Two months later.
Kath POV
Thursday. Pinauna ko na si DJ sa Printing Office, kinausap ko pa yung teacher namin about sa project kaya pinauna ko na sya. Laging magkakasama ang barkada, close na kaming lahat, lalo na kay DJ. Aaminin ko masaya ako kapag kasama ko sya, lagi kaming magkasama. Tuwing may lumalapit sa kanya na ibang girls, nababadtrip ako. Ewan ba kung bakit. Papunta na ako ng office nandoon na sya panigurado. Nakita ko sila papasok na sila ng pinto madaming dalang candy. Haha
Neil: Pare, kelan mo balak sabihin kay Kath ung totoo.
Huh? Ano sasabihin sa akin ni DJ.
DJ: Hindi ko alam Pare. Parang ang hirap, baka magalit sya sakin di ko kakayanin na magalit sya.
Neil: Dapat sabihin mo na ang totoo, lahat tayo nahihirapan. Kaibigan naman na natin sya. Baka hindi na sya magalit.
DJ: Ewan Pare. Parang ayoko pang sabihin. Natatakot ako.
Neil: Alam ko na gusto mo sya Pre, pero dapat sabihin mo na ikaw ang editor-in-chief, na ikaw si Batman.
What?? Parang natulos ako sa kinatatayuan ko, nanlamig ang pakiramdam ko. Nagsinungaling sa akin si Dj, niloko nila ako. Bigla na lang tumulo ang luha ko, di ko na napigilan. Yung taong naging malapit sa akin, yung taong lagi kong kasama may tinatago pa lang sikreto sa akin. Yung kaibigan ko at yung taong minamahal ko, niloko ako. Ayaw tumigil ng luha ko. Ano ba yan, nakakabwisit.
Daniel POV
Daniel: Kaaa...tthh?
Nakita ko si Kath, nasa labas ng pinto, umiiyak. Narinig ba nya, My God! Ano ba tong ginawa ko. Tumingin sya sa akin, masama yung tingin nya may galit. Tapos bigla na lang tumakbo paalis, hinabol ko sya.
Daniel: Kath! wait! let me explain.
Kath: Explain what Dj!? Narinig ko na ang lahat!
Daniel: Kath?? (hinawakan ko ang kamay nya para tumigil syang maglakad)
Kath: (pumiski kamay nya kaya binitawan ko na sya) Ano pa kailangan mong sabihin? (still shed tears) Ano pa kailangan kong malaman DJ? Na lahat kayo niloko nyo ko ako, na tuwing nagtatanong ako kay Neil pinagtatawanan niyo ako. Nagmuka akong tanga. Ginawa mo akong tanga!
Nakita ko ang galit sa mata nya, punong puno ng luha ang kanyang mukha. Ayoko nakikita syang nasasaktan, nasasaktan sya ng dahil sa akin. Ang sama ko!
Daniel: I'm Sorry.
Kath: Sorry? Ano pa magagawa ng sorry mo? Wala na. Sana sinabi mo ng mas maaga Dj, para hindi ganito kasakit! (walk out)
Naiwan akong nakatayo, galit ako sa sarili ko. Nasaktan ko si kath dahil sa kalikohan ko. Nasaktan ko ang taong mahal ko.
Neil POV
Narinig ni Kath usapan namin ni DJ? Hinabol sya ni DJ ng tumakbo paalis si Kath. Bakit ba kasi naisipan ko pang payuhan si Dj ayan pareho lang sila nasaktan. Naging malapit na sila sa isa't isa. Sa sobrang close ang akala ng iba girlfriend ni Dj si Kath. Di na kami nag-aabalang ipaliwanag sa iba na magkaibigan lang sila. Lagi naman kasi silang magkasama at sweet. Pero ngayon, ano na ang mangyayari. Lumabas ako, nakita ko si Kath papaalis na, naiwan si DJ na nakatayo. Nagulat ako ng bigla na lang suntukin ni DJ yung pader, kalakas ng pagkakasuntok nya. tumakbo ako palapit sa kanya para awatin.
Neil: DJ, tama na. Masasaktan ka lang.
DJ: Wala ang sakit nato sa nararamdaman na sakit ni Kath!
Di na ako sumagot, nakita ko may sugat sya sa kamay may konting dugo. Umupo sya sa sahig nakasandal sa pader, nakapikit. Nasaktan din si Dj. Mahal na mahal nya si Kath.
BINABASA MO ANG
Heart of a writer
FanfictionHow could you show your love to he person that so special to you? If that someone hates you? Ano ang kaya mong gawin para sa kanya? Mainlove sa istorya ng pag-ibig ng isang writer.