Last Memory

98 19 3
                                    

Edrick's POV

Habang nilalagay ang panibagong painting ay nilibot ko ang aking paningin sa loob ng napakalaking kwarto kung saan ginanap ang Ika-40 days ni Papa, halos lahat ay malungkot ngunit ang iba ang may ngiting sa kanilang bibig.

Nalungkot ako para kay Dad dahil miss na miss niya raw si Papa ngunit hind ko maiwasang magtampo sa kanya, ngayon lang siya nagsisi sa mga kasalanang nagawa kung saan patay na si Papa.

Si Papa ay isang martyr at si Dad naman isang manloloko. Doon ko napagtanto na niloloko lang nila ang kanilang mga sarili, si Papa na alam ang katotohanan ngunit naniniwala sa kasinungalingan at si Dad na kasinungalingan ang sinabi ngunit naniniwalang pinapaniwalaan ni Papa ang kanyag mga sinasabi. Siguro akala nilang lahat ay perpekto ang aming pamilya ngunit doon sila nagkakamali.

Ngunit sino ba naman ang niloloko ko diba? Nangaliwa rin ako sa syota ko. Natawa na lang ako sa aking mga iniisip ko.

"Anak okey ka lang ba?" tanong ni Dad sa akin, tumigil ako sa pagtawa at doon ko nakita na nakatingin siya akin

"May masayang memorya lang akong naalala" sabi ko

"Don't you worry anak, Daddy is here for you kung nasaan man si Papa mo ngayon I'm sure his happy" sabi nito sa akin

"For our last painting I'd like to ask Mr. Edrick Porlas-Natividad to join me here on the stage" pagtawag sa akin ni Atty. na nagpakulo ng dugo

Tumayo ako at humarap sa aking Daddy "Alam ko na masaya na si Papa ngayon dahil malaya na siya sa mga kasinungalingan mo" sabi ko at tumahimik ito

Nagulat na lang ako nang may tumulong luha sa kanyang mga mata "Alam kong mali ako anak at ramdam ko rin na galit ka sa akin, galit rin kasi ako sa sarili kaya naiintindihan kita" sabi nito sa akin

Hindi ko rin maiwasang mapaluha sa aking nakita ngayon, alam kong masakit ang mga binitawan kong salita sa kanya ngunit hindi ito nagalit sa akin.

Nagulat na lang ako nang may biglang kumurot sa aking tagiliran

"ARAY!!" sigaw ko, si Kolo pala

"Pagpasensyahan mo na itong anak mo Tito, medyo stressed out lang siya at hindi nito alam ang kanyang pinagsasabi" sabi nito sa aking ama

Nilapitan ko at sinabihan "Wag na wag mo akong pinapahiya, alam mo dahil ikaw mismo ay naging kabit rin"

Parang nagulat ito sa aking sinabi, alam kong masakit ang sinabi ko sa kanya nakita ko itong lumuha.

"Thats not what I meant" sabi ko dito at hinawakan ang kanyang pisingi

Masakit isipin na ako pa mismo ang dahilan sa pagtulo nang kanyang mga luha

"Just shut up Edrick, If you dont have anything good or nice to say, don't open your mouth" madiing sabi nito sa akin, alam kong galit ito

"I love you" sabi ko at hinalikan ito sa pisngi

"If you will excuse me, tinatawag na ako ng kabit mo" sabi ko dito sa aking Ama

"Pagpasensyahan mo na Tito. Sarap upakan walang galang, di na nahiya" rinig kong sabi ni Kolo sa aking ama, hinayaan ko na lang si Kolo dahil ayaw kong masaktan ulit ito kahit sa anong paraan mapa-pisikal or salita man.

Habang nalalakad ako papunta sa entablado ay hindi ko rin maiwasang isipin ang mga kasalanang nagawa ko, gusto kong magsimula pero hindi ko alam kung paano.

"Mr. Edrick Porlas-Natividad, sure a pleasure meeting you. Tama nga ang iyong Papa kamukhang-kamukha mo ang Daddy mo" sabi nito sa akin habang papalapit ako sa kanya

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon