Chapter 15- The Revelation

665 11 0
                                        

Kath POV

Tuesday. Nakaupo ako sa classroom, nagdidiscuss yun teacher namin pero di ako nakikinig. Katabi ko si Dj nakatingin sa teacher namin, hindi pa rin nya ako masyadong pinapansin, dati rati nag aasaran kami kahit may teacher kami. Parang may iba sa kanya, weird.

Daniel POV

Lunch Break na. Buti nalang natapos ng magdiscuss teacher namin, Di ako nakikinig, hindi ako makapagconcentrate eh. Badtrip pa rin ako. Papunta ako ng canteen kasama si Neil, dati si Kath pero di ko pa rin  sya masyadong kinakausap.

Neil: Hi Kath! Hi, Julia (nandoon pala sila sa canteen, kasama si Julia at yung guy.)

Kath: Hello. (smile)

Neil: Pakilala nyo naman kami sa guy na kasama nyo, Boyfriend mo Kath?

Kath: Haha, Hindi no, Si Diego, cousin ko.

Talaga! Cousin lang sya ni Kath, kala ko boyfriend nya. Natuwa ako, ang luwag sa pakiramdam. Yes, may pag-asa pa ako.

Kath POV

Nakita ko si Dj bigla na lang napangiti, naiba yong mood. Pinakilala ko sa kanila si Diego, sya ang pinsan ko galing sa States, nung Saturday lang sila nakauwe pero nakapag -enrol na sya. Madami sila inasikaso kaya medyo nalate na sya sa school. 3rd year student sya pero di naming classmate, mas matanda sya sa akin kaya kuya tawag ko sa kanya.

Neil: Whoa, Pare bakit ngiting ngiti ka dyan. (to Daniel)

Daniel: Wala natawa lang ako dun (may tinuro pa)

Kath: Bakit?

Daniel: Wala wala, tara na nga, Sige guys una na kami.

Weird nung dalawa, bigla na lang umalis. nagpunta ng canteen pero wala namang binili. Haha. Yamu na nga sila.

Heart of a writerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon