Speechless

37 2 0
                                    



I am so pissed the next day. That annoying girl! I can't get her out of my head.


Sino ba siya sa akala niya? Siya rin ba 'yong babae sa factory? Bakit niya ako iniligtas? Bakit nando'n siya sa lugar, kung saan ako magpapakamatay?


Hindi ko alam, kung bakit ako naiinis ng ganito. I mean, kung normal pa ang takbo ng buhay ko, dapat magpasalamat ako sa kanya. Dahil niligtas niya ako sa tangka kong pagkakamatay.


Pero hindi na normal ang takbo ng buhay ko, kaya hindi ako magpapasalamat sa kanya. Kahit kailan! Kapag nagkita kami, mumurahin ko pa siya! Tang-ina kasi! Pakeelamerang babae na 'yon! Panira siya ng araw!


Dapat talaga matagal na akong patay. Pero palagi akong may naririnig na boses ng babae na pinipigilan ako sa gagawin ko. Matagal din natigil iyon. Sa pagkakatanda ko, halos anim na buwan ko ding hindi narinig ang boses ng babae na 'yon. At bilib ako sa sarili ko, dahil anim na buwan din akong hindi gumawa ng hakbang para magpakamatay.


And I can't help but to wander that maybe, that girl who saved me, was the same girl who yelled at me, when I was about to fall on the river.


6 months ago, handa na akong tumalon no'n nang may marinig akong sigaw ng isang babae.


"Don't do it! Someone cares about you!"


Mabilis akong napaatras at napatingin sa aking likuran. Wala namang tao at dahil napurnada na ang gagawin ko, mas pinili ko na lang umalis doon. After that incident, I decided to continue what I was about to do. Dalawang linggo rin akong naghanda. Nagtataka ako, kung sino ang babaeng 'yon. Bakit niya ako pinipigilan? Nagtataka man ako, hindi ko na lang ito pinansin. Baka isa lang siyang baliw na walang magawa sa buhay niya. At sino ba siya para pigilan ako?


I dismiss all the thoughts that are bothering me. At pumunta na ako sa isang estasyon ng tren. Balak kong itali ang sarili ko sa gitna mismo ng railway. Naririnig ko na sa hindi kalayuan na paparating na ang tren. Kaya pumwesto na ako sa gitna mismo, kung saan daraan ito. At hawak hawak ko na ang tali sa aking mga kamay. Huminga ako ng malalim at pumikit.


This is the end of it. Makakasama ko na rin ang pamilya ko.


Naririnig ko na ang ingay ng paparating na tren. Pero may isang nangibabaw na boses.


"Don't do it! Jesus cares!"


Sa gulat ko, naitapon ko ang taling hawak ko. At mabilis akong umalis sa daraanan ng tren. Sakto pag-alis ako, mabilis na dumaan ang tren at napaupo ako sa semento. Ang ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa paligid at hinanap ang boses na sumigaw kanina. Pero wala akong nakita.


"I think I'm about to go crazy. Because I'm hearing that strange voice, again." Nasabi ko na lang sa aking sarili.


For the first time while living on the street, I felt relieved. Because of that strange voice who stopped me. Pagkatapos ng nangyari sa akin, hindi na muna ako ulit sumubok na magpakamatay. 'Yong naririnig kong boses ng babae, parang tinatawag ako. Hindi man niya binabanggit ang pangalan ko, pero iyon ang pakiramdam ko. It's like she was reaching out and wants to talk to me.

What Love really means...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon