Tanghali na at nasa loob ako ngayon ng hummer. Ito 'yong sasakyan na nakita ko kanina, bago kami kumain ng umagahan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Malinis at nakapaligo na ako. Basta ang alam ko, pumayag na lang ako sa lahat ng gusto ni Jam.
Bagong bago ang damit na suot suot ko ngayon. At ang ikinagugulat ko, tamang tama sa katawan ko ang bagong black t-shirt na suot ko. Pati jeans at sapatos na Pierre hardy sneakers na color black, sukat na sukat sa akin. How did they know my exact size? Kilala ba nila ako? Hanggang kailan ako magtatanong ng ganito? Hindi pa nga nasasagot ang ibang katanungan ko, mas lalo pang nadagdagan.
Hindi ko rin akalain na papayag akong ipa-laundry namin, ang lumang coat ni dad. Ngayon malinis na ito ulit, even though it's all worn out.
And I must say, ang weird nila Jam at 'yong driver na kasama niya. Si George. I mean come on! Why are they doing this to me? At kanina pa ako naku-cuirous.
Sino ba sila? Saan sila nanggaling? At kanina pa ako naiinis sa sarili ko? Bakit?
Dahil nagawa akong pasunurin ng isang bipolar na babae. At masasabi kong siya ang abnormal sa aming dalawa.
If that old man and Jam didn't do something extraordinary earlier, I am not going with them. And I am not going to say yes to all of that girl demands.
1 hour ago...
No'ng iwan ako ni Jam, ang daming tumatakbo sa isip ko. Iiwan na ba niya ako? Nagalit kaya siya dahil sa ugali ko? And for the second time, nag-alala ako sa magiging tingin sa akin ng isang tao. I was so anxious and didn't even know what to do.
I didn't even know how many minutes past. Basta ang alam ko, hinihintay ko si Jam. Alam lahat ng taong nakakakilala sa akin, na ayokong pinaghihintay ako. Agad akong nagagalit kapag may isang tao na inaaksaya ang oras ko. Pero bakit ngayon ginagawa ko ang bagay na 'to?
Dahil sa unang pagkakataon, may isang taong natutong tumingin sa mga mata ko. Na hindi man lang nandiri sa akin at nilayuan ako. Isang babae na hindi ko naman kilala, pero nagawa akong tulungan. Isang tao na niligtas ako sa tangka kong pagpapakamatay.
I don't want to admit it. But I must say that I wanted to know more about her. So, I'll wait.
Kinuha ko sa bulsa ang lumang watch ni dad. At nang makita ko ito, agad na nanlaki ang mga mata ko. Dahil hindi na ito umaandar. Kanina naman gumagana pa ito. Anong nangyari? Hindi ko naman nabagsak 'yon.
Napatayo ako sa inuupuan kong mat at naglakad ako palayo. Anong gagawin ko? Wala akong pera pampagawa nito. At isa pa, hindi ko alam kung saan ko ito ipagagawa. And another thing, I don't have any money with me. Alam ko, mahal ang pagpapagawa nito. Dahil pinasadya pa ito ni dad. Saan ko naman hahanapin ang shop ng pinagpagawaan ni dad nito?
I was so caught up in thinking that I didn't even realize that someone is walking towards me.
"Excuse me," Nag-angat ako ng tingin at bahagya akong umatras. Dahil agad akong nahiya sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Siya 'yong lalaking kinausap kanina ni Jam. Kanina pa kasi ako nakatungo. At nag-iisip kung paano ko mapapaganang muli ang old watch ni dad.
BINABASA MO ANG
What Love really means...
SpiritualMy life is a mess. I wanted to die. I wanted to end my life. But then she came. And because of her, I've found Him. And I didn't know that I'll say this again... I'm so glad that I'm alive.
