11th Memory

93 24 4
                                    

Gretel's POV

Sa palagay ko halat ay nagulat pa rin sa mga pangyayari. Sino ba naman anng hindi magugulat na kapatid pala ni Ced si Paolo.

Kilala na sa industrya si Ginoong Paolo Esctacia dahil sa kanyang mga gawa at likha, kung ikukumpara ko ang gawa ni Ced at ni Paolo ay masasabing pareho anng kanilang style sa pagpinta.

"Ninang mabuti naman at dumalo kayo dito" bati sa akin ni Edri

"Alam mo namang malakas sa akin ang Papa mo at kanina pa kaya ako nandito hindi mo lang ako pinansin" sabi ko

"Sorry po medyo lutang po ako eh" sabi nito

"Naku ikaw talaga. Pahinga ka na muna doon, sa susunod mo na lang ipakilala sa akin iyang syota mo" sabi ko sabay gulo sa buhok nito

"Sige Ninang" sabi nito at umalis na

Nilibot ko ang tingin ko at doon ko nakita ang isa sa mga estudyanteng pinakamalapit kay Ced, Si Anthony Encarnation.

Nilapitan ko ito "Mabuti at nandito ka Ton" sabi ko dito

"Magandang Gabi Ma'am noong nakuha ko ang imbetasyon ay hindi ako nag-isip at pumunta kaagad dito" sabi nito

"Kamusta ka naman?" tanong ko dito, marami akong balitang narinig tungkol sa kanya nitong nakaraan at noong nalaman ko ay nalungkot talaga ako

Yumuko lang ito at doon ko nakitang may luha sa kanyang mga mata "Ang hirap pala, everyday is a struggle. I keep telling myself not to give pero habang tumatagal ay parang humihina ang loob ko" sabi nito

Wala akong masabi kundi niyakap ko lang ito "Alam mong hindi nakakabuti ang ganyang mind set. Lagi mo lang tandaan na kahit anong mangyari nandito lang kami para supportahan ka" yan ang nasabi ko sa kanya

"Thank you Ma'am" sabi nito

"Tahan na, ang tanda-tanda mo umiiyak ka parin" sabi ko doon napatawa kaming dalawa

"Ikaw lang ba ang nandito?" tanong ko sa kanya

"Sa pagka-alam ko dapat nandito rin yung iba kong kaklase ngunit hindi ko nga alam kung bakit wala pa ang mga ito" sagot nito sa akin

"Hayaan mo na sila ang importante ay nandito ka. Kakamustahin ko muna ang ibang bisita ni Ced dito at maraming salamat sa pagdalo kahit na may pinagdadaanan ka ngayon" sabi ko

"Alam mo namang mahalaga kayo sa akin ni Sir Ced pati na ang paaralan" sabi nito

"Lahat ng naging estudyante ng paaralan ay may mahalaga para sa amin ni Ced kaya kahit graduate na kayo ay binabantay parin kayo namin, gaynan namin kayo ni Ced kamahal" sabi ko at yumakap na ako sa kanya at umalis na

Doon ako pumwesto malapit sa pintuan dahil kahit nagsimula ay may ibang bisita na ngayon lang dumating.

Dito ko napanasin ang dali-daling takbo ng isang lalaki, magulo ang kanyang damit at may mga lipstick sa leeg. Sinundan ko lang ito at nakita kong lumapit ito kay Anthony at nagyakapan ang dalawa, lumapit ako dito at doon ko namukhaan kung sino.

"Late as always Mr. Javier" sabi ko

"Ma'am naman graduate na po ako" sabi nito at napakalmot sa kanyang ulo

"Sus! Wag ako Joren! Parati ka namang ganyan kahit noong estudyante ka pa" sabi ko sa kanya habang tumatawa

"Traffic?" tanong ni Anthony sa kanya

"Medyo, kilala niyo naman ako" sabi nito

"Better fix yourself sa rest room Mr. Javier, mukhang na traffic ka nga" sabi ko at doon napatawa na rin si Anthony

Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon