Kath POV
Friday. On my way sa office, para magpass ng article ko kay Ms. Soleman. Naalala ko yung nangyari kahapon, nararamdam ko pa rin yung sakit. Wala akong balak pumunta sa office kung hindi lang kailangan magpass ng article kay Ms. Soleman. Wala pa si Miss kaya naupo muna ako sa table. Napatingin ako sa table, nandoon pa rin ung ink ng ballpen ko. Tumulo ang luha ko. Dahil sa ink nato naging close kami, nagsimula sa ink na galing sa ballpen ko. Hinawakan ko yung ink, napaiyak na ko. Bakit kailangan nyang magsinungaling, sa anong dahilan? Dati si Papa ang nagsinungaling, ngayon si DJ. Bakit ganun ang mga lalaki? Lagi na lang pinapaiyak ang mga babae.
Daniel POV
Hindi ako nagpraktis, wala ako sa mood at may bandage ang kaliwang kamay ko. Papunta ako ng office, magbabaka-sakaling makita si Kath. Pagbukas ko ng pinto, walang tao at malungkot ang hangin. Naalala ko yung mga araw na nagsusulat kami dito, masaya kami. Naalala ko yung mga harutan at asaran namin ni Kath. Naririnig ko pa rin ang mga halakhak niya. Naupo ako sa madalas nyang inuupuan. Naalala ko yong unang beses kami nagkasama sa kwarto na iyon. Nandoon pa ang bakas ng una naming harutan, ung tinta ng ballpen nya. Hinawakan ko yung bakas, tuyo na at malamang na hindi na matanggal. Bakit ba ako nagsinungaling? Bakit ko sinaktan si Kath? Bakit kailangan pa kailangan mangyari ang lahat ng 'to.
(First time in his adult life, Daniel John Ford Padilla, editor-in-chief, basketball player, MVP star, heart-throb, snobbish, wept.)
Kath POV
Nagkapagpasa na ako ng article kay Miss Soleman. Actually, the article was about her. Paglabas ko, nakita ko si DJ na nakaupo sa madalas kong upuan. Narinig nya atang bumukas ang pinto kaya bigla syang tumayo. Nakatalikod, at pagharap nya nagulat pa sya.
Daniel: Kath! (Malungkot ang boses.)
Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad at dali-daling lumabas ng pinto. Hindi ko sya pinansin. Pero hinabol pala nya ako.
Daniel: Kath. Please, talk to me.
Kath: I don't want to talk to you.
Daniel: Kath, please.
Hinawakan nya ang kamay ko. Pilit kong inalis ang kamay ko. Ayoko na, tutulo na naman ang luha ko. Kaya ko 'tong pigilan.
Kath: Leave me alone!
Tumalikod ako at tuluy-tuloy naglakad. My tears fell down, di ko na napigilan. The pain is still there and I don't know when it will end. Ayoko na.

BINABASA MO ANG
Heart of a writer
Fiksi PenggemarHow could you show your love to he person that so special to you? If that someone hates you? Ano ang kaya mong gawin para sa kanya? Mainlove sa istorya ng pag-ibig ng isang writer.