Shin Bi's POV
9:24 PM. Sa rooftop ng isang abandonadong building.
"Oh.. Tapos na ang deal natin? Makakalayas na kayo.. Bata, samahan mo sila palabas..", sabi ng Chief.
Nakatingin si Cyrene sa akin at umiling. "Oo sige.. Hindi ako aalis..", sabi ko.
❤❤❤
Dianne's POV
"Alam kong alam mo kung bakit kita kinuha, di ba?"
"Tss! 'Yun ba? Oo Tito.. Ang passbook niyo na may lamang 300 million pesos.."
"Hahaha! Parehong-pareho ka talaga ng Nanay mo.. Buti na lang sa kanya ka nagmana.. Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yung alok ko sa'yo noon?"
"Alin? Ang maging aso kagaya ng mga bataan mo ngayon?" Hinawakan niya ng mahigpit ang aking mukha at halos masakal rin ako sa sakit.
"Bitawan mo ako! Hindi niyo ako pwedeng saktan ng ganito.."
"SINONG MAY SABING HINDI?! ANG GUSTO KO, GUSTO KO.. GINAGAWA KO! AT KAPAG AYAW KO, PINAPATAY KO!", binaril pa niya ang isa sa mga tauhan niya.
"Kayong tatlong kumag, ligpitin niyo 'yang kalat na yan.. Ayoko ng may pakalat-kalat dito..", utos niya.
Agad naman nilang binuhat ang patay na lalaki pababa ng hagdan. Sa mga sandaling ito, kami na lang apat nina Director Park, Cyrene at ang demonyo kong tiyuhin ang natira sa rooftop.
"Siya nga pala.. Nagkikita pa ba kayo ng nakakulong mong ama? Sigurado akong gustung-gusto ka na niyang makita noon pa.."
"Anong pakialam ko sa adik na 'yun? Pareho lang kayo.. Mga halang ang bituka.. Mga napakawalang kwenta.. Tss!"
"Eh naitanong mo ba sa kanya kung bakit siya nakulong? Yan! Masyado ka kasing judgmental.. Ako lang naman ang dahilan ng pagkakakulong ni Kuya.. Ang Tatay mo.. Kung hindi niya sana ako pinagbantaan na sisirain niya ang mga ilegal na negosyo ko noon.. At kung hindi ka nagsumbong sa mga pulis kung nasaan ang mga kubol ko noon, maganda na sana ang buhay mo ngayon..", kwento pa niya.
"HAYOP KA!", galit kong sabi sabay bunot ng baril na nasa kanyang tagiliran.
"MASAHOL KA PA SA DEMONYONG, ANIMAL KA!"
"YANG!" "DIANNE!", nakinig kong sigaw ng kaibigan kong si Cyrene at ni Director Park.
Napabitaw naman si Tito Jun sa pagkakasakal sa akin. "Diyan lang kayo.. Matatapos na ang lahat dito..", sabi ko sa kanila.
❤❤❤
Steve's POV
"Sir.. Mabuti po't napatawag na kayo..", sabi ng pulis.
"Nagbigay na po ng 'go' signal si Director Park.. Itetext ko po sa inyo ang address kung saan sila naroon.. At please lang po i-assure niyo po na walang masasaktan.. Please po..", pakiusap ko pa sa kanya.
"Gagawin po namin ang lahat Sir.. Itataas na po namin kaagad sa Task Force Alpha ang pagrerescue sa kanila..", sagot pa niya.
"Thank you po Officer.."
❤❤❤
Dianne's POV
"Whew! Salamat nga pala sa pagtuturo niyo sa aking humawak ng baril, Tito.. Hindi ko alam na magagamit ko 'to sa sandaling ito..", habang nakatutok ang baril sa kanyang harapan.
"Hindi mo pwedeng gawin 'yan.. Baka pwede nating pag-usapan natin 'to.. Bibigyan kita ng kalahati ng buo kong pera sa passbook.. Patakasin mo lang ako dito.."
![](https://img.wattpad.com/cover/64683664-288-k488146.jpg)
BINABASA MO ANG
My Lovable Girl [Taglish] (Complete)
RomanceThis is my first work being a writer.. This is not the same as the Korean Drama which have also the same title.. This is my very own story/style of it.. All the characters here are fictional and unintentionally similar to real life. Cttro of the pic...