I'll try, again.

23 1 0
                                        

I am looking at her right now. Hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin na may pakeelam siya. Kailan ba ang huling beses na may nag-alala sa akin? Kailan nga ba ang huling beses na may nagsabi sa aking... 'I care?' Hindi ko na matandaan.


Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Paano niya nalaman na pupunta ako ulit rito? Paano niya nagawang pumunta rito ng ganito kaaga? Paano? Sinusundan ba niya ako? Naguguluhan na ako. I am lost for words.


Medyo lumiliwanag na at kanina pa ako nagugutom. Dapat hindi ko na nararamdaman ang gutom na 'to. Takot na takot na akong magutom. Dahil alam ko naman na walang magbibigay sa akin ng pagkain. Magnanakaw na naman ako ng makakain. Hindi pa ako nag-aalmusal. Sabagay, aanhin ko pa 'yon? Kung magpapakamatay na naman ako?


Dapat wala na akong nararamdamang sakit at gutom. Pero dahil sa pakeelamerang babaeng ito, ramdam na ramdam ko na naman ang gutom ko. Kaasar!


Tumayo na 'yong pakeelamera at nagpagpag ng kanyang damit. Ngayon ko lang napagmasdan ang suot niya. Naka-jeans siya na white at ang dumi na nito. Bakit ba siya nagsuot ng gano'ng pantalon? At nakasuot siya ng black t-shirt na ang nakalagay... "GOD IS GOOD, ALL THE TIME."


Nairita ako sa nabasa ko. I mean, seriously? Hindi totoo ang nakalagay sa t-shirt niya. Because if he is good, hindi ganito ang buhay ko ngayon. If he is good, hindi ko naranasang maghirap. If he is good, hindi sana namatay ang buong pamilya ko.


Tumayo na rin ako at ready na akong bulyawan siya. Pero napatigil ako, dahil sa mga titig na ibinigay niya sa akin. Hindi ko masabi kung galit ba siya o ano. My heart is beating so fast. Like what the fvck? Bakit kung makatingin siya sa akin, parang pati kaluluwa ko nakikita niya? What's with those eyes of her? I can't speak right now, even if I wanted to.


Napaatras ako ng naglakad siya papalapit sa akin. Napalunok ako. What is she doing? Mabaho ako at ilang araw na akong hindi naliligo. Baka maamoy niya ako at mandiri siya sa akin.


Parang hindi naman na ako sanay na pinandidirihan ng mga tao.


"Nabasa mo na ba 'yong ibinigay ko sa 'yo?"


Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Baliw ba siya? Pangalawang beses pa lang naming nagkikita. Anong ibinigay niya sa akin? Kahit magpapakamatay na ako, nasa tamang pag-iisip pa rin ako. Siya ata ang baliw sa aming dalawa e!


"Are you crazy? This is the second time-" Napatigil ako sa pagsasalita, dahil itinaas niya ang kanang kamay niya.


"Hindi mo man lang inalam ang ibig sabihin no'n?"


"Huh?"


Umiling siya ng dalawang beses. May dinukot siya sa back pocket ng white jeans niya na ngayon ay madumi na. At may iniaabot siya sa akin.


Hindi ko tinanggap ang ibinibigay niyang papel. Ano naman ang gagawin ko do'n? Pagkain ang kailangan ko ngayon at hindi isang nakatuping papel. Ibang klase ang babaeng ito! Pinakeelaman niya ba ako, para lang inisin?

What Love really means...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon