Bahay Kubo

Ang hindi lumilingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang papupuntahan.
Ang mga alaala at mga pangarap natin na nabuo sa ating munting kubo ay sariwa sa aking isipan at hindi ko ito matatamasa kung hindi dahil sa inyo.
Mahal na mahal ko po kayo

Napaluha ako sa sinulat ni Ced para sa amin, inabot ko ito sa aking misis na naging dahilan ng pagtulo ng kanyang luha

"Bahay Kubo" sabay naming bigkas at lumantad sa amin ang gawa ni Ced, napayakap sa akin ang aking asawa at napa-iyak sa kanyang nakita

Isang maliit na kubo na nasa ilalim ng malaking puno at may pamilyang masayang kumakain habang nakasilong sa puno. Napaluha rin ako sa aking nakita, sino ba ang mag-aakala na matatandaan pa ni Ced ang mga memoryang ito.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsalita.

"Noong bata pa si Ced ay sadyang masiyahin at positibo talaga ito kahit na nagkapamilya siya ay mayroon parin itong positibong pananaw sa buhay. Simple lang ang buhay namin sa probinsya, pagsasaka ang aming ikinabuhuhay.

Sa munting Kubo namin namulat at nagkaroon ng malay sina Ces at Ced. Sa mismong kubo na iyon ay nabuo ang mga pangarap nila sa kanilang buhay, dito rin namin natuklasan ang hilig ni Ced sa pagdrawing at ang talento ni Ces sa pagkanta.

Simula ng malaman namin ang talento ng aming mga anak ay sinuportahan namin ito ng buong puso, gusto namin na maging maginhawa ang kanilang buhay sa kahit na anong landas ang kanilang tatahakin.

Malaki ang pangarap namin ni Jenny para sa dalawa naming anak kaya pinag-aral namin dito sa lungsod, may konting kaba kaming nadama ng aking asawa dahil mag bago ang kanilang ugali. Aminin man natin o hindi iba talaga ang ugali ng mga kabataan sa lungsod, kumpara sa mga kabataan sa probinsya.

Ngunit hindi kami binigo ni Ces at Ced, nagtagumpay sila sa landas na kanilang pinili at iyan ang nagpasaya sa amin."

Pagkatapos kong magsalita ay binigay ko sa aking asawa ang mikropono

"Mahirap sa isang anak ang mawalan ng magulang ngunit mas masakit para sa magulang ang mawalan ng anak. Ngunit sa pagkakilala ko kay Ced ay kung nasaan man siya ngayon ay alam ko namasaya ito"

Yumakap muli ang aking asawa sa akin habang umiiyak. Malapit talaga ito kay Ceddy kaya ganito lang ang kanyang reaksyon, kahit na noong nalaman namin ang kalagayan nito ay dali-dali itong lumuwas para alagaan lng ang aming anak.

Biglang umilaw ulit ang projector at nasilayan namin ang mukha ni Ceddy

"Kung ano man ako ngayon ay dahil ito sa mga magulang ko na walang sawang sumuporta, umaruga at gumabay sa akin. Nakapaswerte ko dahil kayo ang nagpalaki sa akin at araw-araw akong nagpasalamat sa Diyos dahil kayo ang aking magulang" mga salitang binigkas ng kanyang labi na nagpaluha sa amin ng kanyang Mama

Nagulat rin kami na bigla itong umiyak habang nakangiti "Wag kayong mag-alala kung saan man ako pupunta sigurado akong masaya doon, pangako niyo sa akin na wag muna kayong sumunod sa akin ha" sabi nito na nagpatawa sa aming lahat


Bumaba na kami ng aking aswa sa entablado at bumalik sa aming table.

"Cr muna ako" sabi ko sa aking asawa

Habang papunta ako sa Cr ay narinig ko na ang susunod na painting ay para kay Erwin.

Habang papasok ako sa cr ay biglang may pumigil sa akin "Bulalakaw bakit namatay ang anak ko? Ikaw mismo alam mo na ang lahi natin ay hindi namamatay ng basta-basta lang" sigaw nito sa akin

"Anak?? Nagpapatawa ka ba Muhen?? Wag na wag mong matawag na anak si Cedrick. Itinakwil mo kami ng mga anak mo ng nanatili ka sa kaluwalhatian" sigaw ko sa kanya

"Kaya nga nandito na ako ngayon pero bumuo ng panibagong simula" sabi nito

"Masaya na ako ngayon Muhen kasama si Jenny at maligaya ako dahil tinangap niya ako at ang anak natin" sabi ko dito

"Pagbibigyan kita ngayon, nagpunta ako dito para alamin kung bakit namatay ang aking anak" sabi nito sa akin

Hindi muna ako nagsalita dahil nakaramdam ako na may paparating "Lolo?" tanong nito

"CC? Anong ginagaw mo rito?" tanong ko dito habang papalapit ito sa amin

"Lolo Jing?" tanong ng aking apo sa kausap ko kanina

"Bakit parang gulat ka pa na makita ako apo? Hali ka nga dito ay yakapin ko ang Lolo" sabi nito kay CC at yumakap ito kay Muhen

"CC, bakit pumunta dito? May hinahanap ka ba?" tanong ko

"Nakita niyo po ba si Erwin? Kasi hinahanap siya ni Atty." sabi ng aking apo

"Nasa dulo siya ng lugar na ito apo sa may swing, Iwan mo muna ng ng Lolo Jing mo dahil may pag-uusapan pa kami" sabi ko sa kanya

"Sige po, Lolo Jing wag ka munang umalis ha, Miss na po kasi namin kayo" sabi nito at tumakbo papunta sa direksyon na sinabi ko

"Ngayon Bulalakaw sabihin mo sa akin kung bakit namatay ang akin anak" sabi nito sa akin

"Alzheimer's Disease. Alam ko na hindi tayo madaling mamatay Muhen, ngunit tignan mo ang nangyari kay Ced, wala na siya" sabi ko

"Hindi ako naniniwala at hindi ko matatangap ang mga paliwanag mo" sigaw nito

"Wag mo akong sigawan Muhen, kilala mo naman ako diba? At ayaw na ayaw ko ang sinisigawan ako" mahinahon ko na pagkasabi

"Alam ko na buuhay pa ang anak ko Bulalakaw kaya itigil niyo ang kalokohang ito" sigaw  nito

"Alaka mo ikaw lang nahihirapan Muhen? Ako hindi mo man lang ba naisipan  na nahihirapan rin ako, hindi lang ako kundi kaming lahat!" sabat ko dito na nagpatahimik sa kanya

"Malalaman ko rin ang katotohanan Bulalakaw at pagnangyari iyon, naway patawarin ako ni Bathala sa mga susunod na mangyayari" sabi nito sa alis sa harapan ko

Unting-unting tumulo ang luha mula sa aking mga mata at unting bumabalik ang mga mermorya ng nakaraan na aking kinalimutan.

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon