Chapter 9 - Candy

702 15 0
                                        

Kath POV

Papunta palang ako ng office, nag aapura akong maglakad. Nagcelebrate kasi kami ni Julia kaya nalate ako. Nag text na si Neil.

From: Neil

Hey kath!wer r u? my miting tau.

 

Reply:

sorry, ppunta n ko.

 

Ang layo, buti na lang malapit na ko. 3rd floor ang office, ang katabi office ng principal. Yong building na to for faculty kaya malayo sa mga rooms ng school.

Kath: Sorry guys, I'm late.

Aria: Ok lang di naman compulsary e, gusto lang naman ng club sabay sabay nagsusulat yon mga writer para bonding na rin.

Kiray: Oo nga girl! candy? (alok sa akin ni Kiray)

Naupo na ako sa gawi ni Daniel. Ang daming candy sa table, binuksan ko na ang laptop ko. Then I noticed Daniel, nakaharap siya sa laptop nya busy sa pagsusulat, samantalang si Neil ay nagdradrawing. Ang tatlo naman abalang-abala sa kwentuhan.

Kiray: Girl, paabot naman ng candy yon color pink. Kumuha ka na rin ng sayo, wag kang mahiya.

Kath: Bat ang daming candy? Nauubos nyo lahat ng yan?

Kiray: Actually hindi. Nagagaya lang kami kay Daniel. Sya ang mahilig sa candy habang nagsusulat.

Kumuha rin ako ng candy. Si Daniel naman ay kumuha rin ng candy, mahahalata  nga mahilig sya don. Naipon na halos lahat ng balat sa gilid ng laptop nya. Lollipop naman ang nginata nya. ang cute niya, serious na serious ang mukha pero may lollipop. Nakakatawa. Bigla siyang lumingon sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Daniel POV

Nakita ko si Kath na nakatingin sakin, bigla naman syang umiwas. Di ko na lang sya pinasin dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya. Aanhin ko naman ang mga cheerleaders at pinag-isipan pa na may gusto ako sa kanila. Nakakabwisit lang isipin.

Kiray: Guys, una na ako umuwi, hindi pa naman ako nagsusulat ng article. Wala pang activities na nangyayari dito sa school, next week pa.

Heart of a writerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon