5th Memory

121 24 3
                                    

Henry's POV

Bumaba si Tito at Tita mula sa entablado pero may naramdaman akong kaba kanina pa simula noong umakyat si Ed sa entablado, hanggang ngayon hindi parin mawala ang kaba sa aking dibdib.

"Hon okey ka lang ba?" Tanong ng aking asawa

"Okey lang ako Hon" pagsisinungaling ko , ito yung pinaka hindi ko gusto yung nagsisinungaling ako sa taong mahal ko

"I love you Hon" sabi nito at yumakap sa akin

Paano pagnalaman niya ang katotohanan? Mamahalin niya parin kaya ako? Tatanggapin niya parin ba ako?

"Mr. Henry Sarmiento, pwede niyo po ba akong samahan dito?" tanong ng lalaki na pinagmulan ng aking kaba kanina pa

Tumayo ako at lumapit sa kanya "Bakit ka nandito Sev? Alam mo bang unti-unting namamatay sa konsensya si Ed tuwing nakikita ka niya" sabi ko

"Nandito ako upang gawin ang aking obligasyon bilang attorney ni Ceddy. Be a professional Henry and respect Cedrick's decisions" sabi nito na nagpatahimik sa akin

Matagal na kaming magkakilala ni Ceddy at hanggang ngayon ay nanatili parin siyang misteryo para sa akin.

"Here, just read the title" sabi nito sabay abot ng papel

Partner

Wala kayong narinig na salita noong nalaman ko na kayo ni Eddy ay nangaliwa, nanatili akong tahimik para walang gulo. Tandaan mo kahit wala na ako dito sa mundong ito, I got eyes and ears everywhere. A deal is still a deal Henry eventhough I'm dead. You keep you part of the deal because I kept mine.

Ito ang rason kung bakit nanatili siyang misteryo sa akin dahil alam niya ang mga nangyayari sa kanyang paligid.

Blanko ang aking isipan ngayon hindi ko alam kung ano ang masasabi ko, kinakabahan ako.

"Partners" yan ang lumabas sa aking bibig sabay lantad sa gawa ni Ced

Wala na akong iba pang masabi, napakagaling talaga ni Ced.

Ang kanyang lawarang nilikha ay ang memorya niya noong kolehiyo kami, iyong mga pahanong naging malapit kami sa isa't isa. Nagkaroon rin kami ng deal na siya ang magiging mata ko kay Cookie at ganoon ako kay Ed.

"Cedrick is really a remarkable person, excuse my langauge pero tang*na nakakabilid"  maraming nagulat sa aking pagmura at napatawa

"We all know Ceddy is a very good person, nagsimula ang friendship namin noong naging sila na ni Ed. Nakaperpekto nilang tignan, bagay na bagay. But I have a confession to make, I made a mistake, I ruined a perfect relationship. Sinira ko ang sumpaan namin ni Ceddy" sabi ko habang umiiyak

Alam ko maraming nagulat at nagtaka sa aking sinabi at hindi na ako magtataka kung pati ang asawa ko ay magagalit sa akin.

Umilaw ulit ang projector at lumitaw ang mukha ni Ceddy "Everything happens for a reason, this is just a test that will define who we are in the future and life still goes on for you Henry, you can still change things and make everything right. Ika nga nila kung may nasira palitan ng bago"

Doon ako napa-iyak ng todo dahil kahit na may kasalanan akong nagawa ay kaya niya akong patawarin.

Ang bago na tinitukoy ni Ceddy ay ang kasunduan namin, alam ko na noon na gusto makipag-ayos ang magulang ni Cookie sa amin it was a year ago at kinausap ko siya na kung pwede pagbigayan niya ang magulang ni Cookie ngunit akala ko papayag siya taliwas pala iyon sa aking inaakala

"Hayaan mo ako sa desisyon ko Herny dahil pinabaayan ko lang kayo ni Eddy sa mga extra activities na pinagagawa niyo. I maybe dying Henry pero sigurado akong hindi ako tanga. Nasaan na ang sumpaan natin na babantayan mo si Eddy para sa akin?"

"Sorry Ced. Alam ko na hindi ko natupad ang mga sumpaan natin, walang kasalanan si Eddy dito dahil ako ang nagpakilala sa kanya kay Sev" sabi ko sa kanya

"Wala kang dapat ihingi ng tawad Henry, alam ko ang lahat simula ng pinakilala mo si Atty. Severino Montalban kay Eddy sa isang restaurant. Severino Motalban pangalawang anak ni Ignacio at Severina Montalban,  alam mo ba ang mga pinagdaanan niya bago siya nakapagtapos sa kanyang kurso? Gusto mong malaman ang mga nakakahiyang sikreto niya? Sabihin mo lang na oo Henry at sabihin ko ang lahat ng nalalaman ko sayo" 

Wala akong masabi dahil doon ko lang nalaman na may nakakatakot palang ugali si Ceddy

"Ito nalang gagawin natin, walang taong makaka-alam sa mga pinagagawa niyo ni Eddy lalong lalo na si Cookie. Paano nalang kung makilala niya si Pao diba?" sabi nito

"Hindi na kami nagkikita niyan matagal na" taranta kong sagot

"Alam ko. I took care of that problem for you already Henry, matagal na" sabi niya na ikinagulat ko

"Anong ginawa mo sa kanya Ced?" seryoso kung tanong sa kanya

"Dont to worry Henry hindi ko siya pinatay, kinausap ko lang siya at inilagay kung saan siya nababagay. You should not care about that person anymore Henry, Think of Cookie at ang kambal, ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na may kabit ka" para akong sinampal ng katotohanan sa mga sinabi nito sa akin

"Im so sorry Ced, Pangako pipigilan ko na si Ed na makipagkita kay Sev" sabi ko habang nakayakap ako sa kanya

"Okey lang Henry, pero sana hayaan mo lang si Ed sa mga desisyon niya. Ito nalang ang gagawin mo, alagaan at paligayahin mo ang pamilya mo dahil hindi mo alam sa isang iglap ay bigla silang mawawala sa iyo" sabi nito

Yan ang panibagong sumpaan namin ni Ced at alam ko ano ang kanyang tinutukoy. Bumaba na ako at pumunta sa aking pamilya, kitang-kita sa mukha ng aking asawa ang pagtataka "Hon ano yung pinagsasabi mo sa entablado?"

Doon ko lang napagtanto na walang alam ang aking asawa sa mga pinagsasabi ko "I love you at iyon ang importante. Tutuparin ko na ang pangako ko kay Ced"

"Hon hindi talaga kita maiintindihan" sabi nito

"Sabi kasi ni Ceddy, aalagan at paliligayahin ko raw ang aking pamilya kaya heto tutuparin ko na ngayon" sabi ko at lumapit sa mga magulang ni Cookie

"Tito, Tita. Siguro huli na ng ginawa ko ito pero pwede ko po bang makuha ang pahintulot na pakakasalan ang inyong anak?" tanong ko

"Nako iho, Nanay at Tatay nalang ang itawag mo sa amin. Ikinagagalak namin na ikaw ang naging asawa ng anak namin" sabi ni Tatay

"Hoy hon, hindi ba nakakahiya gumaganya ka dito. Kakamatay lang ni Ceddy" sabi ng aking asawa

Umilaw na naman ulit ang projector at lumitaw ang mukha ni Ceddy na nakangiti "Piliin nating lumigaya, Piliin nating magmahal. Kahit na siguro ay patay na ako hindi naman siguro masama kung may nag express ng pagmamahalan nila dito sa aking 40 days kaya Partner kaya mo yan"

Lahat at nakatingin na sakin ngayon, dahan-dahan akong lumuhod "Conrad Garcia, ang aking pinakamamahal na Cookie. Sa harap ng mga taong nandito ngayon, sa magulang mo at kay Ceddy, pwede ka bang maging Mrs. Sarmiento ulit?" tanong ko

"Yes!" sabi nito binigyan ako ng yakap at halik

Ito ang tinutukoy ni Ceddy na alagaan at paligayahin ang aking pamilya, si Cookie at ang aming anak kahit na wala dito si Ceddy ay parati niya paring priority ang kaligayahan ng kanyang pamilya.

Kung paano pahalagahan ni Ceddy ang kanyang pamilya ay ganoon rin dapat ako at ito ang mermoryang parating mananatili sa aking alaala.

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon