The meaning of it...

19 1 0
                                    


When you meet someone for the very first time, what will you say?


How will you approach him or her?


Do you believe in first impressions last?


Me? I told myself that I'll believe this principle as long as I'm alive.


But because of her, I will break my number principle in life. Or rather it is going to be different from now on.


To the point that I might change it. Or I have to look for another principle.


Hindi ko naman birthday ngayon. Pero kanina pa ako sinusurpresa ng babaeng pakielamera. 


Kahit alam ko na ang pangalan niya, I labeled her as Ms. P. Hindi ko siya tatawagin sa pangalan niyang Jam. 


Para siyang strawberry jam sa Baguio. Hindi ko gusto.


Ang dami pa lang laman na pagkain no'ng basket na dala dala namin. 


May prutas, sandwich, biscuits, pancakes, cookies, milk, hot choco, coffee, loaf bread, at marami pang iba. Napamura na lang ako sa isip ko.


Ano bang trip ng babaeng 'to? Bakit siya nagdala ng pagkain? Bakit sa dami ng pulubing maaari niyang tulungan, bakit ako pa?


Ayoko sanang tanggapin ang mga inalok niyang pagkain sa akin. Kaya lang, gutom na gutom na ako. Nilunok ko ang natitirang pride ko at tahimik kong tinanggap ang mga ibinigay niya.


Habang kumakain kami ng agahan, nakatingin lang si Ms. P sa malayo. Ilang minuto na kaming tahimik. At hindi ko rin naman ugali ang magsimula ng conversation. Lalo na sa isang taong ngayon ko lang nakilala.


Pero hindi ko maiwasang mapaisip... Ano kaya ang laman ng utak niya ngayon?


Nagbago na kaya ang pananaw niya sa akin?


Hindi kaya na-realize niya na masama akong tao?


O kaya naman nandidiri na siya sa akin, kaya tumahimik na siya at ayaw na niya akong kausapin?


I cussed inside my head. Why am I bothered like this? 


I should have left her earlier when I had a chance. 


But why am I feeling this way? It's like I'm being drawn to her. And there's some kind of force of pulling me in towards her.


Shit! Why am I quoting gay? I am getting goosebumps right now. This is not me at all!


Tutal naman at nabusog na ako ng husto, mabuti na 'yong umalis na ako. Mabilis akong tumayo at tumalikod. Wala akong pakeelam, kung rude ang dating ng ginawa ko. Kailangan ko nang umalis dito. Dahil hindi na maganda itong nangyayari. Nararamdaman ko na naman ang isang bagay na matagal ko nang pinatay sa loob ko.

What Love really means...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon